Apat na taon na naging magkasintahan sina LJ Moreno at basketball player na si Jimmy Alapag pero naghiwalay sila ng halos isang taon. Nang muling nagkita ang dalawa noong ika-3 ng Marso, nagkasundo sila na magkabalikan silang dalawa.
Aminado ang Pinoy Fear Factor participante na mas maganda ang tinatakbo ng kanilang relasyon sa ngayon ng boyfriend at ngayon siya naniniwala sa kasabihan that love is lovelier the second time around.
"My lovelife is great. After a year of break up, Jimmy and I are back together, we're together over a month na. Nagkabalikan kami last March 3 and ironically, same anniv din namin yun.
"Sobra kaming okay. Before we got back together, our friends would tease us, 'love is lovelier and sweeter the second time around.' yun na nga, I can say sobrang better.
"I can say na may effort talaga siya, parang di nga kami naghiwalay over a year. Back to before, our relationship naman kasi is 90 percent good, 10 percent bad."
Nakita namin ang kumikinang na singsing na suot ni LJ sa kanyang left hand at agad ay tinanong namin kung ito na ang engagement ring nila ng boyfriend at kung may plano na bang pakasal lalo't matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.
"This is not an engagement ring, birthday gift lang ito from him, siguro three years ago. Mahirap magsalita about marriage kasi kababalik lang namin but let's just see."
Isa si LJ sa mga bisita sa kasal ni Coun. Alma Moreno (na tita ni LJ) at Marawi mayor last March. Hiningan namin ng reaction si LJ sa maugong na bali-balita na hiwalay na raw ang dalawa.
"You know, I was shocked you told me that kasi alam ko sobrang happy sila. Nag-out of town pa sila and everything tapos may issue palang hiwalay na. Di ko sila nakakausap but as far as I know, okay sila."
Papuri naman ang binitwan ni LJ sa kung ano ba ang impression niya sa Marawi mayor na ngayon ay tumatayong tito na rin niya.
"He's fun to be around but we don't have the chance to hang out for a long time but the little time that we had, okay siya. Nakikisama siya sa aming magpipinsan and nakita ko naman na happy sa kanya si Tita."
Sumalilalim si LJ sa liposuction para lumiit ang thighs na sinasabing matagal na niyang gustong pabawasan. Sa ngayon ay masasabing ine-enjoy na ni LJ ang bunga ng ginawang pagpapa-sexy.
"Okay na, wala na akong mga pasa, natanggal ko na yung girdle. Sobrang okay na siya, yun nga lang, I was in Boracay with my family last Holy Week, naka-long dress ako, di ako makapag-swimming, minsan ako nakapag-swimming for like 30 minutes lang kasi naka-girdle pa ako nun. Niloloko nga ako ng mga kapatid ko, sabi nila, 'Ate, you're such a lola.' Nandun lang ako dun sa isang tabi, habang nagswi-swimming sila kasi di nga ako puwedeng pumunta ng tubig."
Right now ay handa nang mag-cover sa mga sexy men's magazines si LJ.
"I'm open to it na but two-piece lang, parang sobrang daring na nga yun, parang di kaya ng powers ko. Two-piece muna tayo, tingan muna natin dun."
