PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal happy that friend Judy Ann Santos has found her destiny

Jolina says that she still communicates with her former boyfriend, Bebong Muñoz through email.
by Kate Borbon
Published Apr 27, 2009
"Thankful ako na after three years, muli kaming gagawa ng dramedy ni Marvin dito sa GMA-7, nauna na 'yong I Luv New York, na parang kailan lang. Pero tingnan n'yo nga, may eight-month-old son na si Jennylyn [Mercado, their co-star in that soap]," says Jolina Magdangal about working again with Marvin Agustin.

Naimbita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makinig sa story conference ng bagong original dramedy ng GMA-7, Adik Sa 'Yo, na ginanap last Saturday, April 25, sa Studio 6 ng new GMA Network Center Building.


Ang Adik Sa 'Yo ay magtatampok sa dalawang love teams na Kapuso stars: sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, pati na rin ang bagong tambalan nina Dennis Trillo at Jennica Garcia. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.


Ito ang ipapalit sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na magtatapos na sa Friday, May 1. Pero hindi pa magpa-pilot telecast ang Adik Sa 'Yo until the third week of May.


Habang ikinukuwento ang story ng Adik Sa 'Yo, nakikita naming nagbubulungan ang magka-love team na Marvin at Jolina, na magkatabing nakaupo. Kaya after ng story conference, biniro namin si Jolina.

"Ganyan po kami talaga, sweet, sweet-an lagi, kahit noon pang una kaming magtambal in 1998," nakangiting wika ni Jolina. "Kahit nga sa SOP, natatawa na lang ang mga kasama namin sa show kapag inaasar-asar ako ni Marvin, ako naman si patolera. Pero ganoon kami talaga, at wala kaming ilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Kaya thankful ako na after three years, muli kaming gagawa ng dramedy ni Marvin dito sa GMA-7, nauna na 'yong I Luv New York, na parang kailan lang. Pero tingnan n'yo nga, may eight-month-old son na si Jennylyn [Mercado, their co-star in that soap]."


Sa Adik Sa 'Yo, gaganap siya bilang si Joana Maglipot, half-sister sila ni Jennica at father nila si Joey Marquez. May pagka-conservative, walang boyfriend at isang volunteer worker siya sa home for the aged, ang Bahay Aruga. Ano ang paghahandang gagawin niya rito?


"Babasahin ko pa lang po ang script para malaman ko kung paano ko ito gagampanan at kung ano ang mga ihahanda ko," sagot ni Jolina. "Ang alam ko pa lang, kailangan akong magpa-hair extension, shoulder length, dahil maikli nga itong hair ko.


"Pero nang malaman ko pong gagawa ako ng bagong soap, nagbasa na ako at nanood ng DVD, sa mga story na tulad nito na comedy pero may drama. Gusto ko sa mga ganitong role sina Julia Roberts, paborito ko sa kanya ang Notting Hill at My Best Friend's Wedding. Saka si Drew Barrymore, na favorite ko sa kanya ang 50 First Dates at Riding in Cars With Boys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Excited na rin akong magtrabaho dahil first time kong magiging direktor si Joel Lamangan. Minsan kaming nagkasamang mag-judge sa isang contest at sabi niya sa akin, sana raw magkatrabaho kami at ito na 'yon kaya masaya ako. First time ko namang makakasama sa soap sina Dennis at Jennica."


Pinansin namin kay Jolina na matagal na ang entry niya sa blog niya rito sa PEP, wala siyang bagong balita.


"Wala naman po kasing puwedeng ibalita. Nag-try ako, pero hindi ko natapos kaya nagpahinga muna ako. Pero ngayon, may ibabalita na akong bago, magsusulat na ulit ako at may mga bago na akong photos na maipu-post," saad niya.


FINDING DESTINY. Malapit na ang kasal ng friend niyang si Judy Ann Santos kay Ryan Agoncillo. Kahit wala pa silang sinasabi kung kailan ang wedding, inimbitahan na ba siya ni Juday?



"Nang huli kaming nagkausap ni Juday, ang sabi niya sa akin, huwag daw akong mawawala sa wedding nila ni Ryan. Kaya ako, naghihintay lamang naman ako ng tawag mula sa kanya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Hindi ba sila nagkausap ni Juday?


"Gusto ko po talagang makipagkuwentuhan sa kanya, pero alam ko na napaka-busy niya," nakangiting sagot ni Jolina. "Gusto kong ipaalaam sa kanya na genuine ang happiness na nararamdaman ko para sa kanila ni Ryan. May mga nagtatanong nga sa akin kung ano raw ang naramdaman ko na naunahan nila akong magpakasal.


"Wala, wala akong naramdamang ganoon. Akala ko talaga noon ay ako ang mauuna sa kanyang magpakasal, pero ganoon talaga ang buhay. She deserves to be happy, sila ni Ryan, kumpleto na ang buhay niya. I'm happy for her destiny, dahil naniniwala akong may kanya-kanya tayong destiny. Si Juday, natagpuan na niya ang kanyang destiny, and that's very important."


Hindi naman tumanggi si Jolina na sagutin ang pagkumusta namin sa kanila ng dating boyfriend na si Bebong Muñoz.


"May communication pa rin po naman kami, last Holy Week, nag-email lang kami sa isa't isa," pagtatapos ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Thankful ako na after three years, muli kaming gagawa ng dramedy ni Marvin dito sa GMA-7, nauna na 'yong I Luv New York, na parang kailan lang. Pero tingnan n'yo nga, may eight-month-old son na si Jennylyn [Mercado, their co-star in that soap]," says Jolina Magdangal about working again with Marvin Agustin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results