PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia Montenegro passive about renewing friendship with Gretchen Barretto

Nadia decided not to sue the doctor who did her eye operation.
by Rey Pumaloy
Published Apr 27, 2009
Although Nadia Montenegro (in photo) had a "fast and civil" phone conversation with former friend Gretchen Barretto, she does not see this as a clear sign that their friendship would return to what it was before.

Walang epekto kay Nadia Montenegro ang hindi pagdating ng dating kaibigang si Gretchen Baretto sa katatapos na 14th Goma Cup The Reunion, na ginanap sa Fairways and Bluewater sa Boracay noong April 22 to 25. Aniya, hindi pa naman bumabalik ang dati nilang pagkakaibigan kahit nagkausap na sila nito sa telepono.

"Fast and civil" ang tawag ni Nadia sa phone conversation nila ni Gretchen. Walang masyadong maikuwento si Nadia dahil nangumusta lang daw sa kanya si Gretchen.

Kuwento ni Nadia sa PEP (Philippine Entertainment Portal), kausap daw ni Pops Fernandez si Gretchen nong mga sandaling 'yon. Apparently, magkasama sina Gretchen at Pops kaya inabot ng huli ang cell phone sa una para kausapin si Nadia.

Kinumusta lang daw siya ni Gretchen at ang kanyang mata. Maikli lang daw ang mga sagot ni Nadia sa usapan nila ng dating kaibigan.

Sinabihan naman daw siya ni Gretchen ng "take care" at nagbilin itong ipaalam sa kanya kapag naipasok na siya sa ospital for operation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang namin alam kung sinadya ni Nadia na huwag tawagan si Gretchen o nawala 'yon sa isip niya. Sinabi lang nito sa amin na iyon ang una at huling pag-uusap nila ng dating kaibigan matapos ang halos isang taong hindi sila nagkibuan.

Wala pang makitang malinaw na posibilidad si Nadia kung puwede pang manumbalik sa dati ang pagkakaibigan nila ni Gretchen. Hindi pa nakikita ni Nadia na magandang simula ang pag-uusap nila sa telepono. Pero inamin niyang nasorpresa siya sa ginawa ng aktres.

NADIA'S EYES. Maliit pa ang kaliwang mata ni Nadia. Matatagalan pa bago ito bumalik sa dating hitsura.

Salaysay ni Nadia, tinanggal daw ang kanyang mata at saka ibinalik uli ng doktor. Tiniis lang daw niya ang sakit para hindi siya tuluyang mabulag.

Awa ang unang naisip ni Nadia sa doktor na unang nag-opera sa kanyang mata kaya hindi niya magawang idemanda ito. Bagamat may responsibilidad talaga ang doktor sa muntik nang pagkabulag ng kanyang mata, may katandaan na rin ito kaya hindi niya magawang kasuhan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing na lang niyang insidente o kaya ay "malas" ang pagkakaroon ng problema ng kanyang mata matapos itong lagyan ng implant at maimpeksyon.

Hindi nakapaglaro si Nadia ng golf sa Goma Cup dahil pinagbawalan siya ng doktor. Hindi siya puwedeng magbuhat ng mabibigat at hindi rin siya puwedeng ma-stress. Ang naging partisipasyon na lang nito sa event ay ang pagiging commentator o host sa unang araw ng watersports game.

Inamin ni Nadia na napikon siya sa mga sumbong na narinig niya sa pagkakabalya diumano ni Marco Alcaraz sa anak niyang si Ina Asistio sa second day ng relay. Kung nakita raw niya ang insidente ay baka inaway na niya on the spot ang actor.

Pinalampas niya ang ginawa ni Marco sa anak noong malaman niyang nag-sorry agad ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Although Nadia Montenegro (in photo) had a "fast and civil" phone conversation with former friend Gretchen Barretto, she does not see this as a clear sign that their friendship would return to what it was before.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results