news

(UPDATED) Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot in Batangas

by Erwin Santiago posted on April 28, 2009  STATS: 218963 Views | 532 Comments

Judy Ann Santos is now officially Mrs. Judy Ann Santos-Agoncillo.  She married longtime boyfriend Ryan Agoncillo in a private wedding ceremony held earlier today, April 28.

More photos.

Photo By: Courtesy of Patrick Uy / ABS-CBN

Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.

Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.

Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.

Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.

Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.

Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.

Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.

Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.

Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.

Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

532 Comments

  • 532  aslesnah122204

    05/05/2009 | 09:42 PM
    Congrats and best wishes to our JASRY....we love you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 531  condoprovider

    05/05/2009 | 05:25 PM
    perfect match :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 530  akoydreamer

    05/03/2009 | 12:21 PM
    Good for them, atleast solemn ang kasal nila.Di tulad ng iba na pinagkakitaan ang kasal.

    Best wishes to the Judai And Ryan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 529  karimadon002

    05/03/2009 | 02:54 AM
    sana naman nagayos si juday kasi mukhang bumili lang siya ng suka sa palengke sa ayos nya, di naman siya maganda kaya sana nag exert siya ng effort to be beautiful kahit sa wedding day nya lang, sobrang arte ng gimik na to!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 528  simply_kapamilya4ever

    05/02/2009 | 03:59 PM
    congratz ryan n juday! best wishes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 527  kaposonegro

    05/01/2009 | 09:15 PM
    npanood ko s ABS ung wedding! ang cute nila c ryan nkakainlove! ang swerte n Juday!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 526  fitnright88

    04/30/2009 | 05:39 PM
    488
    naku BISTEK, i want a secret wedding also. hahahaha. kaya salamat na lang.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 525  prettydoc

    04/30/2009 | 02:43 PM
    Ginaya nila wedding ni late JFK Jr at Jaqueline Bisset in a remote place and old church na very private din. Guests were also brought by buses. Even the simplicity of the dress ni Bissett eh ginaya ni Juday ibang style nga lang. Pati pagcontrol sa pic na ipapublish gaya din.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 524  crack

    04/30/2009 | 02:06 PM
    ang taba ni juday but well congrts parin :-P hekhek
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 523  bistek

    04/30/2009 | 01:54 PM
    fitnright88 bayaan mo kapag ikaw rin ang kinasal palalagay ko sa newspaper sa Obituaries page. tapos padadalhan kita ng bulaklak iyong malaki bilog tapos may stand. ok ba yun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 522  adoboworld

    04/30/2009 | 12:56 PM
    Conratulations Juday. Napaka classic ng weddding parang yong kay JFK and Caroline Besset sa old church din. Ang ganda ng kasal and reception. Parang gusto ko tuloy pumunta sa San Isidro, Batangas. After ng kasal ni Juday dadami ang turista doon. Baka kakandidato si Ryan sa San Isidro.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 521  kpamilya4ever

    04/30/2009 | 12:20 PM
    Hay salamat at ntapos na ang kasal ng dalawang OA na 2..sna mgng private persons na rn kayo 2tal mhlig nmn kayo sa private2 na yn pra nd na kta mkta sa tv.l0lz
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 520  2forever

    04/30/2009 | 12:17 PM
    wow!super kili ako sa kasla nila promise... ramdam mo ung love nila sa isat isa..sana magtagal kau
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 519  chinesefoodmakesmesick

    04/30/2009 | 09:50 AM
    congratulations juday!
    hala tumaba na naman si juday ulit!
    mag malibu pilates na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 518  pakiss_muna

    04/30/2009 | 09:35 AM
    ok lang respect natin,desisyon nila yang secret marriage so anu pa ba magagawa ng ibang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 517  babyaiza

    04/30/2009 | 09:30 AM
    ang ganda ng kasal nyo.. npka unique..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 516  twozerofive

    04/30/2009 | 08:46 AM
    di ako maka-juday, pero compare dun sa mga nagdaang kasalan, like claudine at sunshine, pinaganda lang sa pera... mas maganda yung kasalang juday-ryan, ramdam mo yung happiness...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 515  twozerofive

    04/30/2009 | 08:42 AM
    masagwa lang yung pic 2 kasi madumi isip nyo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 514  bistek

    04/30/2009 | 08:25 AM
    Juday malaki naman ang bayad ng ABS sa coverage ng kasal mo bakit iyong binili mo na tsinelas mukhang galing bangketa pa. sana naman iyong may brand naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 513  lupine

    04/30/2009 | 08:24 AM
    like her make-up and dress simple lang yet elegant and dating
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About