Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.
Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.
Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.
Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.
Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.
Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.
Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.
Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.
Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.
Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
292 sharonianlovekc
makikita namn ang kasal nila hindi lang sa oras ng kasal nila okey na rin iyon....
291 budayday
290 bostongirl
289 kunana_met
un road manager n juday at si derek rory
quintos un iba de ko n kilaLa!
andun si mega at mga anak!
un invitation may sineLas p!
288 kulasin
287 marian_4ever
286 ako_ito
anyway, wedding is a celebration.. Congratulations!!!!
285 joie2dworld
ang daming hindi fans ni Juday, ang nag post na hanga sila dahil napanatili ni juday na tahimik at simple ang kasal at hindi ibinenta ang rights.
gusto ni Juday at ryan, both stations
may footage na ibibigay, both stations ay maraming friends sina juday at ryan.
284 casi12
napaka simple pero napaka elegante ng kanilang kasal. just like Luli's! bravo! di kailangan ng bonggang kasal, ang mahalaga, nagmamahalan ang mga ikinasal! period!
283 pachuchay_dxb
282 4real
281 bhaipretty21
grr!so kainis!mali yng gnwa nla
dapat hnd nila tinago,wala nman
cla pinagttaguan they are both single
namn,ncra na ang image nya sa mga fans nya..
280 anzmane
279 amiga
278 fagero
277 brelox
276 pepsquad
275 shobiz_analiz
274 shobiz_analiz
joie2dworld
April 28, 2009
18:41 PM
Ay galing galing naman.Thanks sa reply mo at least naliwanagan ng marami diyan.
273 msrlyn143
more comments