news

(UPDATED) Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot in Batangas

by Erwin Santiago posted on April 28, 2009  STATS: 218968 Views | 532 Comments

Judy Ann Santos is now officially Mrs. Judy Ann Santos-Agoncillo.  She married longtime boyfriend Ryan Agoncillo in a private wedding ceremony held earlier today, April 28.

More photos.

Photo By: Courtesy of Patrick Uy / ABS-CBN

Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.

Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.

Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.

Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.

Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.

Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.

Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.

Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.

Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.

Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

532 Comments

  • 212  galadriel829

    04/28/2009 | 03:32 PM
    Congratz po
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 211  SportySpice75

    04/28/2009 | 03:28 PM
    Congratulations for both of you! Idol ko kayo kasi you remain humble til sa kasal ninyo. I wish you will have an everlasting happy mariage life! Mabuhay!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 210  doreen08

    04/28/2009 | 03:27 PM
    Judy ann has a simple but beautiful wedding gown designed by Paul Cabral the famous and star designer. again Best Wishes!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 209  gossipmonger

    04/28/2009 | 03:26 PM
    nakakatawa ang abs-cbn: eksklusibo daw. pero mukhang nakaw shots din naman ang videos nila. Haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  sapphire_j

    04/28/2009 | 03:23 PM
    simple at very elegant ng gown nya..nakakatuwa nakasal na din cla.. mamimiss ko c ryan sa pieta malapit ng matapos nkakasad... sana ipalabas n ung george at cecille
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  reality

    04/28/2009 | 03:21 PM
    wow..para sa akin ..karapatan nu na gawing secret ang kasal nu..nde pa rin kau naging madamot kht papaano may pics kau pinadala kht tatlo ..nakita namin ang sobrang ganda ng ka simplehan ng gown mo..juday-ryan...best wishes....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  kapuso_ako_kahit_anong_mangyari

    04/28/2009 | 03:20 PM
    ang simple ng gown... kakatuwa... walang intensyong magyabang... unlike sa iba na milyones ang nagastos tas naghiwalay after 2-4 yrs... talagang WEDDING ng dalawang nagmamahalan ang naganap... naks nmn ung term ko... nwei, nakakatuwa talaga... i'm not a fan, natuwa lang talaga ako... Congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  doreen08

    04/28/2009 | 03:18 PM
    Finally, nakasal na rin sila Congrats! judy ann agoncillo and ryan agoncillo wish you both happiness and more blessings to come your way at sympre a numerous of babies to come soon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  pep_talk

    04/28/2009 | 03:16 PM
    Kakabilib ang kasalan na ito walang cirucs na nangyari napanaatili ang solemnity ng wedding rites.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  mauivelous

    04/28/2009 | 03:15 PM
    nice pictures pep.. guys u can see the link sa end ng article
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  baduy_maging_kapuso

    04/28/2009 | 03:11 PM
    ang bongga ni juday.. gustong gawing private pero takaw attention pa din ang mga tao sa detalye. ;p di tulad ng iba jan papansin. batu bato sa langit ang tamaan flop queen ang pikon diyosa. ;p
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  angbatangyagit

    04/28/2009 | 03:11 PM
    congrats and best wishes. ang galing nyo ha, nailigaw nyo pa ang press with your leak na sa may pa ang kasal! hehehe. yan ang totoong private!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  icylicious18

    04/28/2009 | 03:08 PM
    shocks sobrang nakapa swerte ni juday keh ryan...awww...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  xoxobana

    04/28/2009 | 03:08 PM
    who cares! nawala na excitement namin no...sobrang secretive, feeling hollywood star!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  tfcdubainumberone

    04/28/2009 | 03:07 PM
    im soooo happy for them!!! congrats!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  maryclaire

    04/28/2009 | 02:56 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  racky_aquino

    04/28/2009 | 02:54 PM
    2 juday n ryan..congrats!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  gzone

    04/28/2009 | 02:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  demolay23

    04/28/2009 | 02:49 PM
    congrats !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  joie2dworld

    04/28/2009 | 02:49 PM
    beatiful couple sila.
    simple and elegant.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About