Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.
Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.
Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.
Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.
Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.
Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.
Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.
Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.
Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.
Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
172 lizyan1
171 gzone
I give it 5 years - TOPS!
170 balugababe
matalino ka na, wala ka pang cavities haahaha
169 alvaro_alvaro
kasali pa dito ang network war
heheheeh nakakatuwa naku!!!
168 balugababe
aringkingking
clap clap clap! i am agree!
hahaah ayan ha present na present yan
167 kapusosmostwanted
166 iamontop
165 wheng1120
164 chaneladdict
163 tinkerbell22
kainis tong pep... binubura nila kasi ayaw nila maunahan... tapos yung mga super nega comments abt anabel eh ayaw burahin..although im not a supporter of anabel naamn... nakakainis lang diba... bigla nalang mabubura
162 trinoma_rat
161 tinkerbell22
160 dulcinea
balugababe
April 28, 2009
12:13 PM
92
lizzyanna
agree ako dian! saka mas mabuti na yan, di mag aagawan ang abs at gma ng ekslusibooohhhh coverage!
---
honga, kakainis yung mga EXCLUSIBO-EXCLUSIBO na sinasabi, buti sana kung kinabukasan e hindi mo mababasa sa dyaro, tabloid, buti sana kung sila lang ang pwedeng magpa-kita o magpublish at wala ng iba.
159 dahu
158 astigsadxb
157 gene18_spirit
156 looking_forward
155 iamontop
Dito na ko sa PEX...di ko makita ang mga photos,.
154 emma_rose
153 daveraf787
dave and lizzie
more comments