Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.
Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.
Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.
Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.
Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.
Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.
Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.
Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.
Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.
Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
152 looking_forward
151 clandestine
150 diocyl
Wedding should never in circus style or grand as if there is no end. That's good------------ exclusively private is the best for reasons that only the couple know.
Look at those grand weddings we have seen from celebrities. Only few have survived. The rest-payabangan lang which is never will be an idea of a good wedding.
Cheers to the newlyweds!
149 iamontop
You both Deserves to be happy!!!
148 bugeng
147 alvaro_alvaro
146 alvaro_alvaro
pero I dont think na kasal na sila
baka gusto lang sabihin na kasal na sila para tigilan na yong mga tao sa kanila
pero kung true Congrats to the newlyweds.
145 marcleztat
144 aringkingking
143 jomhane0205
pa post naman po link sa PEX.. hirap hanapin eh.. hehe thanks po
142 shellphone
141 faye_05
140 goodvibes
april 28, wedding day ng mag bff sharon-judy ann, galing naman
139 ananke_13
138 tinkerbell22
NABSA KO SA PEX- sa thread nina juday and ryan...may picture pa nga eh.. simple ni juday pero maganda..
gwapo ni ryan...hihi
137 ananke_13
136 indian_wells
135 notsweet
134 squared
133 offshorecat
more comments