news

(UPDATED) Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot in Batangas

by Erwin Santiago posted on April 28, 2009  STATS: 218966 Views | 532 Comments

Judy Ann Santos is now officially Mrs. Judy Ann Santos-Agoncillo.  She married longtime boyfriend Ryan Agoncillo in a private wedding ceremony held earlier today, April 28.

More photos.

Photo By: Courtesy of Patrick Uy / ABS-CBN

Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.

Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.

Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.

Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.

Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.

Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.

Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.

Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.

Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.

Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.

Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

532 Comments

  • 412  pantas_uno

    04/29/2009 | 08:04 AM
    congratulations and best wishes! may your family contribute to the goodness of the society.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 411  ananke_13

    04/29/2009 | 08:03 AM
    i should also point out another admirable thing: yung mga ninong at ninang nila juday, mga hindi who's who na walang connection sa kanila. obviously, pinili nila mga tao na may relationship with them and mga special sa kanila. unlike others na di naman kilala ang presidente or senador or sino man personally, pero kinukuha for the sake of getting a big name. maski si alfie, wala, which is really VERY admirable. sobrang tumaas ng todo tingin ko sa kanila. don't be insulted mga fans ni juday na di na inform. kung mahal nyo talaga idol nyo, give this one day to her and her husband. yun na yung regalo nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 410  gmaprincess

    04/29/2009 | 08:01 AM
    Congratulations Ryan and JudyAnne!

    Nawa'y tumagal kayo hanggang sa pagtanda nyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 409  tearhere

    04/29/2009 | 07:56 AM
    What makes it sweeter is bago pumutok ang araw,they were pronounced as man en wyf,galing di ba..naisip pa nila yun..And Judy Ann,I wud is one of the loveliest celebrity bride Ive seen.Sobrang simple nya pero lutang yun glow nya as a bride,her make up was not overly done and her gown was so elegant pa.
    Sa totoo lng,dinaig nya tlga c Claudine d2,becoz Judy Ann chose to leave something private for herself,and I dont see anyhting wrng wd that.In fact I see it as a plus sa pagkatao nya.Shes really not an attention hungry person,she just wants to get wed and do it as simply as she cud.
    At sa mga nega comments dyan lyk liar c Judy Ann en kung anu-ano pa..just becoz she hid her wedding date,tinawag nyo na syang liar..bkit?? just who do u think u are para pagsabihan nya ng wedding date nya..inggit lng kau noh at mamatay kau sa inggit becoz ds wedding is bound to be a talk abt wedding no matter wht u say abt it..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 408  crain27

    04/29/2009 | 07:46 AM
    ,.CONGRATZ!.,

    ..very well donegt;gt;

    .,sna naging akin nlang si ryan.,JOke.,

    as if naman.,jejeje
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 407  iloveit

    04/29/2009 | 07:46 AM
    Best wishes....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 406  tearhere

    04/29/2009 | 07:41 AM
    Ang ganda ng kasal nila,sobrang simple but it was well prepared.Ds wedding shows how grounded Judy Ann is as a person,kung tutuusin pede nman nya pagka-kitaan wedding nya,pero she chose not to.Simpleng tao lng tlga sya.
    I saw some footages last nyt s SNN,bagay na bagay yun song na Runaway as an entrance hymn when Judy Ann was walking the aisle,kse they literally runaway from the eyes of the public just to make sure that they going to have a wedding lyk any other couple in the world,kumbaga..hndi sila artista habang nagsasabi cla ng vows sa isat-isa..I commend both for having such a simple wedding..pustahan tau,mrmi artista gagaya sa ganito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  lalapearl

    04/29/2009 | 07:40 AM
    mukhang nakasimangot si KRis sa SNN at d Buzz...hindi kasi invited! how about the flowers? sabi nila ni boy sila ang mag reregalo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  pepseeker

    04/29/2009 | 07:32 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  prettydoc

    04/29/2009 | 07:20 AM
    Im happy for them, they complement each other at love nila isat isa. Im also happy na hindi ninong si Alfie na masama ang ugali, defensive pa sa article nya na di sya kinuhang ninong kasi ninong na sya ng kapatid ni Juday na naghiwalay kaya di sya kinuha. If I know nagpuputok ang butse sa pagkapahiya ayaw lang magpahalata hehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  maulap

    04/29/2009 | 07:08 AM
    Congratulations Mr. and Mrs. Ryan Agoncillo!!!! Best wishes...

    Never mind yung mga nega dito at puro pera ang bukang bibig.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  bebeniely

    04/29/2009 | 07:06 AM
    congratulations!! ang sarap tingnan ng pics.. yung mga nag-cocomment ng di maganda, inggit lang cguro kayo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  nothing_personal

    04/29/2009 | 06:56 AM
    oh i'm so happy for you both. congrats and best wishes. it just shows na totoo at simpleng tao kayo na ang hangad ay makasal ng maayos at totoo. great job planning this wedding.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 399  the_mirror

    04/29/2009 | 06:43 AM
    kahit nasa limelight kayo nagawa nyo sacred and solemn yong wedding nyo...very well planned.

    Best wishes...

    God bless your love!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 398  sige_na_nga

    04/29/2009 | 06:38 AM
    pera maybe??? kay anga lahat ng commercials pinatulan ni juday this past few days siguro medyo baba sya ng talent fee for those just to make it... galing di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 397  sige_na_nga

    04/29/2009 | 06:36 AM
    let us not say sinungaling siguro tinatago... marami na nga syang mga sinabi na hindi totoo pero with this wedding tinatago talaga.. eh sa lakas nila sa press eh maitatago talaga... alfie ba naman eh mala guiterrez yan sa pag tatago ng isyu...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 396  sige_na_nga

    04/29/2009 | 06:34 AM
    kaya pala imbyerna sial boy and kris last THE BUZZ... hehe nag ming conditioning na about the wedding yun pala hidni sial invited? at hindi rin exclu exclusive ang kasal... hay naku sabi ko na nga ba... nagpapaliwanag agad sa tao noong sunday hehe...feeling laging kasama...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 395  karyllemae

    04/29/2009 | 06:34 AM
    Ok lang na ikasal sila kaya lang parang lumabas na sinungaling si Juday sa sabi nyang wala pang exact date kung kelan ,,,yon pala may sked na....Sbagay sinungaling namanyan si Juday from the start..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 394  ivztkd

    04/29/2009 | 06:26 AM
    magaling magaling magaling..hahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 393  pepticulcer

    04/29/2009 | 06:26 AM
    370 bistek: Actually Judy Ann and Ryan were offered P5 MILLION for exclusive coverage of their wedding pero they kindly turned down the offer. Yung mga nagpapa-coverage may bayad yon galing sa network na pinag-kontratahan nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About