Kumpirmadong ikinasal na ang aktres na si Judy Ann Santos at ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo kaninang bandang alas-siete ng umaga, April 28.
Ayon sa impormasyong ibinigay ng ABS-CBN, through its Corporate Communications, ikinasal sina Judy Ann at Ryan sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas—ang bayan kung saan ikinasal ang mga magulang ni Ryan. Ang nag-officiate ng kanilang kasal ay si Fr. Tito Calauag.
Ang tumayong Matron of Honor ay ang matalik na kaibigan ni Judy Ann na si Megastar Sharon Cuneta. Best Man naman ang nakatatandang kapatid ni Ryan na si Dondi Agoncillo.
Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan ang naging flower girl.
Mga ninong at ninang naman sina Mon Isberto ng Smart Communications; Bien Bautista, ace photographer; Benjie Gonzales, uncle ni Ryan mula sa U.S.; Suzi Entrata-Abrera, co-host ng Unang Hirit; Rory Quintos, TV and movie director; at Jane Buencamino, road manager ni Judy Ann.
Ang umawit naman during the wedding ceremony ay sina Agot Isidro ("Runaway"), Regine Velasquez at Ogie Alcasid ("The Prayer") sa Offertory, at sina Agot at Ogie ("One Hand, One Heart") sa Communion.
Gaganapin naman ang reception mamayang gabi sa isang private resort.
Bagamat itinuturing na kapwa high-profile stars sina Judy Ann at Ryan—lalo na si Juday na tinaguriang "young superstar"—pinili nila na gawing pribado ang kanilang kasal. Walang exclusive TV coverage ang masasabing "Wedding of the Year." Sina Juday at Ryan mismo ang magbibigay raw ng video footage at photos ng kanilang kasal sa iba't ibang TV networks, magazines, at newspapers.
Ayon sa unang report ni Jojo Gabinete, hindi sinabi sa wedding invitation ang eksaktong lugar ng kasal. Malalaman lang ng mga imbitadong bisita ang eksaktong lugar sa pamamagitan ng sketch na nakalakip sa imbitasyon na kanilang natanggap.
Maging ang mga artistang imbitado sa kasal, gaya nina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, ay naging malihim sa pagbibigay ng kahit anong impormasyon tungkol sa kasal nina Judy Ann at Ryan nang ma-interview sila ng PEP kamakailan. Ito ay sa kahilingan na rin nina Judy Ann at Ryan, na nagpasyang lumagay sa tahimik pagkatapos ng apat na taong magkasintahan.
Click here for more photos of the Juday-Ryan wedding.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
392 pepperlicious
tama lang ang naging desisyun nila na gawing pribado at hindi gawing circus ang wedding nila. tingnan niyo ang nangyari kay mega noon, nahilo at hinimatay sa dami ng mga fans. sino ba namang bride ang maghahangad non di ba? at di rin naman pwedeng sisihin ang mga fans dahil gusto rin nilang maka saksi sa wedding ng idol nila. so tigilan na ang intriga at makisaya na lang kayo sa bagong kasal.
391 honeybabes18
390 bistek
389 bistek
388 iluvabsgma
387 satellite
386 happychick
385 bistek
384 di_kapuso_di_kapamilya
383 lalapearl
Pati ba naman dito sinali sa article ni Juday sinisigit si MR and DD...tantanan nyo na ang dalawa...
Congrast ulitgt;gt;gt;Im so happy for you Juday and ryan. Ang ganda ni Juday doon sa wedding dress niya.
382 echoserangdaga01
381 jm888
380 foreveryoungjd
379 popstar
378 lagat78
SuPeRdAnY
April 28, 2009
21:28 PM ang sagwa naman ng pagkakahawak ni judy ann sa kamay ni ryan sa photo no. 2....
====================
hinanap ko tala ang pics na ito at mukha akong shunga dito sa opis tawa nang tawa buti nalang lunchtime at ako lang mag isa dito...talagang ang sagwa hehehe try nyo tingnan
377 lagat78
376 lagat78
missworld
April 29, 2009
01:24 AM Bakit puro Judy Ann amp; Ryan, even dun sa wedding invitation na ipinakita sa SNN, mas prominent ung JR kesa RJ, di ba dapat mas mauna palage ung name ng groom kesa sa bride, even though Judy Ann's more popular than Ryan, dapat una pa din si Ryan, di naman pelikula yan e, kasal kaya nila yan. Opinion lang po.
=====
hello Miss World talagang dapat mauna ang name nang bride tingnan mo nga sa mga invitation examples sa internet...ako nung kinasal ako dito sa LA ganun din naka una ang name ko kesa sa asawa ko
375 lagat78
hyrax08
====
walanag tatalo sa lihim na kasal ni Kris Aquino wala talgang nakaka alam
374 lalapearl
373 bostongirl
more comments