news

Wendy Valdez denies marrying Bruce Quebral last March

by Rose Garcia posted on April 28, 2009  STATS: 28416 Views | 87 Comments

 

Actress Wendy Valdez denied a report, which spread through Facebook accounts, that she already married boyfriend Bruce Quebral last March 10.

Photo By: Noel Orsal

Kumalat sa Facebook accounts ng ilang entertainment press, kabilang na ang writer na ito, ang isang pribadong message tungkol sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 housemates na sina Wendy Valdez at Bruce Quebral.

Nakiusap ang nagpadala ng private message sa amin na huwag banggitin ang kanyang pangalan kung sakaling magdesisyon kaming isulat ang tungkol dito.

Sa artikulo kasi namin kay Wendy na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong April 24 ay may nag-post ng comment na ikinasal na diumano sina Wendy at Bruce noong March. (Click here to read related story.)

Ang ginawa ng aming source ay nag-verify siya sa National Statistics Office (NSO) at nagbigay siya ng link. Kapag binuksan ang link ay makikita ang mga sumusunod na impormasyon:

Husband: Bruce Angelo Averion Quebral

Wife: Wendy Manalus Valdez

Marriage Date: 2009-03-10

Base sa record na ipinadala sa amin ng aming source, lumalabas na ikinasal sina Wendy at Bruce noong March 10, 2009.

Upang kumpirmahin ang nakuha naming impormasyon, tinawagan ng PEP ang dating manager ni Wendy na si Ambet Nabus kaninang hapon, April 28, upang hingin ang number ng aktres. Pero si Ambet na mismo ang nagprisinta na tawagan si Wendy at alamin kung totoo ngang nagpakasal na ito kay Bruce.

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumawag si Ambet sa PEP upang ipaalam ang naging usapan nila ni Wendy. Ayon kay Wendy ay hindi raw totoong ikinasal na sila ni Bruce.

Dagdag ni Wendy, nakorner lang daw siya ng mga reporter sa presscon ng Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers at yung tungkol sa pagpapakasal ang mga tanong sa kanya. Pero tumanggi raw ang aktres na may kasalan na naganap.

Ayon naman kay Ambet, tinanong daw niya ang dating alaga kung bakit may date pang nakasaad sa kumakalat na dokumento.

Ito raw ang naging tugon ni Wendy kay Ambet: "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan nila nakuha yun. Kung magpapakasal man ako, alangan namang hindi ko ipapaalam sa 'yo? Siyempre isa ka sa magiging ninong."

Naging kontrobersiyal sina Wendy at Bruce habang nasa loob sila ng PBB house dahil na rin sa pagiging close nila at sa "attitude" ni Wendy.

Bago matapos ang 2008 ay nagdesisyon si Bruce na iwan ang pag-aartista at subukan ang kanyang kapalaran sa ibang larangan. Ngayon ay nagtatrabaho siya bilang flight steward sa Emirates.

Si Wendy naman ay patuloy pa rin sa kanyang showbiz career.

Sa nauna nilang interviews ay inamin ni Bruce na balak na niya talagang pakasalan si Wendy.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

87 Comments

  • 87  charrie74

    05/19/2009 | 04:12 PM
    dami nga websites dun sa sabi nila.. pero lahat may bayad la na libre ngaun hahaha d2 na lang sa pep libre mag comment magkakasakit ka pa sa puso sa mga nega comments hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  charrie74

    05/19/2009 | 04:08 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  weetzi

    05/15/2009 | 01:23 PM
    i'm not super familiar with wendy. didn't see that drama she had. pbb isn't shown on tfc but nagagandahan talaga ako kay wendy. medy inggit ako sa beauty niya. slight lang naman. pero she's truly a sight, in my opinion. :D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  sylvester

    05/14/2009 | 04:22 PM
    sus kasal na un sigurado... bakit may record?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  totallyfab

    04/30/2009 | 11:56 AM
    I like Wendy...galing umarte. Hope bigyan pa cha ng mga shows. Si Wendy na lang ata ang sikat galing sa PBB season 2 ah...galing kasi may talent.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  undisclosed

    04/30/2009 | 07:54 AM
    congratulations and best wishes! =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  hawaiianboi

    04/30/2009 | 03:43 AM
    sino sila?????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  sweet_irene

    04/30/2009 | 02:55 AM
    summitagain,

    pag marriage record ng kahit sino, pwede kang mag inquire sa NSO nyan.Ang sinasabing kamag anak lang ang pwede ay yung birth certificate.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  codeofethics

    04/30/2009 | 02:45 AM
    Wendy is gorgeous. Sana there are more stars that look like 100 Filipino, karamihan kasi puro mixed ang background. Maganda naman ang tunay na filipina with the big brown eyes and brown, gorgeous, tanned skin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  homey08

    04/30/2009 | 01:33 AM
    Well kung married na silang 2, that's Good amp; Congrats!. Ang daming kinakasal ngayon, who's next?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  budayday

    04/30/2009 | 01:16 AM
    Hoy! Sa mga nag c0c0mment ng bad kay wendy mamatay kau sa inggit kng naiingit kau edi kau nlng ang mag artista walang magawa sa buhay palibhasa mga inggetera at inggetero,pweh manahimik nlng kau pwede...Cheee...,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  0210bonie

    04/29/2009 | 09:58 PM
    tanongo kolan kasama pa ba si wendy sa kapamilya show dito sa ontario CA? kasi dun sa ibang add wala name nya. eh kaya pa naman ako bumili ng tickets kasi i saw she'll be one of the performers. hello abs-cbn...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  0210bonie

    04/29/2009 | 09:56 PM
    Buti ng magpakasal kesa mag boyfrend pag nagkasawaan parang basahan na yung babae. at least dito mag iisip sila mahal ang annulment. if ever im hapi for them , i lkike wendy shes not afraid to show who really she is, di yung ibang pa cute! asan na si bea saw? sinetch?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  applegrace27

    04/29/2009 | 09:41 PM
    meron ba silang accommodation sa al qusais? kasi ang alam ko sa jumeirah tower malapit sa emirates tower sila sa sheikh zayed nakatira.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  adical

    04/29/2009 | 09:36 PM
    oi deiradubai. so what kung emirates ang company, puede din naman sila mag car lift ah. kasi if mag carlift sila may additional money sila sa transport kaya mostly sa kakilala ko na stewardess eh nagcacarlift
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  k_luna

    04/29/2009 | 09:34 PM
    Citizen Services by Pilipinas Teleserv - yan ang website na sinasabi ko. di pde ma post ang link dito. paki-search na lang po.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  ayhie

    04/29/2009 | 08:42 PM
    cno tong bruce bural na toh at ito pang isa wendy VAvaldez mukhang maid.. eeiww... sayang lang space d2 sa pep alisin na toh.. hayzzz...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  deiradubai

    04/29/2009 | 07:02 PM
    oks kalng kung sino man nagsabi nit:

    unang una oo malamang sa alquasis sya nakatira dahil emirates yun company nya so emaning di sya ang cacarlift kase nga emirates may transpo na yun for sure.

    ako naniniwala ako na kasal na sila.

    pero honestly nakita ko si bruce sa citycenter kasama isang magandang abbae and for sure cabin crew attendant yun kase wow ang ganda you cant say na magkaibigan sila coz there hugging each other sa food court near in hardee's.basta yun alng nakita ko period.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  bataanmatamit

    04/29/2009 | 06:16 PM
    Sila pala un?

    salamat PEP at naragdagan na naman ang mga nakilala ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  summitagain

    04/29/2009 | 06:04 PM
    Sabi ng NSO official e wala namang way na makukuha publicly ang details ng kahit na sino. Maari lang daw kung kamag-anak at may letter of authorization. Walang pwedeng makuha mula sa website nila. Baka hoax lang daw yung website na yan. Kahit icheck daw ang website ng NSO at ecensus walang pwedegn makakuha ng bigla bigla na may link pero kung gustong manloko e pwedeng magrequest ng copy at magbayad sa ecensus epro di dwa sila nagpapadala ng link at hindi nakabukas sa public ang document management nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About