"And then, uunahan niya [Gina] ako, magbibigay na naman siya ng idea sa mga tao na, 'Uy, 'yan si Snooky, baka nakakalimutan ninyo, pagong 'yan, mali-late 'yan.' And I didn't get the point, why? Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa ating lahat? It's so painful to me. It's not funny. Siguro sa ibang tao nakakatawa, pero sa akin na... Dun ako naapektuhan ng career ko, dun ako nasira. Ngayon, nagbabagong-buhay... Kumbaga, masakit sa akin yung joke na yun. Hindi siya funny," says Snooky Serna about a joke that Gina Alajar (inset) made during the story conference of their film Dukot.
Snooky Serna offended by co-star Gina Alajar's "reminder"
Wednesday, April 29, 2009
11:21 AM
Rating
Kasama si Snooky Serna sa indie film na Dukot ng ATD Entertainment, na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Iza Calzado. Gumaganap si Snooky rito bilang si Myrna, isang human rights leader.
Nagkaroon ng story conference ang Dukot noong April 27 sa Gerardo's restaurant sa Quezon City. Pagkatapos ng storycon ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Snooky.
Sa aming pakikipag-usap kay Snooky ay inilabas niya ang kanyang hinaing sa co-star niya sa pelikula, ang multi-awarded actress na si Gina Alajar. Ayon kay Snooky, na-offend siya sa ginawang biro ni Gina during their story conference.
Kuwento ni Snooky, "Kasi nung may kanya-kanya kaming time na tinanong, binigyan kami ng kanya-kanyang moment to answer. And then, parang we were asked about our reaction or yung desisyon namin bakit namin ginawa itong pelikula, anong stand namin, ganyan. Tapos, habang nagsasalita ako... I mean, aminado naman ako na rumolyo ako nang rumolyo, di ba? Pero parang uncalled for na... Nung dumating na sa part na... I don't know, actually, parang wala ngang sense yata, e, na bigla niyang pinasok yung... Saka regardless, e, sabihin na nating we were talking about... No, e, wala pa ring sense kasi we were talking about my role, di ba? Hindi naman pinag-uusapan dito yung personal life ko, e. Hindi si Snooky kundi yung papel ko. Tapos, biglang siningit niya [Gina], 'Oy, huwag male-late, huh! Snooky, huwag male-late!' Yun bang ang dami-daming tao, tapos nagtawanan.
"Sabi ko nga, kung gusto mong maging kuwela—sa utak ko lang naman—kung gusto mong naging nakakatawa... Siguro thoughtlessness lang yung sa kanya, immaturity on her part, huwag naman sanang... Sana pag-uwi niya ngayong gabi, ipinagdarasal ko naman na mapag-isip-isip sana niya na... Ate ko pa naman siyang naturingan all these years. And she's how old, 'no? Matanda na siya, she should know better na. Hindi naman tama siguro na magpahiya ka ng tao. You make me a laughing stock at the expense of you being kuwela. Hindi ako sold sa gano'n.
"Bigla siyang sumingit habang nagapaliwanag ako na para bang... Ang feeling ko, anong connection ng pag-late-late ko dun sa role ko?" tuluy-tuloy na pahayag ng aktres.
Magiging challenge ba para sa kanya ang sinabi ni Gina para hindi siya ma-late sa kanilang shooting?
"I'm so challenged," sagot ni Snooky. "Pero alam ninyo, ayokong magyabang, kapatid. Baka sabihin naman ng iba, 'Naku, napaka-self-righteous naman nito.' Pero it's all by God's grace pa rin. Ako, on my end, I will really try my best to do my homework talaga na... Siguro kung pupuwede lang pasampal ako sa mga anak ko sa gabi para makatulog ako nang maaga, para mawala ang insomnia. At para makapag-deliver ng tamang dialogue, kasi nakakahiya kay Allen [Dizon, producer of Dukot], kay Direk [Joel Lamangan]."
Anong message ang gusto niyang iparating kay Gina?
"Hindi, ang sa akin, ang feeling ko... Sabagay, sabi sa akin ni Tito Mario [Bautista, veteran entertainment columnist] kanina, 'Huwag nang ganoon, huwag kang sensitive.' Sabi ko, it's not being sensitive, or maybe sabihin na nating I am. It's because stigma na yun sa akin, e, nakakabit na sa akin yung pagong, late-late. And then, eto ako, nagta-try na magbago.
"And then, uunahan niya [Gina] ako, magbibigay na naman siya ng idea sa mga tao na, 'Uy, 'yan si Snooky, baka nakakalimutan ninyo, pagong 'yan, mali-late 'yan.' And I didn't get the point, why? Bakit kailangan pa niyang ipaalala sa ating lahat? It's so painful to me. It's not funny. Siguro sa ibang tao nakakatawa, pero sa akin na... Dun ako naapektuhan ng career ko, dun ako nasira. Ngayon, nagbabagong-buhay... Kumbaga, masakit sa akin yung joke na yun. Hindi siya funny.
"But then, ang reaction ko, we don't have to be friends. Marami kaming eksenang gagawin together. But then again, I don't care naman. Hindi sa nagyayabang ako, ha. But I hope and pray that I will have the resilience enough and the courage na huwag niya akong ma-intimidate. Kasi hindi ko naman siya planong awayin, e. Hindi ko siya planong laitin. Siya nga ang nanglait sa akin, e, in a way.
"So, ang sa akin na lang siguro, huwag na lang kaming magkibuan sa set, tutal, we don't have to be friends, di ba? We only have to act. We only have to be castmates, di ba?" pahayag ni Snooky.
At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang reaksiyon ni Gina tungkol sa mga pahayag na ito ni Snooky.
- Snooky Serna returns to Kapamilya network; all praises for Angelito co-stars JM de Guzman and Charee Pineda
- Snooky Serna apologizes to Maricel Soriano for revealing her "engagement"
- A reformed Snooky Serna does three indie films; leads cast in Road to Ampatuan
- Snooky Serna describes herself as "pansexual"
- Snooky Serna reveals breakup with businessman boyfriend
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
- Madonna slams M.I.A. for her "teenage" antics at Super Bowl
- Marian Rivera: "Lahat na yata ibinigay na sa akin Lord... In return, ano ang dahilan para malungkot pa ako, magmaldita pa 'ko or ano pa?"
-
Theater
Cirque Mother Africa will be presented from April 19-22 at Resorts World Manila
Dancers, percussionists, singers, acrobats and contortionists will impress audiences with a unique African-themed spectacle.
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

