Nang magtapos ang primetime series ng ABS-CBN na I Love Betty La Fea, marami sa mga fans nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang nalungkot. Pinangangambahan kasi na ito na talaga ang simula ng pagkakabuwag ng tambalan ng dalawa, lalo't wala pang kumpirmadong proyekto na sila ang magkapareha.
Kasalukyang nasa New York si John Lloyd para sa shooting ng pelikulang In My Life, kung saan kasama niya sina Ms. Vilma Santos at ang anak nitong si Luis Manzano. Tinatapos naman ni Bea ang pelikulang And I Love You So, kung saan kapareha niya sina Sam Milby at Derek Ramsay.
Pero magkasama naman sina Bea at John Lloyd sa bagong TV commercial ng Greenwich. Sa presscon ng naturang pizza chain noong April 27 sa SM Megamall nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bea.
Sang-ayon ang aktres na malaking tulong ang nasabing commercial para kahit papaano ay napapanood pa rin sila ni John Lloyd ng kanilang avid followers.
"Yung mga nami-miss kami, pag napapanood nila yung commercial, somehow naiibsan yung lungkot nila at pagka-miss nila sa amin," simula ni Bea. "Lagi kong sinasabi nung nagkahiwalay kami ni John Lloyd, laging may magpapagawa sa amin ng mga projects together, and I think isa na itong project na yun. Katatapos lang ng Betty, tapos ito naman ngayon, mayroon kaming project together. Ang sarap isipin na kahit papaano, napi-preserve pa rin yung foundation ng love team namin."
BETTY LA FEA PART 2? Marami naman ang nakapansin na parang bitin daw ang ending ng I Love Betty La Fea, kung kaya't posible raw itong magkaroon ng Part 2. May plano nga bang gawan ng Part 2 ang kanilang natapos na serye?
"Sana," sagot ni Bea. "Wala pa talaga sa aking sinasabi, walang concrete plans. But, pine-pray ko pa rin na mayroon sana, kasi sobrang saya na gawin ang Betty. Gaya ng sinasabi ko dati, nung nag-uumpisa pa lang ang Betty, isa ito sa mga bago kong gagawin. Comedy yung serye, it's very light. So ako, bilang tao, nagiging light yung pananaw ko sa buhay. Ang sarap gawin ng Betty! Sana magkaroon ng extension kasi nami-miss ko talaga yung mga tao behind it.
"Kami ni John Lloyd, wala pa talaga. Nung pumirma ako ng contract, I was informed that we're gonna do another movie together. Pero alam ko na mag-iiba-iba 'yan. Siyempre, iba-iba ang gusto ng tao and you could only hope for another movie with John Lloyd. But, sana," asam niya.
ON HER OWN. Sa tagumpay na tinamo ng A Very Special Love at You Changed My Life, may mga nagsasabi na kung nagawa raw ni John Lloyd na magdala ng pelikula kahit hindi si Bea ang kapareha niya, baka hindi raw masundan ng aktres ang career path na tinatahak ngayon ng dating kapareha. Marami tuloy ngayon ang nag-aabang sa magiging resulta ng And I Love You So, kung saan sina Sam at Derek ang kapareha ni Bea.
"I must admit kinakabahan ako," sabi ng young actress. "But every time I think about it, at the end of the day, iba yung self-fulfillment kung nagawa ko nang tama ang mga dapat kong gawin. Ang kailangan mo lang gawin, ibigay mo yung best mo para wala kang pagsisisi. Kumbaga, I did my best. Ito na yung lahat ko, prinesent ko na. Anuman ang mangyari, at least I know I gave my best.
"It was destined na maging blockbuster yung move nina John Loyd and Sarah, kasi ang ganda naman talaga. Siguro kung anuman ang mangyari sa amin ni Sam, I'm really praying hard na kagatin siya ng tao. Pero kung anuman ang mangyari sa movie, it was destined to happen. Kumbaga, alam na yun ng nasa Itaas kung ano ang tatakbuhin. May Plan A lang and Plan B.
"Ang pressure sa akin," patuloy niya, "it's not an easy movie. All I can do now is to work hard for it and sana mabigyan ko ng justice yung character ko. Sa amin naman ni John Lloyd, lalo na sa pamilya ng Star Cinema, walang competition pagdating sa mga movies. Kasi, iba-iba naman. Kasi we cater different kinds of market, different kinds of movies."
JOHN LLOYD-SARAH TANDEM. Ano naman ang reaksiyon niya sa sinasabi ng iba na ang tambalang John Lloyd-Sarah daw ang nagpahina sa tambalang John Lloyd-Bea?
"Beforehand, sinabi na sa akin na paghihiwalayin muna kaming dalawa [ni John Lloyd]. Na-assume ko na siya, nakita ko na dati pa na ila-love team siya sa iba, ila-love team ako iba. And somehow, magiging okey ang love team niya at magiging okey ang love team ko. Una pa lang, naisip ko na siya, so I'm not that surprised pagkukumparahin. Naisip ko na siya dati pa," saad ni Bea.
Nilinaw rin ni Bea ang matagal nang issue na may itinatago raw siyang insecurity kay Sarah.






very spontaneous amp; witty answers,
WELL DONE GIRL.
I WILL ALWAYS BE HERE FOR YOU. BEA_LANG!
Thank you sa mga sumusuporta sa kanya GOD BLESS YOU ALL.
Ok lang humanga at suportahan ang isang artista pero huwag naman sana manira ng ibang artista
by jlc
It's ok to comppete as long as it's healthy c
sana lang po may napapala kayong mabuti sa mga sinasabi niyo, sana ay nakapag dudulot sa inyo ang pagda down kay bea ng ibayong saya at sana huwag bumalik sa inyo oh sa artistatng sinusuportahan niyo ang mga pinag gagagawa niyo....
May GOD bless your unholy mouths
i luv u bea...
Akalain mo ba namang sa interview sa kanya na kesyo umakyat daw sa ulo nia ang kasikatan---ang sagot ba naman 'UN Nga po ang gusto kong iprove, na hindi lahat ng superstar eh malalaki ang ulo'...magbuhat ba ng sariling bangko?
Akalain mo ba namang sa interview sa kanya na kesyo umakyat daw sa ulo nia ang kasikatan---ang sagot ba naman quot;UN Nga po ang gusto kong iprove, na hindi lahat ng superstar eh malalaki ang uloquot;...magbuhat ba ng sariling bangko?
cybers will stand beside you no matter what. kapit kamay kami for you. we've done it and we'll do it again.
She's really talented young lady....magaling din sumagot hindi siya yong tipong nagdadalawang isip sumagot..good luck BEA, Im not a fan pero na appreciate ko ang iyong talent, galing galing mo sa drama at magaling ka mag deliver ng words.
WE ARE PROUD TO BE BEANIANS!
WE LOVE YOU, BEA ALONZO!
WE ARE HERE TO SUPPORT YOU!
GOD BLESS YOU!