news

Pia Magalona overwhelmed that Martin Nievera will wear t-shirt designed by Francis M in Pacquiao-Hatton fight

by Ruel J. Mendoza posted on May 2, 2009  STATS: 28718 Views | 70 Comments

 

"Malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" says Pia Arroyo-Magalona, widow of Master Rapper Francis M.

Photo By: Melo Balingit

Hindi makapaniwala ang biyuda ng yumaong si Francis Magalona na si Pia Arroyo-Magalona sa sinabi ni Martin Nievera na ang Three Stars and The Sun t-shirt ni Kiko ang isusuot ng Concert King sa pag-awit nito ng Philippine National Anthem sa laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton sa Las Vegas, Nevada, bukas, May 3 (May 2 sa U.S.).

Dahil sa sobrang tuwa ni Pia sa sinabi na iyon ni Martin ay agad niyang pinadalhan ng t-shirts si Martin. Iba't ibang designs ang binigay ni Pia para mapagpilian ng singer. Pati nga ang Team Pacquiao ay pinadalhan din ni Pia ng t-shirts.

"I was overwhelmed when someone told me that Martin wants to wear the shirts that Franz designed. Hindi basta-basta boxing match yung Pacquaio-Hatton. It's a really big global event na milyun-milyon ang makakapanood in Las Vegas.

"So, malaking tulong yung makita ng marami that Martin is wearing the shirt that Franz designed. Those shirts kasi symbolize the Pinoy in all of us. Yun ang vision ni Franz when he conceptualized the designs. It means na dapat ipagmalaki natin ang pagiging Pinoy, di ba?" saad ni Pia sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

May suggestion din si Pia kay Martin kung ano ang t-shirt ang isusuot nito sa Pacquiao-Hatton boxing match.

Ani Pia, "It's nice that Martin would wear the PRIDE design because it's one of Franz's favorite designs. It still has the three stars and the sun, plus the colors are very radiant. It signifies kasi our pride as Filipinos.

"Tamang-tama yung design kasi I heard he was just gonna wear a blazer jacket over the shirt. Kitang-kita ang design ng PRIDE shirt. If Franz is still here today, he will be very, very happy. Kaya I'm thanking Martin for doing this for all of us."

FAKE SHIRTS. Nakarating kay Pia na marami nang fake na Three Stars and The Sun t-shirts ang ibinibenta kung saan-saan. Marami raw ang tumatawag sa kanya at sinasabing may mga t-shirts na ibinebenta kung saan-saan at kuhang-kuha ang design na ginawa ni Kiko.

Sabi naman ni Pia, wala na siyang magawa dahil hindi naman daw niya ma-monitor ang mga nangyayaring 'yon. Kaya ipinagdarasal na lang daw ni Pia ang mga taong ito na sana raw ay makonsensiya sila.

"May law naman na dapat nating sundin," sabi ni Pia. "Those designs are under the Intellectual Property Law and patented lahat 'yan. I just don't know kung paano pa sila nakakalusot. Like, kelan lang, my kids saw their dad's shirts na ibinebenta sa isang maliit na store. May friends naman ako na nakitang ibinebente sa bangketa.

"Nakakalungkot kasi kahit na registered na ang design na 'yan, still, may mga nakakalusot pa rin. I think kailangan maging stricter tayo sa mga ganyang laws, lalo na when it comes to the creativity of one person. Protection 'yon for your work, di ba?

"I understand that times are hard and we all have to earn something these days. Pero sana, hindi sa ganitong paraan. If they want to sell Franz's shirts, they can buy it from us and bahala na sila to sell kung magkano. Basta legal at hindi illegal.

"Matagal naming prinotektahan ang mga designs na 'yan ni Franz and nakakapanghinayang lang na it will all go to nothing kapag nagpatuloy pa ito. Kaya we are just praying na makonsensya naman sila. Isipin na lang nila na it's Franz's property at pag-aari na rin iyon ng mga anak namin."

ROBBERY. Kailan lang ay muling pinasok ng magnanakaw ang bahay ng mga Magalona sa isang subdivision sa Marikina City. Ikatlong beses na raw itong nangyari sa bahay nila. This time, ang tinangay raw ay ang naiwang laptop ni Kiko.

Nalungkot si Pia dahil alaala iyon ng kanyang yumaong asawa at pinagkainteresan pa. Nauna nang nanakaw ang mga mamahaling camera na koleksiyon ni Kiko.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

70 Comments

  • 70  walau_we

    05/04/2009 | 11:08 AM
    wala bang pic c martin or news man lang nung kinanta nya ang Lupang Hinirang. bagal ng pep ngayon ah.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  piapie

    05/04/2009 | 08:28 AM
    Thank you, pepsters!
    Martin Nievera chose to wear the FMCC FrancisM Clothing Company shirt design quot;Renaissancequot; in black when he sang the Lupang Hinirang at the opening of the fight.
    Just FYI.
    Love,
    Pia
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  ballahkapuso

    05/03/2009 | 09:00 AM
    holy smack.....wat the heck is happening with PEP...

    bat ang daming nacloclone ata ngaun???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  foxypinay

    05/03/2009 | 08:22 AM
    I think it'a awesome that Martin will be singing the National Anthem with matching Francis Magalona shirts. He will do a good job kesa naman kay Karylle na pumiyok and lumunok pa while singing. We will order and watch the match! Regarding the robbery. Wala bang security alarm system ang mga bahay sa Pinas? Three times is too much. It might be the same person. Grabe naman yan. Walang konsensiya. Wala na ngang ama yung mga bata, ninanakawan pa. I always believe na kapag nagnakaw ang isang tao, they will lose something 10 times more. Ingat kayo Pia and he kids! I know what they say na mabuit ng manakawan kesa masunugan or it's good na hindi kayo nasaktan....but this is still not right! Sana mahuli na yang kapitbahay niya na nagnanakaw sa inyo. Who knows, baka isa sa mga security guard ang gumagawa. Dahil alam na alam kapag umaalis kayo sa bahay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  madden_girl

    05/03/2009 | 03:12 AM
    wala bang Alarm Security companies sa pinas? that even some celebs became victims or robbery?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  lagat78

    05/03/2009 | 02:56 AM
    ang hirap naman ikaw na ang nanakawan ikaw pa ang magpabuya...leyyycheee


    very nationalist si kiko pero hayan hindi tinutulungan nang gobyerno maprotectahan ang design nya...ang galing nang PINOY no???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  anaheim5

    05/03/2009 | 01:14 AM
    Hope Martin will deliver the singing of our National Anthem well... I've seen him sing in several concerts... To weal Francis T-shirt is awesome... Will be watching....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  Deane_2005

    05/02/2009 | 10:23 PM
    Ganyan na nga nangyari sa family ninakawan pa mga alang konsensya naman ang gumawa nun sa family ni Kiko ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  cassandrafiona1234

    05/02/2009 | 09:58 PM
    anywaizz pia..be strong, reklamo mo sa sikyu nang village ninyo..dapat exrtra careful kayo..hanu ba yan..di man lang nahiya..ang khapahl naman..

    pwede nakawan ninyo na lang mga corrupt..wag ganyan..ang babastos ninyo..mga walang galang..paliguan ko kayo nang agua bendita..

    mga ewaness vazquess ito..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  cassandrafiona1234

    05/02/2009 | 09:54 PM
    punyetas na tsinelas..pep ano ang ginagawa nang clone na cassandrafiona1234..ngayon lang ako umentra dito..hanu ba yan..kaloka na kayo..ooopppsss.. lahat na lang..mga artistang lagalag na lang gawan niyo nang UN wag kami..

    hoiist over the top kayo ha?!.. ah hahh hhhaa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  prettyandstraight

    05/02/2009 | 09:46 PM
    hay naku bakit si martin ang kinuha di ba may viray naman sa gma at tsaka yong pinoy idol winner nila di ko lang alam name sa girl mahirap yan dapat gma singer ang kakanta kasi pride din yon sa gma sa abs kasi aside from charice mayron pang lani,martin,green at lea dami ng international star tapos now si sarah sinimulan ng ipasok sa hollywood
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  12dec2007

    05/02/2009 | 08:59 PM
    kapal moks din nmn ng nagnakaw ng loptop ni kiko sana magpakita c kiko dun heheheheheh keep it up pia=====
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  missus_germany

    05/02/2009 | 08:31 PM
    masyado yatang TAME ang mga news ng pep ngayon.

    ilang beses kaya nila pinu-proofread ang articles nila before i-upload?

    well, dapat naman talaga. mahirap na at baka masundan pa. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  meins

    05/02/2009 | 08:21 PM
    hayzzz

    c martin,,,napapapancin lang yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  chobits

    05/02/2009 | 07:52 PM
    almost half ng mga gamit ni francis nanakaw n even nakaburol sya ninakawan pa cla the cameras, laptop, psp at some of valuable things nya masakit sa family nya yun n yun n nga lang remembrance nya nawala pa nasa stage pa cla ang family nya ng nagdadalamhati..dun sa mga magnanakaw na yan believe in karma..baka sa inyo tumama ang LEUKEMIA dahil yun taong ninakaw ang gamit ay nag suffer sa sakit na yan tapos yun naiwan pa nya kukunin nyo!!! of coarse the family love those things how they love francis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  matrixxx

    05/02/2009 | 05:45 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  watevah

    05/02/2009 | 05:22 PM
    prng ang saya saya ni pia si intrview. very sincere.. wla n bng singer sa GMA at si martin ang kinuha nila? oh well, sna nx tym c charice nmn ang kmanta..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  albinobabe

    05/02/2009 | 05:15 PM
    naman PEP, alam ko namang clone lang yan sila manilaphils, queenkimz etc

    uso din ang nakawan ng UN dito. Pakiayos naman ng security nyo! nakakawalang gana kayo! Ilang accounts na ang clone, gagawan ng mga mangnanakaw ng kung ano anong dialogue para mag aaway away ang mga pepsters.

    AYUSIN NYO TO PLEASE LANG!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  albinobabe

    05/02/2009 | 05:07 PM
    namatayan na nga yung tao, nanakawan pa, kundi ba naman halang ang kaluluwa ng mga taong gumawa nito!

    anyway, be strong Pia, as you can see di ka pababayaan ng mga taong nagmamahal kay kiko.

    Good luck sa yo Manny, ilang oras na lang, wish ang pray ko talaga manalo ka!

    Go pinoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  iluvdiamond

    05/02/2009 | 04:45 PM
    anong kinalaman ni marian at dingdong sa article na ito????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About