Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo admit nothing happened on first night

Nora Calderon
Sunday, May 03, 2009 @ 05:38PM  |  147986 views

"Ako naman, kahit baby boy or baby girl, okay sa akin. Basta malusog ko siyang isisilang. Yes, two or three children, pero depende pa rin kung magugustuhan ko ang pagbubuntis!" replied Judy Ann Santos when asked how many children she wants to have with husband Ryan Agoncillo.

Photo By: Nora Calderon













Like their wedding last April 28, maayos din ang naging second wedding reception sa bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa mga kaibigan at piling entertainment press na hindi nila naimibitahan sa kanilang kasal. Ginanap ang pagdiriwang sa Le Souffle restaurant sa Rockwell, Makati, kagabi, May 2. 

Sa Table 22 na-assign ang writer na ito, kasama ang ilan pang invited members of the press (print and TV). Sa table namin, na napalamutian ng isang magandang flower arrangement, ay naroon din ang kopya ng menu: Ciabatta Bread, Rolls, Butter & Special Dip; Summer Salad with fresh fruits and blue cheese in raspberry vinaigrette dressing; Cream of Carrot & Pumpkin Soup; Fettucini Al Pomodoro with Seafood; Dalandan Sorbet; U.S. Black Angus Beef & Mushroom Roulade in Bourguignonne sauce, served with gratin dauphinoisse potatoes and steamed asparagus spears; Crepe Samurai & Molten Chocolate Timbale; Coffee or Tea.

Sa isang room sa basement ng Le Souffle ginanap ang interview and pictorial nina Juday at Ryan with the entertainment media. Ang light blue gown na suot ni Juday ay gawa pa rin ng paborito niyang designer na si Paul Cabral at ang suit ni Ryan ay gawa ni Jerome Lorrico.

"Gusto lang naming magpasalamat sa lahat ng mga kaibigan at mga kasama na nag-cooperate para matupad ang dream wedding namin ni Ryan," nakangiting simula ni Judy Ann. "Salamat sa inyong pag-intindi at pang-unawa at hindi namin ipagkakait na mapanood ninyo lahat-lahat sa paghahanda pa lang namin sa wedding hanggang ngayong reception natin."

Dugtong naman ni Ryan, "Salamat na pinagbigyan n'yo kami. Salamat na naging cooperative kayong lahat na nasa paligid namin. Ang feeling ko nga, noong nasa San Juan, Batangas kami, para akong naka-drugs, parang lumulutang ako sa saya, perfect ang lahat. Umuulan kapag wala kaming event, tumitigil kapag may event na."

THE WEDDING DATE. Kailan ba sila nag-decide na April 28 ang wedding date nila? Sinadya ba nilang isabay ito sa wedding date nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan at nina Richard Gomez at Lucy Torres? Bakit unang nasulat ay May 2 ang wedding day nila?

Ayon kay Juday, "Noong tanong kayo nang tanong sa akin kung kailan ba talaga ang wedding date, hindi ako nagde-deny noon, totoong wala pa kaming napipiling date. Nang huminto kayong magtanong kung kailan ang kasal, three weeks ago, yun na, may date na kami."

Sabi naman ni Ryan, "My parents were married on May 6; my brother Dondee, May 5. Gusto sana namin May 4. Pero nang magtanong kami sa feng shui at astrologer, ang ibig sabihin daw ng May 4 is 'death'. Kaya nang in-analyze nila, nag-fall na ang tamang date ng April 28.

"After naming mai-set ang wedding date," patuloy niya, "saka lang namin nalaman na 'yon pala ang wedding date nina Ate Shawie, at wedding day rin nina Goma. Inihanda namin yung April 28 para lang talaga sa mga family at close friends namin. At yung May 2, talagang nakaplano na para sa wedding reception sa mga kaibigan at iba pang relatives namin na mahirap makapunta sa San Juan, Batangas.

"Pero kahit wala pa kaming napipiling date, inihahanda na namin ang lahat, with the help of our coordinator, si Rita Neri, at mga suppliers. Nakakatuwa at thankful kami na talagang walang lumabas na detalye ng wedding, lahat nakisama sa amin. Kaya nang matapos ang wedding, hindi kami makapaniwala na mangyayari talaga ang gusto naming dream wedding."

Totoo bang may pre-nuptial agreement sila?

"Meron!" natatawang wika ni Juday. "Ang pera ko, pera ko; ang pera niya, pera ko pa rin! Ibibigay niya sa akin lahat ng suweldo niya, bibigyan ko lamang siya ng 500 pesos allowance a week!"

FIRST NIGHT & HONEYMOON. How true na wala raw nangyari sa first night nila?

"Totoo pala yung sabi nila na kapag pagod na kayo, walang mangyayari sa first night ninyo! Pero merong nangyari nung tanghali!" tumatawang sagot ni Ryan.

Dugtong niya, "After ng breakfast [pagkatapos ng wedding], naghanda na kami para sa dinner reception sa Anilao, Batangas. Habang naghahanda ang mga guests, may nangyari na sa amin, sa Laiya 'yon sa San Juan, Batangas. Kaya sa first night, wala talaga, dahil natapos ang reception sa Anilao, umaga na ng April 29, pagod na pagod na kami talaga at gusto na lang naming matulog."

1  2  3  4  Next »

Related Articles

167 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name