"Hindi madaling mag-horseback. May tamang pagsakay at pag-akyat sa kanya. Or else, hindi maganda ang movement mo with the horse. May mga stretching exercises pa kami before riding kasi kailangan 'yon para mas maganda ang kilos mo sa ibabaw ng kabayo," says JC de Vera.

Photo: Ruel J. Mendoza

Nagsimula na ng kanyang horseback training ang young actor na si JC de Vera para sa nalalapit na afternoon drama series ng GMA-7 na Ngayon At Kailanman.

Gagampanan ni JC ang papel ni Edwin Torres, na unang ginampanan ni Richard Gomez sa 1992 movie with Sharon Cuneta. Si Heart Evangelista naman ang gaganap sa role ni Sharon as Ayra Noche.

Naka-five days training sa pagsakay ng kabayo si JC sa Pook Ligaya Stables sa may Don Antonio Heights, Quezon City. Ang riding instructor ni JC ay isang professional equestrian kaya naging madali para sa kanya ang matutunan ang mangabayo nang tama.

Ang role ni JC sa Ngayon at Kailanman ay isang haciendero na sanay mangabayo. Kaya binigyan niya talaga ng sapat na panahon na pag-aralan ang pangangabayo.

"Nakasakay naman na ako ng kabayo, pero hindi ganito kalalaki," kuwento ni JC sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin namin siya sa kanyang training kaninang hapon, May 4.

Patuloy niya, "Thoroughbred kasi itong si Neo [pangalan ng kabayong gagamitin niya sa drama series], kaya he's really bigger at stronger. Mabilis siyang tumakbo kaya I really have to learn how to handle him right.

"Hindi madaling mag-horseback. May tamang pagsakay at pag-akyat sa kanya. Or else, hindi maganda ang movement mo with the horse. May mga stretching exercises pa kami before riding kasi kailangan 'yon para mas maganda ang kilos mo sa ibabaw ng kabayo.

"Kapag first time mo sumakay ng ganitong klaseng kabayo, masakit sa inner thighs at sa lower back. Kasi tatalbog ka talaga sa mga galaw niya. Pero as you go on with it, okay naman. Masasanay ang katawan mo sa pagsakay sa kabayo," saad ni JC.

Nabanggit ni JC na nakasama rin niyang mag-aral mangabayo ang StarStruck 3 Avenger na si Arci Muñoz. Si Arci ang gaganap sa role ni Cherie Gil bilang Donna Benitez.

Isa pa raw importanteng nalaman ni JC tungkol sa horseback riding ay ang pagkakaroon ng bonding sa kabayo na sasakyan mo.

"Important 'yon kasi sasakyan mo siya, e. Kailangan kumportable ka with the animal at kumportable rin siya sa 'yo. Kumbaga, give and take kami. Kasi kung wala kaming bonding, hindi magiging smooth ang ride ko sa kanya.

"Ngayon nga natututo na ako ng iba't ibang ways sa pakikipag-usap sa kabayo. May sarili silang lengguwahe, e. Para rin silang tao. Kumbaga, may lambing ka sa kanila para maging maamo siya sa 'yo. Kailan lang natuto ako ng mga clicking sounds. May iba't ibang klase 'yon and kailangan matutunan ko siya agad," lahad niya.

BACK TO WORK. Natutuwa si JC dahil pagkatapos nga ng ilang buwan na wala siyang trabaho, ngayon ay ready na siyang maging busy ulit. Ang huling series ni JC sa Kapuso network ay ang Lalola, kung saan nakapareha niya si Rhian Ramos.

"Oo nga, e. Matagal din akong walang show. Mahirap ang mabakante, Mabuti naman at balik ako sa pagtrabaho ulit. I miss working and acting. I'm thankful na nabigyan na ulit ako ng GMA-7 ng bagong series," sabi ni JC.