Sasagala bukas, May 9, si BB Gandanghari sa isang gay santacruzan.
Wala nang makapipigil pa sa pagsasagala ni BB sa traditional na sagalahan o santacruzan ng mga bading sa Malabon City. At hindi lang basta "one of those" na sagala ang beauty ni BB, kundi siya ang Reyna Emperatriz!
Kumpirmado ang pagrampa ni BB bilang Reyna Emperatriz sa ilang dekada nang Gay Santacruzan ng Malabon City, na pinamagtang "Bulaklakan ng Mga Talyada." Ito ay organized ng Malabon Buklod-Puso Gay Association, Inc, in cooperation with Malabon City Mayor Tito Oreta at ng Malabon Tourism Office.
Ang core group ng nasabing Gay Association ay binubuo ng Malabon residents na sina Ernie dela Cruz, na ama ng aktres na si Angelika dela Cruz, Percival Chan, Ferdinand Morales, Eric San Juan, at isa pa.
Ayon kay Percival Chan, na nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kanina, May 8, malaking tulong ang pag-imbita ni Ernie dela Cruz kay BB kaya hindi sila nahirapang mapa-oo itong sumagala for the very first time.
Hindi kami sigurado kung noong Rustom Padilla pa lang si BB ay nakapag-escort na siya sa ilang regular na Santacruzan, pero ito ang kauna-unahang beses niyang rarampa bilang sagala.
Sa Makati condo ni BB unang na-meet ng grupo ang controversial showbiz figure.
"Mabait siya, madali siyang kausap. Tuwang-tuwa siya sa invitation namin. Dala na rin namin ang aming down payment para sa honorarium ng participation niya as Reyna Emperatriz namin this year," kuwento ni Percival.
Sobrang excited nga raw si BB dahil bukod sa first time niyang sumagala na nakadamit-pambabae—kahit pambading ang Santacruzan—ay hindi lang siya basta sagala, kundi siyang magiging "finale" dahil siya nga ang Reyna Emperatriz, na mas mataas pa sa Reyna Elena sa Filipino custom and tradition.
Last week pa lang ay malakas ang ugong ng balitang sasagala sa Malabon si BB, hanggang sa naipaskel na ang mga streamer sa buong city announcing BB as Reyna Emperatriz sa taunang "Bulaklakan ng Mga Talyada."
Bukas, 9 p.m., magsisimula ang parada ng mga sagala sa Malabon City Hall Plaza sa Brgy. San Agustin patungong Brgy. Hulong Duhat, kung saan magkakaroon ng munting programa at special awards para sa mga sagala.
Hindi naman maglalakad sa kalsada si BB, kundi sasakay siya sa isang magarang float.
"Ayoko ring nakaupo. Gusto ko nakatayo sa karosa, para kita ng mga tao ang ganda ng katawan ko, at sana maliwanag din ang ilaw para makita ang ganda ko!" natatawang sabi raw ni BB, ayon pa rin sa kuwento ni Percival.
Si Dennis Martin, tubong-Malabon din, ang lumikha ng gown na isusuot ni BB.
Ayon pa kay Percival, ang "Bulaklakan ng mga Talyada" ng Malabon City ang kauna-unahang siyudad sa buong Pilipinas kung saan nagsimula ang ganitong sagalahan ng mga bakla. Nagsimula pa raw ito noong panahon ng mga Hapon.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
199 909100
198 909100
197 909100
196 blinktubey
195 douglas104
goodluck na lang kay RP
at least, after more than 20 yrs of wondering if totoo nga ba ng mga kwento2 about his past and for keeping it between me and my sis for such a long time, parang relieve na rin ako
even yung previous articles about him dito since nagladlad sya, no comment ako until now kasi parang it's about time na rin for me to say something and i hope wala naman akong nasaktan
naku po!
194 cassandrafiona1234
ay atakbo na si batman..ha hahha..
natalo ka nang magnet ni RP...
ay wag di ko kaya mag martilyo araw araw dito sa PEP..
give it to the mods..
ha hah ha
193 douglas104
kaya nga give up na ako dito kay RP bago pa ako maloka.
indorse ko na sayo ang martilyo ng hustisya, di ko na carry talaga
192 aringkingking
according to my research, they are by nature ganyan, not just by choice. that is, they can't help it, they were born that way. there is a medical explanation for that -should we take lab tests, their chromosomes, hormone levels, and chromatin patterns are not normal male
violent reactions will be ignored lolz
enjoy life, bb. remember, they too have motes in their eyes lolz
191 cassandrafiona1234
190 cassandrafiona1234
msangel2
Don't speak with your mind wide shut...
Imulat natin di lang mata, puso at utak..
Clearly, you were not born yesterday,ha?
nasa bente uno siglo na tayo.. regardless, ang Homosexuality has been in existence way back a very long long time ago - even before our great great great ancestors.
If you want to learn about Homosexuality .. I would be glad to impart my knowledge..pero baka magalit sa akin si mod..
Just keep an open mind, would you?
kasi nabuburyang ang mga kuto ko for those who does not understand the sexual revolution..hane?
hockey dockey..?
189 cassandrafiona1234
you're welcome.. ha h ha ha as regards being at home with PEP..
PEP serves as Morphine in choatic times..
PEP allows me show my Alter Ego.. DARNA!!!
PEP adds Life..
higit sa lahat..
ADIK sa PEP..ha hahhaa
at talaga naman may pahabol ka pang comment na di ko mawari kung left ka or right ha hah a..
Thoughts in Seesaw?
188 douglas104
naks naman, di talaga maikakailang at home na at home kana dito sa pep-buhay na buhay lagi ang mga comments mo.
anyway, thanks for taking time answering my comment, my dear.
187 echoserangdaga01
186 douglas104
kasi, lahat naman yatamaliban sa sobrang mga mapanlaitay may good point naman kung bakit hindi dapat nagkakaganito si RP
but since si RP ay di na talaga mapigilan, ok lang siguro
...as long as hindi sya magiging threat sa society, lalo na sa kabataan.
185 msangel2
Kapag lagi ganyan pinapakita mo nag-kikilos babae ka sa publiko baka dumami ng dumami ang mga kababayan natin gumaya sa iyo na mag-kilos babae na rin eh hindi magandang impluwensya sa iba iyang ganyang pinapakita mo na nag-kikilos babae ka eh lalaki ka naman ok lang kung bakla ka, mga bakla lalaki pa rin sana pag-isipan mong mabuti kung maganda ba ang epekto sa iba ng mga ginagawa mo lalo n sa mga bata. Isa ka sa public figure kc actor ka.Paki-usap lang pakilagay sa tama ang mga kinikilos.
184 angga
Kahawig mo pala BB.
183 grown_up_girl
182 monkeydoggiedoggie
wak ka ingles ng ingles iha. nakakahiya ka. mali mali naman grammar moh.
wak na mag-ingles kung mali mali naman. para lang masabihang matalino kuno...
181 echoserangdaga01
180 asahi
adoboworld
May 8, 2009
15:15 PM Bakit naman sinisisi sa sangkabadingan ang baha. E below sea level ang Malabon kaya bahain. May bading din naman sa Middle East na Disyerto pero never na bumaha doon. Baka naman sadyang nilikha ng Diyos ng bading ng hindi na dumami pa ang mga tao. Kung noon ay humayo at magparami ngayon ay hindi na applicale yon dahil sa hirap ng buhay.
gt;gt;
Ba't lilikhain ng Diyos ang mga bading kung ito'y ipinagbabawal Niya? You don't know what your saying. Huwag mong gamitin si Lord sa iyong mga haka-haka.
more comments