Newlyweds Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo get unique gift from Direk Joey Reyes

Rose Garcia
Saturday, May 09, 2009 @ 07:22PM  |  38039 views

 

Director Joey Reyes (inset) wrote a song for Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos (main photo) as his wedding gift. The song will be interpreted by acoustic singer Paolo Santos.

Photo By: ABS/CBN & Patrick Uy (Judy Ann and Ryan) / Noel Orsal (Direk Joey)













Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ng kopya ng lyrics ng kantang sinulat ni direktor Jose Javier Reyes para sa bagong kasal na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Si Direk Joey ang direktor nina Juday at Ryan sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo at ang sequel nitong Sakal, Sakali, Saklolo.

Ang titulo ng kanta ay "Kuwento Nating Dalawa."

Ang lyrics ay tila regalo na rin ni Direk Joey para sa mag-asawa at bibigyan ito ng interpretasyon ng acoustic singer na si Paolo Santos.

Ayon sa manager ni Ryan na si Noel Ferrer, ang kantang sinulat ni Direk Joey Reyes ay unang maririnig sa TV special ng wedding nila na mapapanood sa ABS-CBN. Posibleng maging theme song din ito ng sitcom nina Juday at Ryan, ang George and Cecil, though nothing definite yet on that score.

Sa album launching ni Paolo Santos ng Back to Basics  sa Chef and Brewer kahapon, May 8, unang nakita ng singer ang kanta at nasabi sa kanya na siya ang napiling umawit nito. Masayang-masaya ang singer. Ayon sa kanya'y another blessing ito, lalo pa nga raw at malapit sa kanya ang mga bagong kasal.

Here are the lyrics of the song that Direk Joey wrote specially for Juday and Ryan:

            KUWENTO NATING DALAWA

            Paulit-ulit nang nasabi

            Mga pangyayaring ganito...

            Laman ng sari-sariling awitin,

            Tula at iba't ibang kuwento...

            Kahit na sa pelikula

            Mula doon hanggang dito...

            Pilit na gustong hulihin

            Kurot at kilig ng puso.

                        CODA

            Pero kung ako ang tatanungin

            Kung ano aking damdamin...

            Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,

            Kahit ano pang tula't awitin

            Sigurado akong kakapusin

            Masukat ang ligayang dulot mo.

            Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula        

            Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.

            Paulit-ulit nang nasabi

            At kay tagal  pang hinintay

            Pinangarap, pinantasiya

            Ang kakambal ko sa buhay...

            Ngayong tayo'y magkasama

            Di pa rin makapaniwala

            Itong suwerteng dumating sa akin

            Na pumayag kang mahalin kita.

1  

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name