GMA-7 top executives formally announce Dingdong Dantes will play Cholo in Stairway to Heaven

Nora Calderon
Sunday, May 10, 2009 @ 07:15PM  |  275 views

 

"Mixed emotions ako—excited, doble kaba. Naroon na ang challenge, but I'm optimistic," says Dingdong Dantes about playing the role of Cholo in the Pinoy adaptation of Stairway to Heaven.

Photo By: Rose Garcia













Sa ngayon, ay wala pa namang sinasabi kung kailan sila magsisimula ng taping ng Stairway to Heaven, kaya gusto raw muna niyang magbakasyon. Saan ba siya magbabakasyon?

"Siguro, dito lamang o kung puwede, gusto kong pumunta ng Korea. I heard na ginawa na nilang tourist attraction ang set ng Stairway to Heaven doon at gusto kong makita 'yong famous carousel na napanood ko sa story."

WITHOUT MARIAN. Isang romantic drama ang Stairway to Heaven, hindi ba siya mahihirapan na hindi si Marian Rivera ang katambal niya?

"I have to be in love for this series," nakangiting wika ni Dingdong. "But it doesn't mean na I need to be in love with my leading lady. Pag-aaralan ko lang ang character at ang feelings ko. It's my choice naman kung paano ako aarte sa eksena," sagot niya.

Ngayong hindi na si Marian ang ka-love team niya, sa palagay ba niya, kaya pa rin niyang magkaroon ng ganoong katagal na ka-love team?

"Definitely, hindi na siguro love team 'yon, leading lady ko siya," diretsong sagot ni Dingdong. "Nagkataon lang na yung tatlong projects, for almost three years ang sunud-sunod na ginawa namin ni Marian, at naging masaya naman kami doon."

Nami-miss na ba niya si Marian dahil matagal-tagal na ring natapos ang kanilang taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang?

"Siguro nami-miss ko lang yung inaasikaso ko siya sa set!" natatawang wika ni Dingdong. "Para kasi akong ulitility boy niya kapag nagte-taping kami. Hindi ba, dapat naman you make your leading lady comfortable sa set?"

Nangungulit pa rin ang mga fans nila ni Marian na sana ay magkaroon na sila ng bagong project. Next year na ba talaga muli babalik ang love team nila ni Marian?

"Yes, hataw ulit kami next year, pero siguro sa movie muna.  Sa ngayon, may inihahanda na kaming dream project, pero ayaw muna naming sabihin kung ano 'yon at kung sino ang magpu-produce. Romantic comedy ito," banggit niya.

May balita rin na baka siya ang itambal ng Regal Entertainment kay Marian sa solo movie nitong Nieves, na kasali sa 2009 Metro Manila Film Festival sa December.

"Wala pa akong alam tungkol doon," sabi ni Dingdong. "Pero napanood ko nga ang episode ng Nieves noon sa Shake, Rattle & Roll X. Maganda ito at sabi ko, it can stand on its own."

Kinulit ng PEP si Dingdong kung lagi pa rin silang nagkikita ni Marian at kailan sila huling nagkita.

"Kahapon [May 9]," sabi niya. "Nagpunta siya ng Facial Care, nandoon naman ako sa may area na 'yon dahil nag-gym ako. Yun, nag-merienda kami somewhere there."

Nagkatawanan nang sabihin naming iba na talaga kapag mag-sweetheart, laging nagkakataon na nasa iisang lugar lang sila.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

802 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name