"Rare opportunity ito to play contravida. Matsa-challenge na naman ako, no doubt about it. Actually, bida-kontrabida ang role ko. Gusto kong sumubok ng ibang klaseng role," says Glaiza de Castro.

Photo: Noel Orsal

Isang very excited at rejuvenated Glaiza de Castro ang nakaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Bioessence sa West Avenue for this exclusive interview.

Pinaghahandaan ni Glaiza ngayon ang bagong proyektong in-assign sa kanya ng GMA-7, ang TV remake ng 1987 film na Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, where she's taking the Jackielou Blanco part. Si Maxene Magalona naman ang gaganap ng papel na ginampanan sa movie version ni Sharon Cuneta.

"Rare opportunity ito to play contravida," sabi ni Glaiza. "Matsa-challenge na naman ako, no doubt about it. Actually, bida-kontrabida ang role ko. Gusto kong sumubok ng ibang klaseng role."

Ayon kay Glaiza, ang dalawang leading men sa Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin ay sina Geoff Eigenmann at Patrick Garcia. Nali-link nga ang huli kay Glaiza at magandang anggulo itong tiyak na pagpipiyestahan ng press.

"Wish ko lang na maging maayos ang working relationship ng bawat isa, walang mga intriga. Kilala ko si Maxene. Okey siyang kasama. Nagkatrabaho na kami noon, it has been years. Kaya I'm looking forward to that chance.

"Si Geoff, first time kong makatrabaho. Si Patrick, second time na ito. Confident ako na magiging maayos dahil mga professional naman sila at mahuhusay rin," saad ni Glaiza.

Mula nang magkasama sa panonood ng Rihanna-Chris Brown concert noon sina Patrick at Glaiza, umugong ang balitang ang young actress na nga ang ipinalit ni Patrick kay Jennylyn Mercado.

Pero ayon kay Glaiza, "Ayokong ihalo ang pressure sa pagtatrabaho namin. Minsan, hindi maiiwasan yun. Pero sa case ko, hindi ako ang taong nagpapaapekto sa ganyang mga intriga. Kahit ano pa ang sabihin ng iba, basta alam kong tama ang ginagawa ko. Wala naman akong nasasaktan na tao. Walang dapat ikahiya o itago, di ba?"             

Hindi naman ikinagugulat ni Glaiza ang extra attention na ibinibigay ni Patrick sa kanya kahit nga hindi pa sila nag-uumpisa talaga para sa bagong proyekto.

"Bago lang kasi itong ganitong pangyayari," nakangiting sabi ng dalaga. "Hindi ako sanay being bombarded with a lot of questions. Unti-unti ko na lang tinatanggap ang kung anumang dumarating sa ngayon. Talaga lang dumarating yung ganito, a different chapter kumbaga."

INDIE PRINCESS. Kung sunud-sunod ang projects ni Glaiza sa TV, humahataw rin siya sa indie films, kung saan napapansin ang totoong husay ng mga artistang gaya niya.

Katatapos lang ni Glaiza ng Bente, entry sa kasalukuyang Sine Direk ng Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI) at ng APT Productions ni Tony Tuviera. Itatanghal na ito sa June 3.

"May entry rin ako sa Cinemalaya," dagdag niya. "Mga June or July na yun, it's called Astig. Yung Rakenrol, finally tapos na rin. Mayroon ding 4 to 5, tinatapos pa lang. Political film yun na ipalalabas din this year."

Iba't ibang roles ang natoka kay Glaiza kaya natutuwa siya. Never pa raw niyang nagampanan ang mga ito sa anumang nilabasan niya in the past.

"Yung sa 4 to 5, medyo mature na ang role ko," banggit niya. "Isa akong contact ng assasin diyan kaya nagbabagu-bago ako ng hitsura. Undercover character bale yun.