Inamin ni LJ Moreno na sila na ulit ng PBA player na si Jimmy Alapag.
Kung matatandaan ay naghiwalay si LJ at Jimmy noong isang taon pagkatapos ng tatlong taon nilang pagsasama. Sa pakikipagbalikan daw ni LJ sa dating boyfriend ay marami na raw ang mababago sa kanilang relasyon. Isa na rito ay hindi na sila puwedeng magsama sa iisang bubong hangga't hindi sila ikinakasal.
Hindi naman nag-deny si LJ na nag-live in sila ni Jimmy ng ilang taon. Pero nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang relasyon nang madiskubre ni LJ na may ibang babaeng pumasok sa eksena.
Kung sino raw ang babaeng 'yon (isang starlet na nakakontrata sa isang TV network), hindi na lang daw babanggitin ni LJ ang pangalan nito dahil hindi raw worth pag-usapan ito. Ang importante raw ay nagsisi si Jimmy sa kanyang naging kasalanan at magsisimula ulit sila.
"Nag-usap kami ni Jimmy and we agreed na hindi na kami magsasama sa isang bahay," lahad ni LJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "We did live in one house before. But now, it's all different. Para wala nang pressure since nagsisimula ulit kami.
"Sinabi ko nga na magsasama lang kami kapag kasal na kami, which is the proper thing to do naman, di ba? After we broke up a year ago, naging active ako sa pag-attend ng Bible studies. I realized then na marami akong ginawang pagkakamali sa mga naging relasyon ko.
"I was too open sa mga naging karelasyon ko noon," patuloy niya. "Hindi ako nakikinig sa mga advice ng parents ko na hindi maganda ang live-in na setup. I just wanted my own way since I'm of legal age to do what I want.
"But I realized nga na it's not what you always want to do is right. May mga consequences. Ayoko namang isipin na kaya marami akong naging failed relationships is because I was too giving of myself sa sinuman ang karelasyon ko noon.
"Now that I know better and I'm trying to put the broken pieces of my life together. And I'm happy that Jimmy came back into my life. After we broke up naman, months after ay nakakapag-usap na kami. We became friends na ulit and we never thought nga na after a year na nag-break kami, we would end up together again. Yun nga lang, may mga changes na and he's up to it. We both want to make our relationship work for the second time."
NO MARRIAGE TALKS. Speaking of marriage, sinabi ni LJ na mukhang matagal pang mangyayari 'yon dahil hindi pa raw nila ito ulit napag-uusapan ni Jimmy.
"Noong kami pa before, we used to talk about it," sabi ni LJ. "Now, he hasn't brought up that topic yet. Honestly, he hasn't proposed to me yet naman. As you can see, wala naman akong engagement ring.
"But it's okay kasi we're starting all over again. Both of us are still adjusting to one another again. Awkward nga naman kung bigla siyang magyayang magpakasal, e, kakabalikan lang namin. If it happens, it happens. If he's serious with it, he better put a ring on it, di ba?" sabay tawa ni LJ.
Sa muling pagbabalik nga nila LJ at Jimmy ang una nilang ginawa ay ang baguhin ang hitsura ng bahay na dating pinagsaluhan nila. Binago raw nila ang ayos nito at pinalitan ang mga gamit.
"It's going to be a fresh start for us," sambit ni LJ. "Though I won't be living there, gusto ko rin naman na may input ako sa bahay ni Jimmy. We want to get rid of the old stuff. May nakahalo na kasing negativity, e.
"Jimmy said nga na he would feel more comfortable sa bahay niya kung bago lahat. I agreed on that naman. Alam ko na magastos, pero if it will make both of us feel good about it, then we wouldn't mind the expenses. We want to have good vibes sa house niya."






Kung ako yan ... i will be offended, or maybe not really offended but majorly asar with Jimmy coz baket ka-facebook ng sisters mo ex mo nho???
kung ako lang naman ...hehe
mabuti kung international basketball stars mga yan pede ipagmalaki ahahah may i connect pa ha.
pero talaga nga, karamihan sa basketball stars eh walang itsura.
yan ang sikat..wa ni ano...
pero PEP appear - garantisado..
always in attending view..
infairview..that's infacto..
oopss..dont think otherwise..
wont live together hanggat di kasal..
proper thing to do..he heh hehe..
ay choos mio..
start fresh while doing the same thing..over..
o siya go sago..live happily separated..daw..
maraming artista mahilig sa basketball players...c Kris Aquino ang hall of famer...basketball palyer o mahilig sa basketball, ano kaya nasa kanila..
sana naghanap na lang si LJ ng iba. imagine, nagawa pala nitong jimmy to cheat when they were living together, how much more ngayon na hindi naman sila magkasama sa iisang bubong at maaaring di nagkikita araw-araw. once he had done it, he would still do it.
sweet irene, magaling mambola, este, with balls. dribbling lolz
ano ba meron sila?