All-out support si Senator Francis "Kiko" Pangilinan sa career ng kanyang asawang si Sharon Cuneta, kaya naman hindi niya pinalampas na mapanood ang premiere ng bagong movie ng Megastar with Ai-Ai delas Alas: ang BFF (Best Friends Forever) last Tuesday, May 12, sa SM Megamall Cinema 10.
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Kiko sa cast party ng BFF sa C3Events Place sa Grenhills San Juan after ng premiere night at hiningi namin ang reaksiyon niya sa movie.
"Well, nakakatuwa. Siyempre, merong nakakaiyak. Masaya, masaya, very entertaining. Palagay ko, matutuwa yung mga manonood. Sana tangkilikin nila," sambit ni Sen. Kiko.
Anong eksena sa movie ang tinawanan niya nang husto?
"Ako, natawa pa lang dun sa umpisa pa lang yung nakalimutan yung folder ng project ng anak niya, tapos hinabol niya yung sasakyan. Yun, isa yun. Tapos nakakatawa rin yung namatay si John [Estrada], nasagasaan. Yun bang hindi mo inaasahan, pero nakakatawa. So, yun ang ilan sa mga nakakatawa. At saka yung... Actually, tuluy-tuloy yung ano, e, yung akala mo mabibisto [pagkakaroon ng kabit ni John]. Nakakatuwa talaga!" saad ng senador.
Mag-BFF na sina Sharon at Ai Ai. Posible bang maging BFF din ni Sen Pangilinan si Ai-Ai sa showbiz?
"Bakit hindi?" sagot niya. "Ako naman, e, mukha lang akong seryoso. Pero madali naman akong kausap at palabiro rin ako paminsan-minsan. Hindi lang alam ng mga kababayan natin, pero komedyante rin ako. Kaya sa palagay ko, magkakasundo kami ni Ai-Ai."
In the future ba ay posible rin siyang mapanood sa isang pelikula or TV show bilang artista?
"Naku, matagal na nga nating hinihintay 'yan, e! Kaya lang, wala namang pakiusap," biro ni Sen. Kiko. "Hindi, ako'y natutuwa na rito. Mas madali yatang makipagdebate sa Senado at magtanong nang magtanong sa imbestigasyon sa Senado kaysa sa maging artista. May kanya-kanya tayong talent."
GABBY'S GUEST APPEARANCE. Na-surprise ba siya sa guest appearance ni Gabby Concepcion sa last part ng movie?
"Hindi, alam ko na," sabi ni Sen. Kiko. "Hindi naman ako na-surprise. Siyempre pelikula 'yan, kailangan matuwa ang ating mga manonood. Walang problema doon."
Ano ang reaksyon niya sa clamor ng mga fans na magkaroon ng big reunion movie sina Sharon at Gabby?
"Well, alam mo, hindi ako nakikialam sa trabaho ng misis ko. Siya ang tanungin n'yo tungkol doon. Hindi ako nakikialam," sagot niya.
Ano ang message niya para kay Sharon sa success ng BFF?
"Congratulations sa movie. It's very wonderful, nakakatuwa, very heartwarming. Masarap ang pakiramdam matapos mong panoorin dahil talagang matatawa ka, maiiyak ka. Malulungkot ka, pero sa huling banda ikaw rin ay magtsi-cheer. I think dito sa pelikulang ito, lahat ng emosyon lumabas, pero masaya. I'm very, very happy for you. Congratulations, I'm very proud of you!"






isa ring corrupt balang araw ito at lahat ng pamilya nya gawan ng malalaking bahay pag sya'y magiging vc president at lalong maghihirap ang bayan natin....hoy kiko nagpa-ayos ka ba talaga? wala na bang nabago kundi lalo kang nag mukhang ANGLEI PANGILINAN.
HAHAHAHHAHAHAHA
if this is true. kapal naman ng mga pagmumukha niyo. pera ng bayan gagamitin niyo para ayusin niyo lang ang porma niyo. marami ng nagugutom puro paganda lang ng image ang inaatupag niyo! taxpayer ako kaya inaalam ko kung ang nagbabayad ng bagong stylist ni Mr. Senator ay galing sa pondo ng bayan. sigurado ako idedeny nila dito. well they cannot undo the blog. may kopya yan she was hired under the office of the senator. that only shows the funds are coming from the national treasury. ang perang pinaghirapan natin ginagamit lang sa pagayos ng itsura ng mamang to.
BAGAY NGA SILA...cross my heart
Hindi na sila bagay ni Gabby unless magpa lypo ' tong si Sharon.
ang LAKI nya FOREVER!!!!
ano ba yan Sharon at KC sobra na ba ang galit nyo kay Gabby at ginagamit nyo sya para sa pinakakamahal nyong si Kiko for his political ambition?
kay KC ko lang nakita na blood is not thicker than water.n kamukha naman sya talaga ni Ciara o ng mga Gamboa hindi ni Gabby.
i don't think magugustuhan ko pa si KC sobrang na brainwash ng nanay.
Pity!
nangangampanyan na si Kiko at Mar!
pati si Singson at Atienza na mga anino ni Manny