"I feel glad and I feel excited. I feel honored and flattered that na-offer sa akin ito. Not in my wildest dream na I would end up as a host of Who Wants To Be A Millionaire?," says Vic Sotto.

Photo: Glen P. Sibonga

"Hindi naman. Sabi ko nga sa iyo noong sumagot ako ng oo, hindi agad napag-usapan yung talent fee. It just came later na lang."

PIA GUANIO. Kung bibigyan siya ng chance na mamili, sino ang gusto niyang maging celebrity contestant?

"Siguro si Pia," sagot niya.

Kung maging contestant nga si Pia, sino sa kanilang dalawa ang mas kakabahan, sa tingin niya?

"Malamang ako. Baka sa unang tanong hindi makasagot, e!" biro ni Vic.

Sabat ng isang reporter, e, di i-coach niya si Pia.

"Hindi ka puwedeng magturo, e. Pero pag celebrity mas mabait ka dapat. Nandun din sa bible yun, e."

Ano ang reaksiyon ni Pia nang tanggapin ni Vic ang hosting job na ito?

"She was very happy and excited for me. At she's giving me all the support, moral support. Kasi napansin niya medyo natutulala ako bago kami nag-actual taping. Coming home from rehearsals, hindi ako matulog, e. Matulog man ako, nagigising ako nang maaga, parang gusto ko nang mag-taping. Teka, bukas na lang kaya. Ewan ko, but this time, I was really... na-tense ako talaga. I was nervous, parang tuyung-tuyo yung lalamunan ko when I was doing the opening spiels."

Nadagdagan na naman ang pagkakaabalahan niya, may time pa ba siya para kay Pia?

"Hindi naman ako nagte-taping o nagsu-shooting ng 24 hours a day. Mga 12 hours lang, so may 12 hours pa kami."

Ano ang usual bonding moments nila ni Pia, kapag magkasama sila?

"Dinner lang or watch movies. Sa bahay, watch TV, TV series."

OYO SOTTO. Ano ang sabi ng anak niyang si Oyo? Winelcome ba siya nito sa TV5, especially since may regular show itong Midnight DJ sa network?

"Aba , yun ang isa sa mga emissary nila, e. E, hindi alam ni Oyo na sumagot na ako before he even talked to me. I remember na nag-uusap kami ni Malou ngayon, the following day, nakita ko si Oyo. Sabi niya, 'Dad, meron daw gustong kumuha sa iyo?' Sabi ko, 'Ano , 'yang Who Wants To Be A Millionaire?' 'Oo yun,' sabi niya. Sabi ko, 'Sumagot na ako.' 'Yun, okay yun. Magkasama tayo dun. Bagay na bagay sa iyo yun,'" natatawang salaysay pa ni Vic.