Ano ang comment niya sa lumabas na balitang ready na raw magpakasal si Oyo kay Kristine Hermosa?
"Aba , ewan ko, siya ang tanungin n'yo! Nasa sa kanya yun. Kahit sino, okay sa akin. Buhay niya yun, e."
E, siya naman, ready na ba siyang pakasalan si Pia?
"Yun ang hindi pa. Darating yun, darating yun."
Ano ang feeling na naging close sina Oyo at Kristine through his movie Enteng Kabisote?
"Okay lang. I have nothing against it. Wala namang problema yun. Pareho naman silang available. Asawa ko nga dati yun, e. Incest!" biro ni Vic. Sa Enteng Kabisote kasi ay mag-asawa ang role nina Vic at Kristine.
NOT A SPOILER GRANDFATHER. Last Mother's Day, binati rin ba niya ang anak niyang si Danica na may baby na rin?
"Oo, siyempre, lahat ng mothers binabati. Excited naman siya first time niya yun nag-Mother's Day, e."
Nakikipag-bonding din ba siya sa anak ni Danica?
"Oo, bumibisita sila sa bahay kapag weekends. Swimming sila doon."
Ini-spoil niya ba ang kanyang apo?
"Hindi, hindi ako spoiler, e. Kahit sa mga anak ko, hindi ako spoiler. Kapag may hiningi, ibigay. Pero hindi ako spoiler. Ang mabuti naman sa mga anak ko, hindi palahingi. Pag kinakailangan lang, that's the only time na lalapit sila. Mababait ang mga anak ko."
Ano ang tawag sa kanya ng kanyang apo?
"Tawag sa akin, 'Tatay'. Kasi ang tawag namin sa lolo namin noong araw, Tatay."
NEW MOVIE. Bukod sa bagong hosting job, magiging abala na rin si Vic sa paggawa ng bago niyang movie. Magpi-first shooting day na nga sa May 18 si Vic ng LOL (Love On Line), under his own M-Zet Productions. Magiging leading lady niya ang sikat na video jock at commercial model na si Paula Taylor.






GOOD ONE!
congratz bossing! the support is yours always!
wala tv5 d2 samin e!!
LoveSyou!
gaLingan mo!=
juSt enjoy and have fuN'
hindi katulad sa mga articles ni willie na halos patayin na si willie ng mga pepsters ng mga masasakit na salitang binabato sa kanya...hehe..
di mo makakakitaan ng kahanginan kahit amdami siyang pwedeng ipagyabang!
sobrang bait pa!
goodluck bossing!
may gameshow sila nun sa primetime sa GMA,sila ata ni Joey.
pro mas lalong sumaya ngayong siya na ang host
weeee
INGGIT KA LANG. KWEK KWEK U....