Pagkatapos makatanggap ng mga papuri si Nikki Bacolod bilang kontrabida ni Anne Curtis sa fantaserye na Dyosa, okey na raw para sa kanya na lumabas uli sa mga kontrabida roles.
Nag-enjoy si Nikki sa pagganap ng character na si Diana, at kung bibigyan daw uli siya ng kontrabida roles in the future, she wouldn't mind dahil malaking challenge raw ang gawin ang mga gano'ng klaseng roles.
"Marami nga ang nagugulat, kasi tahimik ako in real life pero kapag nag-play daw ako ng kontrabida, todo-todo," ngiti ni Nikki. "I guess because I really like doing it. Bata pa lang naman ako, hilig ko na talaga ang umarte. Haharap ako sa salamin tapos aarte ako ng kung anu-ano. Next to singing nga, ang pagiging artista ang gusto kong gawin."
Noong nag-concert tour nga raw si Nikki nitong nakaraang buwan sa U.S., kasama si Rachelle Ann Go, maraming mga batang fans ang nakilala siya bilang si Diana sa Dyosa. Witch nga raw ang tawag sa kanya at tinatanong siya kung puwede niyang ipakita ang powers niya.
"Tuwang-tuwa ako because nakilala nila ako. I never expected that fans would come up to me and recognize me because of Dyosa. Nagtatanong sila kung puwede ko bang ipakita ang powers ko. Biniro ko sila na hindi puwede kasi I'm not wearing my red lipstick. Doon galing ang powers kasi ni Diana.
"Ang nakakatawa ay naghanap ng red lipstick ang mga bata. Pero wala silang makuha para ilagay ko. Kinuwentuhan ko na lang sila tungkol kay Diana. Na huwag nilang tularan ang pagiging bad witch ni Diana. They should all be good children parati."
HOSTING JOB. Ngayon nga ay binigyan si Nikki ng sariling show na ihu-host sa Cignal TV ng Viva Cinema. Ito ay ang Daily Top 5 kunsaan magsisilbing viewer's guide to anything worthy of being Top 5. Puwede raw best and worst 5 of anything.
"It's my first time to host my own show and I like to thank Viva Artist Agency for giving me this break. It will be entertaining and educational at the same time. We talk about everything under the sun like music, TV shows, movies, food, hangout places, fashion, celebrities at kung anu-ano pa. Basta nasa Top 5 ang gusto mo, pasok ka na."
Bukod sa Daily Top 5, dalawang pelikula ang gagawin ni Nikki para sa Viva Films. Una ay ang sexy film na Tumbok kunsaan bida si Cristine Reyes, at pangalawa ay ang co-production with GMA Films na Maybe This Time with Anne Curtis and Richard Gutierrez.






kung gusto nyo mahalin yang idol nyo wag nyo masyado epal...
nikki is a good actress sa 2.. makikita nyo sya dati sa dyosa...
di nyo sya makilala kung isang channel lng pinapanood nyo...kilala sya dito sa filipino community dahil sa tfc.
when i saw her name, Inasal came to mind, BACOLOD INASAL. yummmmmmyyyyy!
hahahahahahahaha!
miss it ! love the branch at Glorietta, and the sago't gulaman, love it, miss it ! and the deep fried baby crabs with vinegar dipping, ay naku TO DIE FOR!
so Nikki, kung mag-e-endorse ka, sa Bacolod Inasal, so ironic! nya ha ha ha ha ha ha ha!
anyways, good luck sa'yo kung cno ka man. ganyan talaga buhay, we know some people, we don't know some people, kahit dalawa pa channel natin, we cannot watch both 2 and 7 simutaneously, di ba?
someone's gotta give!
sorry nalang kahit sa probinsiya namin sabi ng kabatid ko mahilig sila sa ABS manunuod... PERO KILALANG KILALA NILA SI MARIAN SIYA DAW ANG PINAKASIKAT SA GMA AT GANDA RAW SABI NG KAPATID KO.....Huwag masyadong bitter...iangat mo nalang ang Idol mo...huwag munang isali pa si MarianHINDI NAMAN SIYA ANG TOPIC PLUS hindi sila magka LEVEL...GOODVIBES
I WONDER kung bakit pinag iinitan si Marian, sa tingin ko naman wala naman siyang ginagawang masama.
di ka din kilala non kaya quits lang kau.. lols
ang alam ko kay nikki nanalo siya sa singing contest sa ABS-CBN diba
pinagpla
di din pinagpala ang lola mo dahil di niya kilala ang bida ng tadyang....lols
pinagpala
Omg
wag kang masydong nega... baka don pa siya mas makilala! lols
uhmm ok..wag lang masyadong bad baka ka ma-grill to the toast lagot ka..
sayang ang flesh..
Very wrong move,
disaster yan sa career mo!!!
magback-out ka na habang maaga pa kundi magsisisi ka at ikamumuhi ka ng iyong mga anak sa future kase walang future jan sa napuntahan mong bakuran. lol