Naging emosyonal at napahagulgol sa pag-iyak si Katrina Halili sa interview sa kanya ng Startalk na ipinalabas kahapon, May 16, kung saan inihayag niya ang tunay niyang damdamin sa paglabas sa isang website—hindi ang Philippine Entertainment Portal— ng controversial sexy video nila ni Dr. Hayden Kho.
Biyernes, May 8, nang lumabas sa website ang naturang video nina Katrina at Hayden. Sa video ay makikita si Hayden na kumakanta habang sinasabayan ng pagsayaw ni Katrina. Kung si Hayden ay todo-iwas sa pagsagot ukol sa video, si Katrina naman ay nag-ipon ng lakas ng loob upang sagutin at harapin ang isyu.
"Ako po iyon. Two years ago nangyari yan. Yun yung time na kami po ni Dok Hayden," pag-amin ni Katrina sa Startalk. "May time po kasi na nagbi-video kami katulad po nung nag-rehearse kaming dalawa (para sa number nila sa Celebrity Duets kung saan naging contestant si Hayden). Tapos yung friend ko yung nag-video nun. Pero yun lang, yung mga ganun. Pero hindi ko alam na nagbi-video-video po siya (Hayden). Hindi ko alam na every time na nagkikita kami, may mga naka-set up pala na mga camera. Hindi ko alam."
"SOBRANG KAHIHIYAN." May mga nagsasabi na hindi maituturing na nakakaalarma ang laman ng nasabing video. Sa una ngang interview kay Katrina, tila proud pa ang sexy actress sa magandang pangangatawan niya sa video.
As a matter of fact, ilan sa mga sinabi ni Katrina sa Startalk ay sinabi na niya sa March issue ng YES! (the magazine affiliate of PEP). Nagdagdag lang siya ng saloobin tungkol sa video at ilang lumabas na balita tungkol dito.
"Meron din akong interview na sinasabing ang proud-proud ko sa video na ang seksi-seksi ko dun. Alam n'yo po, yung video na yun pag tinignan n'yo sumasayaw. Oo, apektado ako. Pero ano pa ang gustong makita ng ibang tao sa akin? Pakamatay na ako sa sobrang kahihiyan. Hindi na ako makalabas ng bahay. Saksakin ko na ang sarili ko. Kailangan kong magpakatatag sa mga nangyayari, di ba?" umiiyak na pahayag ni Katrina.
Bagama't hindi tinukoy ng website ang source ng nasabing video, may suspetsa naman si Katrina kung sino ang nag-upload nito.
"Ang may hawak ng video tatlong tao lang yata. Ayoko na pong isa-isahin. Tatlo o apat na tao. Apat na tao lang yung merong alam ng video na yun, o tatlo. Kung sino man yung apat na yun, hindi ko po alam. Siguro, basta ayoko na lang magbanggit. Kasi ayokong manira ng buhay," pagsisiwalat pa ni Katrina.
"STAY AWAY FROM PRESS." Bagama't wala na silang komunikasyon ni Hayden, may isang pagkakataon daw na nagpaabot ito ng mensahe sa kanya sa pamamagitan ng isang kaibigan.
"Basta nung lumabas ang video, sinabi niya sa kaibigan ko, everything is under control. Di ba, parang wala nang lalabas. The next day sasabihin niya, videos are out, stay away from the press. Ano ito, di ba? Anong gusto niyang gawin? Durugin na ako nang buong-buo. Durugin na ako ng kahihiyan na hindi ko ipinagtatanggol ang sarili ko. Ang tingin sa akin ng lahat ng tao ang sama-sama ko," emosyonal pang sabi ni Katrina.
Sa ngayon ay hindi pa maipaliwanag ni Katrina ang sakit na nararamdaman. Tila naghalu-halo na raw ang emosyong nararamdaman niya.
"Madami e, ang hirap namang isa-isahin. Galit, siyempre. Tapos, bakit ganun? Ang tagal-tagal na nun, di ba?" at napahagulgol sa pag-iyak si Katrina. "Tapos kung anuman yung kasalanan ko, hinarap ko naman. Hindi naman lahat ng tao kayang harapin yung mga kasalanan na ginagawa nila, at saka aminin yung kasalanan nila. Pero hindi ko naman sinisisi lahat dahil alam ko may kasalanan din ako. Pero di ba, umamin naman ako? Hiningi ko naman ng tawad yung kasalanan ko. Bakit sila ganun?"
"APEKTADO ANG PAMILYA." "Ngayon hindi po kami nag-uusap muna ng nanay ko, ng kapatid ko, wala. Tatay ko lang po ang kinakausap ko ngayon. Siyempre, naapektuhan na po sila, di ba? Sino bang matinong magulang ang matutuwa sa mga nangyayari, di ba?"
Sa ngayon ay naghahanda na ang aktres sa kanyang susunod na hakbang. "Hindi ako aware kung ano pang mga video yung lalabas. Kasi hindi ko nga po alam, kasi hidden cam nga po iyon, di ba? Kung meron pa silang ilalabas na masama, e, di magkita-kita na lang po kami sa korte," buwelta ni Katrina.
"Siguro naman puwede naman po akong lumaban sa kanila, di ba? Kasi sobra din naman nila akong dinudurog, di ba? Pero kung may isa pa, sabi ko po sa inyo, kahit mawalan ako ng trabaho, wala akong pakialam. Lalaban po ako sa kanila. Sana ano, matapos na lahat. Maayos na lahat. Yung mabalik na yung trabaho ko. Maayos na yung pamilya ko. Tama na. Kasi po, durog na durog na po ako, e. Kasi ayoko na."






sana mas pinagukulan ng pansin ang mga mahihirap na magsasaka na umaasa na maibigay ang lupa nila sana mas pinagtanggol nila nag mga guro na humihingi ng umento sa sahod hindi ung puro ka cheapan na lang.
GOD BLESS...
Saludo ako sa iyo! Napakagaling mong artista. Be strong and everything will be fine. Kailangan mo lang matutunan ang lesson na ibinigay sa iyo ng mga pangyayari. Never trust anybody and don't give in easily.
Sayang naman kung mawawala ka sa showbiz. Pinapanood ko pa naman lahat ng teleserye mo. Very versatile ka.
Keep on going! No matter how double standard the society is, marami pa namang taong nakakaintindi sa sitwayson. Remember ang sinabi sa bibliya na kung sino man sa inyo ang walang kasalanan siya ang unang bumato kay Magdalena! Kiyeme ng mga ipokrito dyan!
Vicki Belo is the supporter of an evil
and that makes them both.
Vicki, You are smiling heavily and even laughing in front of camera. You're laughing to katrina's face
If you are referring with the act of Katrina Halili then the girl had already paid the price a hundred times more. She's already convicted by the public, her sexual act is being watched by the million and at the same time she's the only one who make sorry in the public while your maniac boyfriend laughs off the matter imbestigador even saw he is laughing before the camera rolls prior to his came out
somehow I don't care anymore if Philippine Senator Bong Revilla is being criticized to use this scandal as his way to use his candidacy soon.
My concern is with Katrina Halili. Think about her and not Bong - he is not the issue here but Katrina. Set aside his motive but let's support Katrina and let's fight the movement of her crusade.
Beware ka na lang po. Baka yung ibang nabiktima mo ay hindi marunong magdemanda. Baka naniniwala ang Tatay, Kuya, Kapatid, Syota o Lolo nila sa kasabihang: WALANG DEMA-DEMANDA! Imagine kung mapanood ng ama ng isa sa mga victims mo ang video ninyo ng anak niya! Suwerte mo kung atakihin sa puso at matigok o macomatose ang ama... e kung hinde? Suwerte mo kung walang kamag-anak na nice people around ang mga 'yan. E kung meron?
Sabi nga ni Don Michael Corleone: quot;This is the price you pay for the life you chose.quot;
To the Black Darna: All storms shall pass away... do not lose hope. Ang mali ay mali. Ang batas ay batas... at maraming uri ng batas.