Handa na raw magsimula si Marian Rivera sa kanyang training bilang Darna. Ayon sa 24-year-old actress, kumuha pa raw ang GMA-7 ng mga instructor para sa fight-scene routines niya. Kung walang naging aberya, posibleng kahapon, May 17, ay nag-ensayo na ang dalaga sa pagha-harness. Hindi nga lang daw niya alam kung hanggang kailan ang training.
Ang bungad ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sweet 16 show ni John Lapus sa Teatrino, Greenhills, noong May 16: "Hindi naman ako takot sa matataas kaya hindi ako takot na nakabitin sa harness. Actually, mahilig akong sumakay sa mga rides. Kahit anong rides, nasasakyan ko kaya wala akong problema sa heights."
May ideya na ba siya kung kailan ipalalabas ang Darna?
"Yun ang hindi ko pa alam. Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-start ng taping. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mauuna sa amin—kung Rosalinda ba, o ako, or may next pa. Depende pa rin sa GMA."
Aminado si Marian na masaya siya at sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang project. Pangarap daw talaga nitong gampanan ang role ni Darna. Nang usisain naman siya tungkol kay Angel Locsin, na siyang huling gumanap sa nasabing title role noong 2005, tinanggap ni Marian na natural lang daw na ipagkumpara sila.
Sa pagkakasambit niya, "E, sa competition naman, kung pinagko-compare kami, siguro hindi na natin maiaalis yun. Ganoon talaga, e."
Pero mas nakakaramdam daw siya ng pressure mula sa mga gagawin niya for the role.
Sabi niya, "Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang Darna dahil hindi biro ang mag-harness. Dahil lahat ng nakakausap ko, e, sinasabing sobrang hirap talaga niya.
"Hindi ko na iniisip na may kakumpitensiya. Iko-compare sa ganito, sa ganyan. Ang iniisip ko na lang, kung paano siya mapapaganda, kung paano ko magagawa ang mga stunts ko na kailangan, e, talagang Darna at superhero talaga 'ko. At kailangan may lakas ako ng loob na isuot yung costume."
Natawa si Marian nang sabihin namin na physically ay mukhang wala na siyang kailangang paghandaan bilang Darna dahil sexy naman ito.
"Ang hirap namang magsalita," ang nakangiti niyang sabi. "Maintain lang, fit and right. Ha-ha-ha! Siyempre, kailangan ko lang i-condition ang sarili ko. Baka sa sobrang training, mabugbog ang katawan ko, mahirapan din ako. So, kailangan ko talagang intindihin at mapagbuti ang training ko."
Although may mga action stunts na rin daw siya sa huli niyang TV series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, alam niyang iba-iba ang gagawin niya sa Darna.
"Actually, excited na nga ako kasi, di ba, palagi kong sinasabi na happy ako. Kanya-kanya at iba't ibang characters ang ginagampanan ko. Ngayon lang ako, at first time ko lang, maging superhero," ang sambit ng dating kapareha ni Dingdong Dantes.
LEADING MEN. Siyempre, tinanong din siya ng PEP tungkol kay Dingdong. Na-absorb na ba niya ang fact na hindi na ito ang kanyang kapareha.
Aniya, "Excited din ako kasi, iba rin siya para sa akin. Excited ako dahil gusto ko talaga si Darna, at kahit naman siguro sino, gugustuhin talaga si Darna. Malungkot dahil palagi ko namang sinasabi na wala, e, ganoon talaga, e. Hindi all the time magka-partner kami ni Dingdong...na kailangan din naming tanggapin.






Umalis nga pala d2 ang mga haters, dun kayo sa article ng idol nyo, Im talking about Angel's and Karylle's fans. Ay wait, wala pala silang artice, hahahaha!
Go baka naman MARIAN GRACIA DARNA hehe : we love you! : Can't wait for Darna... mga BITTER -- iyakan na naman kayo niyan...
nako!1
yakkkkk!!!!!
bakit MARK HERRAS???
YAKKK
DI SIYA KALEVEL NI MARIAN
totoong_tao
May 20, 2009
13:07 PM
di ko na mahintay ang pagbagsak sa lupa ng darnang ito....
---wishing ill, so bitter. goodluck sa buhay.
adara
May 20, 2009
18:56 PM
batibot star!!!!!!!
a black costume will do!!!!!!
--ito rin bitter hehehe
rondaalma
May 20, 2009
16:27 PM
FULLHOUSE should be for Dingdong and Marian, mas bagay sa disposition nila kasi masayahin at positibo sila palagi. Malinis ang mga pangalan di pa nasasangkot sa gulo. Richard G is not suited for the role of Justin, hindi bagay sa kanya ang comedy, awkward. Isa pa, napaka-nega na ng dating ni Richard buhat ng masangkot sa baril-baril issue at mga issues ng gulo-gulo with Aljur and Jewel and in the passed sa embassy with bryan revilla....hayzzz no to Richard G. as justin di bagay.
=================================
korek ka d2!!!!
Go Darna!!!! Go Marian!!!