Handa na raw magsimula si Marian Rivera sa kanyang training bilang Darna. Ayon sa 24-year-old actress, kumuha pa raw ang GMA-7 ng mga instructor para sa fight-scene routines niya. Kung walang naging aberya, posibleng kahapon, May 17, ay nag-ensayo na ang dalaga sa pagha-harness. Hindi nga lang daw niya alam kung hanggang kailan ang training.
Ang bungad ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sweet 16 show ni John Lapus sa Teatrino, Greenhills, noong May 16: "Hindi naman ako takot sa matataas kaya hindi ako takot na nakabitin sa harness. Actually, mahilig akong sumakay sa mga rides. Kahit anong rides, nasasakyan ko kaya wala akong problema sa heights."
May ideya na ba siya kung kailan ipalalabas ang Darna?
"Yun ang hindi ko pa alam. Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-start ng taping. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mauuna sa amin—kung Rosalinda ba, o ako, or may next pa. Depende pa rin sa GMA."
Aminado si Marian na masaya siya at sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang project. Pangarap daw talaga nitong gampanan ang role ni Darna. Nang usisain naman siya tungkol kay Angel Locsin, na siyang huling gumanap sa nasabing title role noong 2005, tinanggap ni Marian na natural lang daw na ipagkumpara sila.
Sa pagkakasambit niya, "E, sa competition naman, kung pinagko-compare kami, siguro hindi na natin maiaalis yun. Ganoon talaga, e."
Pero mas nakakaramdam daw siya ng pressure mula sa mga gagawin niya for the role.
Sabi niya, "Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang Darna dahil hindi biro ang mag-harness. Dahil lahat ng nakakausap ko, e, sinasabing sobrang hirap talaga niya.
"Hindi ko na iniisip na may kakumpitensiya. Iko-compare sa ganito, sa ganyan. Ang iniisip ko na lang, kung paano siya mapapaganda, kung paano ko magagawa ang mga stunts ko na kailangan, e, talagang Darna at superhero talaga 'ko. At kailangan may lakas ako ng loob na isuot yung costume."
Natawa si Marian nang sabihin namin na physically ay mukhang wala na siyang kailangang paghandaan bilang Darna dahil sexy naman ito.
"Ang hirap namang magsalita," ang nakangiti niyang sabi. "Maintain lang, fit and right. Ha-ha-ha! Siyempre, kailangan ko lang i-condition ang sarili ko. Baka sa sobrang training, mabugbog ang katawan ko, mahirapan din ako. So, kailangan ko talagang intindihin at mapagbuti ang training ko."
Although may mga action stunts na rin daw siya sa huli niyang TV series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, alam niyang iba-iba ang gagawin niya sa Darna.
"Actually, excited na nga ako kasi, di ba, palagi kong sinasabi na happy ako. Kanya-kanya at iba't ibang characters ang ginagampanan ko. Ngayon lang ako, at first time ko lang, maging superhero," ang sambit ng dating kapareha ni Dingdong Dantes.
LEADING MEN. Siyempre, tinanong din siya ng PEP tungkol kay Dingdong. Na-absorb na ba niya ang fact na hindi na ito ang kanyang kapareha.
Aniya, "Excited din ako kasi, iba rin siya para sa akin. Excited ako dahil gusto ko talaga si Darna, at kahit naman siguro sino, gugustuhin talaga si Darna. Malungkot dahil palagi ko namang sinasabi na wala, e, ganoon talaga, e. Hindi all the time magka-partner kami ni Dingdong...na kailangan din naming tanggapin.






wala naman akong sinabi na si angel yun ha. ngumawa ka kaagad palibhasa guilty!
dj
i always drop by and read your articles amp; im so thankful to you and your partner's... you make me smiLe!
anything for dd amp; mr i know that you will have the best articles ready...
me too can't wait to see her wearing the costume of darna!
di kuripot si MR, mapag-samantala lang talaga ang karamihan sa press.
sobra ka naman. kelan ba nasabihan si angel na maarte ha???? as fas as im concerned bilib lahat kay angel when it comes to portraying any type of roles. and anong masama kung sumasayaw na siya ngayon? does it make her a lesser person kung gusto niyang mag-improve???? naghubad???? wala ka sigurong alam sa art....hay....
She's so pretty talaga. I stare at this picture with awe. She's so pretty..
pero yung dating darna ang arte arte. sabi ayaw daw sumayaw nagyon tingnan mo nag-huhubad na para mapag-usapan.
Marian is the best. DongYan is the best. I'm excited to see Marian in her costume. LOL, I don't want the moderator to delete my message for being OT..hehe.
ang importante eh maging matagumpay ang darNa!
oo nga e, pati si Ricky Lo nag effort pang mag BI. yan naman si Lolit siguro naliliitan sa payola ni Marian kaya keber nya. pati si Karylle kung purihin nya pero nung nasa GMA wa ka naman marinig sa kanya. kahit yang si Sarah parang lately ko lang naririnig na pinupuri nya, nung bang nag hit ang movies,concerts at albums nya. samantalang napaka tagal na ni Sarah sa showbiz.
tingin ko kuripot si Marian sa press kaya sya pinagkakaisahan.
karamihan ng comment out of topic.
pakiusap naman paki ayos naman ang mga comment nyo.
djrw76
before you go, why don't you visit our fellow marianettes... you spend a lot just to watch cholo amp; darna, wheewww me to can't wait to see both of them. still i give my full support even if they won't be together for the meantime. and im looking forward to the grand reunion of the reel amp; real couple... so love them!
sabi mo baka nakuha lang sa ganda kaya pumasa si Marian sa English subject, if that is the case hindi nya kasalanan yun, the educators themselves failed her. besides ang mga English subjects doesn't concentrate much on dictions or pronounciations dahil pano naman ang mga bisaya o ibang kababayan natin na may matigas na dila na hindi naman nila kasalanan?
dj
yah right! where have you been, busy??
you have mention alliens, i just h0pe that they will be darna's enemy also since where on the 21st century..
i'm sure may chemistry silang 2....
sana si MR din ang sa fullhouse! tapos love interest niya si Chris Tiu....
pending GMA...
shobizaddict
May 18, 2009
19:19 PM
kay wilma. kase feeling ko kulang sila sa suporta nong kaliwat kanan ang batikos kay MR...
tapos nalaman ko from a reliable source na umiiyak na si Marian dahil feeling nya pinag tutulungan na sya ng press na ang iba ay nakapayola pa sa GMA mismo.
tingnan mo si lolit, publicist pang naturingan, mas sinusulat pa nya si sarah geronimo. ay ewan!