Handa na raw magsimula si Marian Rivera sa kanyang training bilang Darna. Ayon sa 24-year-old actress, kumuha pa raw ang GMA-7 ng mga instructor para sa fight-scene routines niya. Kung walang naging aberya, posibleng kahapon, May 17, ay nag-ensayo na ang dalaga sa pagha-harness. Hindi nga lang daw niya alam kung hanggang kailan ang training.
Ang bungad ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Sweet 16 show ni John Lapus sa Teatrino, Greenhills, noong May 16: "Hindi naman ako takot sa matataas kaya hindi ako takot na nakabitin sa harness. Actually, mahilig akong sumakay sa mga rides. Kahit anong rides, nasasakyan ko kaya wala akong problema sa heights."
May ideya na ba siya kung kailan ipalalabas ang Darna?
"Yun ang hindi ko pa alam. Hindi ko pa rin alam kung kailan kami mag-i-start ng taping. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mauuna sa amin—kung Rosalinda ba, o ako, or may next pa. Depende pa rin sa GMA."
Aminado si Marian na masaya siya at sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang project. Pangarap daw talaga nitong gampanan ang role ni Darna. Nang usisain naman siya tungkol kay Angel Locsin, na siyang huling gumanap sa nasabing title role noong 2005, tinanggap ni Marian na natural lang daw na ipagkumpara sila.
Sa pagkakasambit niya, "E, sa competition naman, kung pinagko-compare kami, siguro hindi na natin maiaalis yun. Ganoon talaga, e."
Pero mas nakakaramdam daw siya ng pressure mula sa mga gagawin niya for the role.
Sabi niya, "Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano ang Darna dahil hindi biro ang mag-harness. Dahil lahat ng nakakausap ko, e, sinasabing sobrang hirap talaga niya.
"Hindi ko na iniisip na may kakumpitensiya. Iko-compare sa ganito, sa ganyan. Ang iniisip ko na lang, kung paano siya mapapaganda, kung paano ko magagawa ang mga stunts ko na kailangan, e, talagang Darna at superhero talaga 'ko. At kailangan may lakas ako ng loob na isuot yung costume."
Natawa si Marian nang sabihin namin na physically ay mukhang wala na siyang kailangang paghandaan bilang Darna dahil sexy naman ito.
"Ang hirap namang magsalita," ang nakangiti niyang sabi. "Maintain lang, fit and right. Ha-ha-ha! Siyempre, kailangan ko lang i-condition ang sarili ko. Baka sa sobrang training, mabugbog ang katawan ko, mahirapan din ako. So, kailangan ko talagang intindihin at mapagbuti ang training ko."
Although may mga action stunts na rin daw siya sa huli niyang TV series, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, alam niyang iba-iba ang gagawin niya sa Darna.
"Actually, excited na nga ako kasi, di ba, palagi kong sinasabi na happy ako. Kanya-kanya at iba't ibang characters ang ginagampanan ko. Ngayon lang ako, at first time ko lang, maging superhero," ang sambit ng dating kapareha ni Dingdong Dantes.
LEADING MEN. Siyempre, tinanong din siya ng PEP tungkol kay Dingdong. Na-absorb na ba niya ang fact na hindi na ito ang kanyang kapareha.
Aniya, "Excited din ako kasi, iba rin siya para sa akin. Excited ako dahil gusto ko talaga si Darna, at kahit naman siguro sino, gugustuhin talaga si Darna. Malungkot dahil palagi ko namang sinasabi na wala, e, ganoon talaga, e. Hindi all the time magka-partner kami ni Dingdong...na kailangan din naming tanggapin.






we love u!stay happy..
grabe ang cute ni idol ko!
kahit kelan hinding hindi ako magsasawa sa yo! kahit paulit ulit ko play yun cds mo parang first time ko pa din nadinig kanta mo...kaka-adik ka talaga
walang tulugan na nman to mga kapuS0...
i heart you yummy marian...
Mark Fernandez din ako for Efren!
Are you talking about yong mga so called stars ng Abs, be specific kasi marami ang may case nyan sa kanila...
Go! Marian Go!
indian_wells
May 19, 2009
12:48 PM
mark fernandez for efren. huwag mark herras disastrous yan.
kita nyo ba Baby ni Jen, mas mukhang kamukha ni Mark Heras.
kahit pagod ako, makita ko lang si marian sa picture, mabasa news about her at mapanood siya sa you tube, nawawala pagod ko.
ngayon lang talaga ako humanga sa artista ng ganito. kay marian lang, lalo pag kasama niya si dingdong.
iba ka marian. thanks for the joy you bring to your fans....we love you!!!!