Apat o limang product endorsements na ang nasa pangalan ni Nadine Samonte, at ang latest na karagdagan ay ang Fragrance of the Stars, isang brand ng pabango. Ang kapalit daw ng endorsement ni Nadine ay isang franchise store bilang talent fee.
"Yun ang napag-usapan, ewan ko roon sa ibang models," sabi pa ni Nadine. "Hindi ko alam ang deal ng iba, pero ganoon ang deal ko. Gusto ko lang kasing mag-start ng isang business, which is selling this product.
"Bale ito ang magiging first business ko. Hinahayaan ko na sila kung saan ang location ng store na pinaplano nila for me. Kung saan matao, e, hindi pa ako masyadong marunong sa ganyang business."
May condo pang binabayaran si Nadine sa may Ortigas. Bukod pa ito sa bahay na naipatayo na niya.
"Steady lang na ganito, kahit paano, may income," nasabi na lang ng aktres.
SUSPETSA. Nakatakdang gawin ni Nadine ang SRO Presents... Suspetsa para sa GMA-7. Suspense-thriller ito na may pagka-horror ang dating.
"Natakot nga ako nang binasa ko yung script," sabi ni Nadine. "Script pa lang yun, ha! Parang yung I Know What You Did Last Summer. May phone calls na nananakot. It will be with Jennylyn [Mercado] and Yasmien [Kurdi].
"Para ngang reunion ng first batch ng Starstruck. First time na pagsasamahin kaming tatlo. Excited, kasi, iba talaga yung role ko. Dito kasi, iyakin ako na mahina ang personality. Nakadepende ako roon sa dalawa, 'tapos, sa katagalan, nabaliw ako.
"Parang mapapangasawa ko rito, si Paolo Contis who plays my psychiatrist. 'Tapos, gagaling din ako, to become a stronger person. Iba-ibang atake," kuwento pa ng dalaga.
Inaapi-api raw si Jen sa takbo ng istorya ng "Suspetsa" samantalang si Yasmien ang matapang. May patalbugan kayang maganap?
"Hindi naman siguro patalbugan," aniya. "Iba-iba naman ang character namin. Iba-ibang atake. Mahirap sabihing makikipag-compete ako sa kanila. Nakikipagpatalbugan lang ako sa sarili ko.
"Naku, sila na lang! Iba-iba naman kami ng roles. Tinatalbugan ko lang ang sarili ko. Best of friends pa kaming tatlo," dugtong niya.
Pero, in real life daw, hindi talaga sila magkakaibigan. Natawa na lang si Nadine.
"Hindi lang talaga kami close friends. Alam mo yun. Wala pa ngang taping, ganyan na," napapailing si Nadine.
"Nagkasama kasi kami ni Jen nang matagal. Si Yas, hindi pa. Nagkasama kami, but not enough para maging close.
"Kay Jen ako nagsasabi ng sikreto especially noong magkatrabaho kami sa Super Twins. Sa kanya ako nagtatanong. Hindi ko nakasama nang matagal si Yasmien. Totoo naman, e," natawa na lang si Nadine.
Kasama rin pala rito sina Victor Aliwalas, Ryan Eigenmann at Baron Geisler. Walang idea si Nadine tungkol sa billing.
"Pantay-pantay naman ang sa istorya, pero siyempre, sila yung top winners ng Starstruck noon, kaya dapat lang na mauna sila sa akin. Ganoon lang yun," sabi pa ni Nadine.
Iba-iba raw sila ng characters at walang aangat sa kung sino, depende na lang kung ano ang kalalabasan ng performances nila.
"Wala namang follow-up sa akin for a primetime teleserye," sabi na lang ni Nadine. "Hindi ako nawawalan ng trabaho, kaya nagpapasalamat din ako sa GMA-7. Wala akong inirereklamo.
"Wala lang sinasabi sa akin, at ang feeling ko, para sa mga bagong show, may mga naka-line up na talaga. Doon sana sa Darna, maging Valentina ako, kung gagawin na ganoon, buong puso kong tatanggapin, with open arms. Yun ay kung sa akin ibibigay.
"Gusto kong maging kontrabida. Mas iba. Mas challenging," dugtong niya.
MIGRATING TO GERMANY? Gusto na raw siyang papuntahin ng grandparents niya sa Germany pero baka next year pa raw ito. Ngayon pa lang, nag-aaral na ng German language si Nadine.
"If ever, gusto ko ring mag-seminar dito ng photography," banggit ng young actress. "'Tapos, baka roon na ako mag-aral.
"Kung wala na akong project, ang iniisip ko, at least, may fallback ako. Nasa level pa lang ako ng German language. Makakasulat at makakasalita na ako siguro ng basic words. Isang tanong, isang sagot.
"Naka-level or stage 3 na kami ng mommy ko. May something kasi, na puwede na kaming tumira sa Germany, anytime. Hindi ko pa alam kung magma-migrate ako, pero if ever na mawalan ako ng trabaho rito, aalis na lang talaga ako at pupunta na lang sa Germany.
"Tapusin ko muna yung seminar sa photography. Para sa pagpunta ko roon, may konti na akong alam. Mag-aaral na ako roon.
"So far, maayos pa rin naman ang career ko. Pero, tipo kasing hindi pa ako nabibigyan ng chance para makapagbida man lang sa isang soap na for me lang talaga kaya nag-iisip-isip na rin ako. Nagpapakasegurista lang naman ako," pagwawakas niya.
Nadine Samonte will soon star in SRO Presents...Suspetsa
Related Articles
Nadine Samonte says if her non-showbiz boyfriend proposes, her answer would be "Yes" April 14, 2012 08:48 PM
Nadine Samonte on Katrina Halili's pregnancy: “Hindi na siya problemado, hindi na siya stressed, feeling ko sobrang blessing iyon para sa kanya.” March 31, 2012 06:15 PM
Nadine Samonte says relationship with Emerson Chua is "more mature;" says she wants to marry at a young age February 01, 2012 03:28 PM
Nadine Samonte on working with ex-boyfriend Oyo Sotto: "More professional na. More mature na siya." January 22, 2012 07:41 PM
Nadine Samonte can't say she's in a better position with TV5, but she's "happy" so far January 19, 2012 06:49 PM
95 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.
NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.




hoy! ang linis ng tingin mo sa dos no! wawa ka naman! alam mo ba na sa dos pag may mga nega balita sa mga talents tinatago nila..ayaw maamoy ang mga baho! unlike sa gma, totoong mga tao kami! kita mo khit talent ka nila at may bad news di sila takot ilabas. ang dos sorry di dila ganun!!!!
nagwoworkshop ba kamo mga abs? I dont think so,si Gerald A nga di pa rin marunong umarte,he only has 1 expression, Si KC ganon din,she doesn't deserve her acting award,si Angel Locsin, she hasn't improve, I should know because I used to be a fan of her.
I bet for Nadine, sya ang pinaka bagay para sa role ni Jodi in Stairway To Heaven, Not jennilyn please, di na bagay ang mga ganung klase ng role sa kanya not unless babaguhin nyo ang script ng stairway at magkakaroon sila ng anak ni cholo...
maawa na kayo kay Jen GMA, give her some rest.. baka mamatay na yang tao sa pagod.. may anak pa na inaalagaan
un mga kapalpakan ng artista,,, personal choice nla un...wag isisi sa network dhil hindi nman network my hawak sa mga breyns ng mga yan...
my mga tao tlga n mkitid dn ang breyns,,, maipagmalaki lng ang idol na network,,, hindi na nakita ang katotohanan... juzkoh day!
Another Congrats to JEN for being selected to play JODI...you deserve it!
magbanggit nalang ksi ng isang starstruck talent na nagkaroon ng sariling movie na siya o sila mismo ang bida. at tumabo sa takilya tulad nalang ng kay hero sandara movie....
oo visible nga sila ang tanong, may movie ba?
kahit bali baligtarin mo man ang mundo ang sukatan ng pagiging sikat mabenta sa movies at dilang sa ratings na pwede namang dayain... tsk tsk tsk tsk
gumawa muna ang gma films ng sarili nilang movies kung mataas nga ang ratings ng show nila tsaka kayo magyabang na sikat sila ha....hahahhahaha
alam ksi ni wilma at gozon na hindi sila mabenta..tsuk
sige magbanggit ka ng movies ng isang starstruck na talent na bumenta sige nga....
ung sila ang bida ha hindi suporting.. ulitin ko ha ung sila ang bida yan eh kung meron silang movie na sila ang bida..
sige maghihintay ako sa sagot mo..
nag karoon lahat ng pangalan ang starstruck batch 1.. si jennylyn nabuntis,
si katrina may sex video, si mark herras pumapatol sa gro, ung alvin na ka batch nila manyakis nakabuntis... hay nako gma 7 alagaan nyo naman ang mga talent nyo....
bakit di nyo gayahin ang kabila nag woworkshop ang mga baguhang talents nila kaya ang gagaling umarte ang karamihan.. sa inyo sa gma7 kung hindi nambuntis, nagpapabuntis, may sex video pa, ung iba adik pa, hay nku anong klaseng mga tao ang namumuno sa mga talent ninyo...
ni walng sumikat at ni wlang sariling movies mga ito....
tsk tsk tsk
kilala nga pero hindi sikat...
i mean oo kilala sila pero hindi sila mabenta... tsuk
in other words wlang kwentang mga artista
hahahaha
ikwento ba lahat. pano na panonoorin yan. wala nang thrill.
lipat na kay manay Lolit or lay Anabil Matabil day...
Eheheh cgurado ay may bonggang career ka...
God bless Nadine...
nice kid..
pwede sya sa Stairway to Heaven..