David Archuleta was overwhelmed by the support of Pinoy fans during his May 16 concert with American Idol winner David Cook (not in photo) at the Mall of Asia Concert Grounds.

Photo: courtesy of GMA-7

Ilang oras matapos ang back-to-back concert nina David Archuleta at David Cook noong May 16, 2009, sa SM Mall of Asia Concert Grounds, nagpahiwatig ng pasasalamat ang first runner-up ng American Idol season 7 na si David Archuleta sa pamamagitan ng kanyang video blog na makikita sa YouTube. 

Makikita sa video na halos kadarating lang niya sa kanilang hotel matapos ang concert nang ginawa niya ito. Ang bungad ni David, "It was unbelievable to see all the people there [were] so incredible. I couldn't believe how many people came to see the show, and just want to say thank you so much to the fans who came, all the Filipino fans."

Makikita sa kanyang official webpage sa YouTube na bihira lang gumawa ng video blog ang international singer para ipakita ang pasasalamat nito sa kanyang mga fans. At mapapansin din kung gaano siya nagulat sa dami ng taong dumating para suportahan sila ng American Idol winner na si David Cook, at kung gaano rin siya kalungkot na aalis na siya sa Pilipinas.

Ang sabi ng 18-year-old singer-songwriter, "Both David Cook and I appreciate it so much...Just want to thank you guys just for both of us. I can't say salamat enough, we will never forget this, that's for sure. I don't know how to describe it, there are just thousand and thousands of people there. See, you, guys...support means a lot to us."

Nagkaroon din sila ng TV guesting sa ilang shows ng GMA-7 tulad ng SiS, Eat Bulaga, 24 Oras at ibang special appearances sa SM malls, pati na rin sa nakaraang victory party ni Manny Pacquiao na ginanap sa noong May 14, para i-promote ang nasabing concert. "It's been a great time, it's been crazy here. I want also to thank all the other international fans, who'd been showing support in Singapore, Malaysia, U.K., and here  in the Philippines," dagdag pa niya.

Samantala, during the actual concert, kapansin-pansing hindi sila nag-perform ni David Cook sa stage nang sabay, maliban noong tinawag siya ni Cook para magpasalamat. Hindi tuloy maiwasang isipin ng iba kung may issue ba ang dalawang David.

Unang nag-perform si David Archuleta at kinanta nito ang ilang songs niya noong contestant pa lamang siya sa American Idol at sikat na singles niya sa debut album niya tulad ng "Stand by Me," "Angels," "Crush," "Touch my Hand," at marami pang iba.

Si David Cook naman ay binirit ang first single sa kanyang album na "Light On," ang Mariah-Carey remake na "Always Be My Baby," "The World I Know," at iba pa.