Tomorrow, May 20, ang alis ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion for their concert tour in the U.S. and Canada, from May 23 to June 14. Kasama rin nilang aalis si Sen. Kiko Pangilinan at sina Frankie and Miel, na parehong mami-miss daw agad ng Megastar dahil mas mauunang bumalik ang mag-aama sa Pilipinas para sa pagbubukas ng klase sa June 1.
But before Sharon left, nag-launch muna siya ng kanyang first children's album from Sony Music Entertainment, ang 18-track (with minus one) na Children's Rhymes & Lullabies, which includes "Alphabet Song," "Jack & Jill," "I'm A Little Teapot," "Magtanim ay Di Biro," "Bahay Kubo"—na paulit-ulit daw kinakanta ni Miel dahil gusto nitong ma-memorize ang pangalan ng mga prutas at gulay—at marami pang iba.
The album press launch was held yesterday, May 18, sa isang merienda cena sa Santan Room, na nasa Garden Wing ng EDSA Shangri-la Plaza Hotel, Mandaluyong City.
Ang kuwento ng lead star ng BFF (Best Friends Forever), "Nagka-idea ako na gumawa ng ganitong album, dahil napapansin namin ni Kiko na kanta nang kanta sina Frankie at Miel ng mga lullabies na ito kapag dumating na sila from their Learning Tree School ni teacher Francie Lacanilao.
"Sinabi ko ito kay Kiko, at umayon naman siya na maganda nga raw ang naisip ko. Masaya ako na nang i-bring out ko ito sa mga bosses ko sa Sony Music, nagustuhan nila ang idea ko, dahil wala pa nga raw local album na ganito ang concept. Iyon na, pumili na kami ng mga songs, inalam kung alin iyong public domain na at iyong iba, binayaran ng producers ko.
"Nag-enjoy akong i-record ang mga lullabies na hindi namin napapansin, sinikatan na pala kami ng araw sa recording studio. Hopefully, bigyan kami ng recommendation ng Department of Education & Culture na magamit ito sa mga nursery schools."
Excited na rin si Sharon sa volume 2 ng album dahil mga regional songs naman daw ang laman nito at ilalabas na rin daw ito pagbalik niya mula sa concert tour nila ni KC.
Makakasabay daw nito ang release ng volume 3 ng kanyang romantic album mula pa rin sa Sony Music.
AT PEACE WITH GABBY. Inilaan ni Sharon ang araw na iyon para sa press at media dahil sa susunod na buwan pa nga siya babalik sa bansa. At ang advice pa niya sa mga dumalo na showbiz editors and reporters, itanong na raw lahat sa kanya ang gustong itanong.
Isa sa mga naging topic ay ang reaksiyon ng mga manonood sa cameo role ni Gabby Concepcion sa BFF, na pinagbibidahan nila ni Ai-Ai.
"Nakakagulat nga ang reaction nila noong premiere night at marami talagang nagtatanong sa akin, kahit ang mga teens ngayon, na siguro ay naikukuwento sa kanila ng mga mothers nila, kung gaano kalakas ang love team namin noon ni Gabby," nakangiting sagot ni Sharon.
"Wala na naman kaming problema ni Gabby and I have nothing to forgive na, pero gusto kong ma-maintain ang peace at ang magandang relasyon namin.
"Mahal ko ang asawa at mga anak ko. My husband is not from showbiz, ganoon din ang wife ni Gabby, at ayaw kong maging circus na naman ang buhay namin. Gabby has a very wonderful wife and daughter, si Samantha. Alam ko tulad ko, gusto rin ni Gabby na maprotektahan ang kanyang pamilya.
"Alam ko, masaya si KC sa nangyayari sa amin ng Papa niya kaya ang mahalaga na lamang ay iyong nakikita namin ang happiness and peace na nararamdaman niya dahil ayos na kami ni Gabby.
"Ang relasyon namin kasi ni Gabby is very different naman from my former boyfriends, sina Richard [Gomez] at Robin [Padilla]."






Tapos mas OA pa siya sa anak niya kung umasta. Sus!
natawa ako s BFF!
pasok sya s ukrayan!
ahahah!
ang haba ng piLa nun sunday!
hayst!
1 pumangit ng TODO TODO dahil sa sobrang KATABAAN
2 OA
3 walang kwenta ang show nya ngayon.
dapat ibalik yong dating TSCS or parang kay Vilma noon na VIP na may sayawan, duet, kantahan.
SOLUTION: MAGPAPAYAT. Kung pumayat sya madadala lahat at gaganda sya. Bagong hairdo at pananamit. si kris aquino bumabalik na naman ang kaseksihan nya. kahit na mag-OA OA sya ok lang dahil ma-ayos syang tinggnan at sexy....
Bakit puro na lang pansin sa healthy figure nya. Kayo naman oo, kala nyo wala kayong bilbil.
ENOUGH NA PLEASE, PARA MO NG AWA.
Kailangan yata ng LECHON, LECHON HAHAHHAHAHAHA!!
mula nong nakipag-asawa ka dyan kay pangilinan, tumaba ka na ng tumaba. di ka kasi happy habang kasiping mo sya sa gabi kaya ayan lagi kang gutom sa pagkain....hay naku wag mo ng isipin yang senador senador na asawa dahil di mo naman kailangan ang asawang may mataas na tungkolin. sharon ang pangit yang asawa mo kaya kung ako sa yo magpaganda ka at hiwalayan mo yan.