GUIDING DAUGHTER KC. Still on KC, okey ba siya na nali-link ngayon si KC sa katambal nito ngayon sa Lovers in Paris na si Piolo Pascual?
"Oh, yes, I feel safe when she's with Piolo, he's very respectable. 'Saka mas gusto ko rin iyong mga bago niyang friends, dinadala niya sa bahay, kaysa iyong mababalitaan ko kung saan-saan sila nakikita. Natatawa na lamang ako kapag tatawag si KC at itatanong kung may food daw kami good for ten people. Masaya ako kasi nakikilala at nagiging friends ko na rin sila, or let's say, parang mga anak ko na sila, nadagdagan ang mga anak ko."
Is KC living in her condo unit?
"No, nandoon siya sa guest house namin sa Wack-Wack, sa tapat ng bahay namin. She's still waiting for her condo to be finished. Siguro, next year, makalipat na siya roon. Minsan nga, sabi ko sa kanya, puwede na siyang mag-asawa ngayon. She's already 24, kung gusto niya at sabi ko, when she has her babies, send them to me at ako na ang magpapalaki sa kanila at mag-enjoy na lamang sila ng asawa niya," natatawang patuloy ni Sharon.
May time nga ba na nagkatampuhan sila ni KC?
"Medyo nagtampo ako sa kanya noon kasi may mga plano siya na hindi ako kinunsulta, nalalaman ko na lamang na may ganito, ganoon na. Bakit ganoon, samantalang ako iyong nakakaalam, pinagdaanan ko na iyon? May mga time na hindi kami nagkikita, pero na-realize ko rin na she's now 24 at tama rin na mag-decide na siya on her own.
"Madalas din kaming nagkakausap na ngayon, pinupuntahan niya ako kung saan ako naroon. Like noong Mother's day, dahil alam niyang nasa ASAP '09 ako noon to promote my movie with Ai-Ai, pinadalhan niya ako ng food.
"Pero kami ni Kiko, hindi nawawala na gina-guide namin siya anuman ang gagawin niya, dahil ayaw naman naming sisihin niya kami kung nagkamali siya dahil hindi namin siya binigyan ng guidance."
Sino nga ba ang boyfriend ngayon ni KC?
"Wala akong alam, kapag nalilito nga siya mag-decide, sabi ko na lamang sa kanya, complicated talaga ang mamili dahil pinagdaanan na namin iyon," napahalakhak na sabi ni Sharon. "Pero hindi siya nagmamadali, but she's welcoming suitors. Ang sabi ko lamang sa kanya, it's easy to get married but how to keep the marriage, iyon ang mahirap."
Ano ang next project ng Megastar?
"Itutuloy ko na rin ang pagpapapayat ko para matuloy na ang love story movie na gagawin ko sa Star Cinema. Ewan ko lamang kung matutuloy na mag-shoot kami abroad, dapat daw kasi ay sa Mexico iyon, pero nagkaroon ng swine flu doon. Kaya, hindi ko alam kung saan ito matutuloy, baka sa Bataan na lamang," natatawang patapos ni Sharon, sabay harap sa ibang members ng media na gusto siyang makausap.






tanong ko saiyo ito...kung hindi siya anak ni mega maganda,mabait at multi talented kaya siya?
Huwag kanang bitter kay KC dahil baliktarin man ang mundo super duper maging successful siya....give her time. Huwag niyo nang ikabit ang name ni Mega kung anong narating ni KC dahil sa lahat ng kabataan hindi magpapatalo sa looks, talent ang aming bagong Idol.
Mega and daughter super super sikat...see you on JUNE 12...go go go sharon and kc
ang ganda ganda ni KC sa MAY BUKAS PA.. KAHIT Konting make up lang she's still pretty. mayroon talagang ibubuga ang idol ko...kaya siguro super ingit ang mga bitter dyan..
katok
sa tingin mo ba hindi gusto ni mega magpapayat.juice me kung gusto mo masuka punta ka ng kubeta at hala sumuka ka hangang bituka mo lumuwa na.
mataba man siya mataba din ang bulsa.
wow hane ano ang size ng bewang mo 34inch makapagsalita eto.kung mas payat ka pa sa 24inch ibig sabihin dahon lang ng ampalaya ang ningunguya mo parang nganga.
and for the record na rin sa kaalaman mo 45mil na kinita ng bff nung 13-15 may pa lang...
Hinde bagay kung mag love tema ka kay Richard or Gabby.....para kang Nanay nila! gross!