FIRST READ ON PEP: Martin Nievera sheds light on blogger's post about wedding song for Juday and Ryan


Martin Nievera's "Unchanging Love" (click here) is believed to be an adaptation of Jyongri's song "Unchanging Love-Kimi ga ireba" (click here). 

FIRST READ ON PEP: Martin Nievera sheds light on blogger's post about wedding song for Juday and Ryan

Rommel Llanes

Rating

Isang PEPster ang gumawa ng post sa PEP (Philippine Entertainment Portal) para kuwestiyunin ang pahayag ni Martin Nievera sa May 11 episode ng SNN tungkol sa wedding song na inawit ng Concert King sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

 

Iniulat ng reporter na regalo ni Martin sa couple ang nasabing awit na painamagatang. "Unchanging Love."

 

Ang sabi ng 47-year-old performer, "Nobody approached me. Just my idea to write them a wedding song. I just asked them through text, 'Would you mind if I write you a wedding song?' And Judy Ann was so embarrassed, she was so hiya. Hiya raw siya sa mga text messages ko, 'Sobrang hiya ako'...gano'n. I'm glad they accepted my offer to give them a wedding song."

 

Napakinggan ang "Unchanging Love" sa ABS-CBN TV coverage ng wedding nina Juday at Ryan noong Linggo, May 17.

 

Makalipas ang dalawang araw, isang PEPster na nagngangalang Swmae ang nagbigay ng link sa isang blog na nagke-claim na hindi orihinal na komposisyon ni Martin ang "Unchanging Love."

 

Ayon sa post ng isang nagngangalang Yupeh (published as is):

 

"This is some wedding I really admire [the Judy Ann-Ryan wedding]. One thing just pissed me off. Martin Nievera (a popular singer here) 'composed' a song for the newly-weds titled 'Unchanging Love'. AND HELL YEAH, he somewhat copied, not just the title, but the melody and some English lyrics of JYONGRI's song 'Unchanging Love-Kimi ga ireba.'"

 

Si Jyongri ay isang sikat na J (Japan)-Pop singer. Ini-release ng kumpanya niyang EMI Music Japan ang awiting "Unchanging Love-Kimi ga ireba" noong June 4 last year.

 

Matapos pakinggan ang dalawang version, kapansin-pansin ang pagkakahawig nga ng dalawang awitin (Click to listen to Martin's version and Jyongri's version). Mas mabagal lang ang tempo ng inawit ng Concert King.

 

Agad hinanap ng PEP si Martin upang hingan ito ng pahayag hinggil sa puna ng naturang blogger.

 

Nagulat si Martin na may nagre-react sa awitin niyang "Unchanging Love," na gift niya para sa bagong kasal na sina Juday at Ryan. Nagtaka rin siya kung bakit may ganoong reaction.

 

Gayunpaman, nagbigay pa rin ito ng pahayag:

 

"It's a Japanese song that my bosses from PolyEast Records requested me to have an English version for Zsa Zsa Padilla's new album. Zsa Zsa is a new artist now of PolyEast. They asked me to make a song for her album. At the same time, it's also my gift for Juday and Ryan.  

 

"But the lyrics of the song is not a translation of the Japanese song. It's totally different. It has a different meaning which I adjusted for Juday and Ryan kasi nga, it was my gift for them on their wedding."

 

(Kinunsulta ng PEP and abogado nitong si Atty. Sandy Coronel tungkol sa bagay na ito. Ayon sa kanya, nakasaad sa copyright law na ang pagbabago sa isang kanta na binili for revival or adaptation ay depende sa saklaw ng rights na kasama sa kontrata. Minsan, kasama ang right to redo, revise, edit—maging ang translation.)

 

Posible raw na kaya may ganyang reaksiyon na hindi si Martin ang gumawa ng original lyrics ng kantang "Unchanging Love" ay dahil narinig na nila ang version ni Zsa Zsa na kinanta niya noong mag-guest siya sa Wowowee kamakailan. May plano rin daw na gawing single ng bagong album ni Zsa Zsa ang naturang awit, na ire-release pa lang ng PolyEast Records.

 

"I also plan to include the song for my next album," dagdag pa ni Martin.

 


Join us on Facebook


Pages: 1  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
54 Comments
page    1    2   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement