Coco Martin has found a home in the acting world, but his childhood dream was to be a seaman. His initial thought when he was going to attend his first international filmfest: "Pagkakataon ko na para makapag-TNT!" 

Photo: Noel Orsal

Nagpatawag ang Star Magic ng press conference kahapon, May 22, sa 14th floor ng ELJ Building. Ito ay para i-welcome ang bagong Kapamilya ng Star Magic na si Coco Martin–ang tinataguriang Prince of Independent Films.

Obvious ang kaligayahan ni Coco ngayong he's being co-managed by Star Magic and Biboy Arboleda, mga bagay na hindi niya na-enjoy noon.

"Sobra po, sabi ko nga, ngayon, sobra-sobra yung mga blessing na dumarating sa akin.  After ng Golden Screen, tapos Pasado [award-giving groups]. Tapos, nagpunta kami sa Cannes Film Festival, at sa suportang ibinibigay sa akin ng ABS-CBN."

So far, hindi pa raw alam ni Coco kung ano ang next project niya sa Dos dahil hindi pa naman tapos ang Tayong Dalawa at hanggang July pa ito.

Coco started his career in theater. Pero ang biggest break niya ay ang indie film na Masahista.  Pero alam ni Coco na ang Tayong Dalawa ang nakapag-open ng mas malaking door for him sa mainstream.

NEIGHBORHOOD IDOL. Ano-ano ang mga pagbabagong nagawa sa kanya ng show?

"Marami po, e! Like sa place po namin sa Novaliches, kahit nag-aartista na ko, wala akong yung... kasi ako, kung naglalakad ako, kung ano ang suot ko na ordinaryo, ganoon pa rin po. Ngayon po kasi, kapag naglalakad ako, ganoon pa rin naman ako, pero yung mga tao, nahihirapan na akong kumilos kasi, parang bawat labas ko, yung mga tao, nagpapa-picture sa akin. Minsan nga yung mga barkada ko, nawi-weirduhan ako. Magbabarkada na tayo, tapos, nagpapa-picture pa kayo sa akin?" natatawa niyang kuwento.

Isa pa nga sa magandang nangyayari ngayon kay Coco ay ang ikalawang beses niyang pagrampa sa red carpet sa Cannes Film Festival para sa independent film niyang Kinatay. Kung tutuusin, mabibilang sa daliri ng isang kamay ang mga local actors na nakakasama sa pinaka-prestigious film festival abroad.

Kumusta naman ang ikalawang pagrampa niya sa red carpet ng Cannes?

"Masaya naman po dahil second time ko na. Unlike yung first time ko po, kinakabahan pa ako sa mga mangyayari. Ngayon po, mas confident na po ako ng lumakad sa red carpet."

Ano nga ba ang feeling? "Masarap po, kasi ang nire-represent mo, hindi naman po yung sarili mo, yung bansa mo. Lalo na kapag tumutunog na ang national anthem.  Ang sarap po ng pakiramdam."

After daw ng red carpet at screening, nagkaroon sila ng party kunsaan inimbitahan din daw niya ang grupo nina Sid Lucero ng Independencia.

Ang Hollywood director na si Quentin Tarantino lang daw ang nakita niya sa Cannes. Usually raw, kapag awards night na, nagkikita-kita ang lahat which is this Sunday pa, kaya hindi na siya umabot.  Hindi rin daw siya nagkaroon ng chance na makitang dumating dito ang mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie.

GAY THEMES. Karamihan sa mga ginagawang indie films ni Coco ay may temang maseselan since most of them are gay films. Open ba siya sa pamilya niya sa bagay na ito, especially yung panoorin rin nila?

"Yun lang po ang ano sa pamilya namin, never ko silang... kasi nga po, alam ko ang mararamdaman nila bilang magulang.  Kung tutuusin, hindi naman nila gusto... siyempre, sino po bang magulang ang gugustuhin na makita ang kanilang anak na ganoon ang ginagawa. Pero, hindi naman na po namin pinag-uusapan. Kapag nagkakaroon po ako ng mga achievement, doon na lang po nila nari-realize na, wow, meron naman palang dahilan."