Habang iniinterbyu ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Yasmien Kurdi sa press conference for their new once-a-week series na SRO Cinemaserye Presents Suspetsa, napansin naming ang may kalakihang dark mark sa left upper arm niya.
Ayon kay Yasmien, napaso raw siya ng kanyang makeup artist habang naghe-hair ironing sa SOP. Nagmamadali raw dahil opening na nila, kaso, ang makeup artist daw niya, nakikipag-tsismisan pa kung kaya't hindi sinasadyang napaso siya ng plantsa.
"Nakikita talaga siya sa screen. Mahirap siyang tanggalin. Palaging skin peeling, kaso, ang lalim ng paso. Kaya palaging napapansin. Pero... ayoko naman na dahil lang sa ganitong bagay, mawawalan ng trabaho ang isang tao... Okey naman kami nun. Love na love ko nga siya. Hanggang ngayon, mine-meyk-apan pa niya ko.
"At least ngayon... palagi nang maganda ang makeup niya sa akin," natatawa niyang sabi. "Aksidente lang naman yun, so, past na."
Mabait kung tutuusin si Yas. Kung sa iba, puwedeng nasisante na yung makeup artist lalo pa nga't sa isang artista, ang ganda ng skin ang isa sa kanyang puhunan.
"Okey lang yun, kesa naman po maka-hurt pa ako ng feelings. May mga technology naman po kaya ginagawa ko naman po ang lahat. Pinapa-skin peel. Pinapa-sponsor. Pahid ng lotion or something. Ginagawan naman ng paraan at may mga concealer naman po. Ngayon lang po, hindi ko nalagyan kasi sobrang puyat ko na."
BOSSY ROLE. Si Yasmien ang gumaganap na Leonor sa Suspetsa. Valedictorian daw siya rito.
"Ako po yung pinakamatalino. Parang palaging siya ang nasusunod. Bossy po, matapang sa magkakaibigan. Noong may problema, parang siya yung 'kaya natin 'to.' Lider-lideran din po."
Pero ayaw nang i-divulge ni Yasmien kung ano pa raw ang kuwento ng character niya. Pinanindigan niyang hindi ito ikuwento talaga dahil sa paniniwalang mapi-preempt daw ang serye. Ito ay sa kabilang well-defined na sa press ang characters nina Nadine Samonte at Jennylyn Mercado.
"Kasi sayang, e, ayokong ikuwento. Para naman may suspense sila."
Silang tatlo raw nina Jennylyn at Victor Aliwalas ang magka-partner?
"Opo... pero, hindi pa rin siya love interest. Si Baron (Geisler) kasi, nandoon pa. Parang yung character ko, mas inuuna ang career. Si Baron naman, partner ko, pero unang part lang yun, after that, hindi na."
NO BILLING ISSUE. Reunion nilang tatlo nina Nadine at Jennylyn sa StarStruck ang SRO. During the question and answer portion ng presscon, tinanong kung magiging isyu raw kaya ang billing sa kanilang tatlo?
"Hindi na po isyu yung mga billing," sey niya. "Wala naman pong... pangalan lang naman po yun, e."
So, wala siyang care sa mga ganoong bagay? "Wala po. Sa huli lang naman po palagi yun or kaya sa una. So, parang konti lang yun na part ng show. Mas mahalaga ang istorya at saka yung ipinapakita mo ru'n sa show at saka yung performance mo ru'n sa show. Yun ang importante. Hindi yung pangalan kung ano ang nauuna at kung ano ang nahuhuli. At kung ano ang alphabetical na ayos ng pangalan. Hindi ko alam kung bakit pinag-aawayan pa yung mga ganoong isyu."






Ney
May 25, 2009
15:15 PM
actually, si Yasmien ang queen of daytime drama. princess si Kris Bernal. si Yasmien ang may pinakamadaming nagawang Sine-Novela na puro hit. naungusan nga lang ng Dapat Ka Bang Mahalin pero inumpisahan ng Saan Darating Ang Umaga ang record...
=======================
Tama ka diyan. Pero hawak pa rin ng SDAU ang record of the first Sine Novela and GMA daytime drama to top in the national tv rating. Nabreak ng Dapat Ka Bang Mahalin ang taas ng rating ng SDAU pero yung record na first ever ay di pwedeng mabreak.
actually, it reli feels good f somebody s so so so bitter coz i can imagine how they felt ... stay tuned!
they got some ideas from Tayong dalawa
losers