Director Brillante Mendoza doesn't expect government support for his second Cannes film

William R. Reyes
Sunday, May 24, 2009 @ 08:24PM  |  8402 views


"If the government is willing to help, dapat sila yung mag-offer ng genuine help. I don't have to... Kumbaga, hindi na ako magmamakaawa," says director Brillante "Dante" Mendoza (top photo) about his film Kinatay. Middle photo: Coco Martin in a scene from the film; bottom: Direk Brillante and Coco with Mercedes Cabral and Maria Isabel Lopez at the red carpet of Cannes International Film Festival.

Photo By: File photos













Nasa limelight uli this year ang premyadong direktor na si Brillante "Dante" Mendoza nang ang pinakahuli niyang pelikulang Kinatay (Butchered) ay mapiling isa sa competing entries sa ginaganap na 62nd Cannes International Film Festival (May 13-24), sa France.

Magkasunod ang pagkakalahok ng pelikula ni Direk Brillante. Last year, ang kanyang Serbis ang naging competition entry ng Pilipinas sa tinatayang pinakaprestihiyosong film festival sa buong mundo. 

Magkakahalong puna't batikos ang natamo ng Serbis, mula sa mga banyagang kritiko't karaniwang manonood. Gayundin sa mga kritiko at film industry observers sa ating bansa.

Bagay na hindi ininda ng premyadong filmmaker. O lalo't nadoble ngayon ang tuwa niya sa naging pagkakatanggap ng Kinatay bilang Cannes '09 Main Competition entry.

Ngayong araw, May 24 (Closing/Awarding ceremonies ng Cannes filmfest), ay malalaman na ang magiging paghusga ng mga hurado sa nasabing Philippine film entry.

Maganda man ang feedback sa kanyang pelikula (higit ngang well received sa Cannes sa taong ito ang Kinatay, kaysa sa Serbis noong 2008), hindi pa rin gaanong umaasa si Direk Brillante.

Sa umpisa pa lang, noong una niyang ipadala ang rough copy ng Kinatay, walang anumang inasahan si Direk Brillante.

"I don't expect anything... [because] I do everything on my own," sabi niya sa isang exclusive interview ng PEP [Philippine Entertainment Portal].  "Actually, I did this [Kinatay] on my own... Kasi ang importante sa akin is makagawa ako ng maayos na pelikula, ayon sa gusto ko. Since ito yung gusto ko, I don't expect from anyone..."

Direk Brillante was hinting at something, na may kaugnayan sa naging pagkakapili bilang Main Competition entry sa Cannes ng pinakahuli niyang obra. Ito'y ang tungkol sa suportang ibinibigay ng pamahalaan, through the FDCP (Film Development Council of the Philippines), in the form of incentives amounting to two million pesos, sa anumang pelikulang Pilipino na mapipiling mag-compete sa Cannes International Film Festival (kabilang sa A-list, o number one  among world film festivals).

"I cannot decide for that," sabi ni Brillante. "If the government is willing to help, dapat sila yung mag-offer ng genuine help. I don't have to... Kumbaga, hindi na ako magmamakaawa."

May pait man sa damdamin ng direktor, kapag maaalala ang nangyari noong isang taon, nang hindi natupad ang sinasabing government support para sa pagkakasali din sa Cannes ng kanyang Serbis, "due to lack of funds," iba na rin ang damdamin niya sa ngayon. With his immediate vindication, napawi na rin ang anumang bitterness, at kapani-paniwala ang mga pahayag ng direktor tungkol dito.

"It's gonna be disappointing, pero ako naman, sa totoo lang, I don't dwell on the negative," sabi niya. "Hindi ako nagbebenggahe. It's just that, this time, I want to do it on my own, not because ayoko ng tulong n'yo, or whatever... hindi naman gano'n. Ang sa akin lang, I'd rather do it, kasi iba na yung wala ka nang iintindihin pa. Na I don't have to liquidate [anything]."

Direk Brillante has learned his lesson. Last year, in anticipation of the said P2 million incentive na makukuha mula sa gobyerno, dahil sa pagkakapili ng Serbis, in-advance muna niya ang gastos ng buong entourage sa pagpunta sa Cannes. When it was time to reimburse his expenses, what he got from the government agency na naatasang magkaloob ng insentibo, ay isang maliit na fraction ng kabuuang gastos na hindi sana sa bulsa ng direktor magmumula.  Bukod dito, nakadama ng pagkapahiya ang director, bagay na hindi na niya malilimutan magpakailanman.

Napapag-usapan nga lang, but Brillante has got nothing against anyone.

"Ang feeling ko lang, kung genuine help yan, bakit kailangan mong ipakita yung mga boarding pass mo, e, buong mundo nakita na yung picture mo sa Cannes, di ba? Bakit kailangang ipakita mo yung pamasahe mo... and everything? Di ba?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

27 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name