Marian Rivera, seen above in a Jag outfit from Black Magic: The Denim Show, knows the power of wearing the right outfit at the right time. The celebrity actress will be soon be channeling Darna with the help of the superheroine's costumes. "Wow! Headdress pa po lamang, talagang iba na ang naramdaman ko at nang isuot ko na ang full costume ni Darna, para pong sumanib na sa akin ang katauhan niya. Napakaganda po ng costume at ayaw kong i-describe sa inyo, tingnan na po lamang ninyo kapag ipinakita na ang cinema plug namin. Iba po talaga!"
Marian Rivera is training in martial arts for Darna role
Saturday, May 30, 2009
09:56 PM
Na-excite talaga si Marian Rivera nang sabihan siyang may Jag Black Magic: The Denim Show siyang gagawin as one of the endorsers, with Will Devaughn, of Jag's Anti Fit for their customized jeans. Ginawa ang said fashion show last Saturday evening, May 29, sa Atrium ng Mall of Asia at talaga namang punung-puno ito ng mga tao hanggang sa itaas, at tuwing lalabas si Marian, tilian at palakpakan ang mga tao. Hindi rin mapigilan ang mga tao na kunan siya ng picture.
Medyo nahirapan ngang makapag-interview ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kina Marian at Will dahil walang lugar na hindi nagkakalipumpon ang mga tao na walang sawang kumukuha ng pictures nila.
Ano ang feeling niya nang rumarampa siya?
"Nakakataranta rin po kasi ang dami-dami namin sa dressing room, tapos mahaba rin ang nirarampahan namin," masiglang sagot ni Marian—na sa tingin namin iba ang glow ng beautiful eyes niya, so in love yata ang bagong Darna. "Feeling ko binalikan ko iyong dati kong pagmo-model bago pa ako pumasok ng showbiz."
Ang Darna na susunod niyang project sa GMA-7 ang itinanong kay Marian. "Nakapag-shoot na po ako ng teaser at cinema plug namin," sabi ni Marian.
Ano ang naging feeling niya nang una niyang isuot ang costume ni Darna?
"Wow! Headdress pa po lamang, talagang iba na ang naramdaman ko at nang isuot ko na ang full costume ni Darna, para pong sumanib na sa akin ang katauhan niya. Napakaganda po ng costume at ayaw kong i-describe sa inyo, tingnan na po lamang ninyo kapag ipinakita na ang cinema plug namin. Iba po talaga!
"Pero ang pinagtutuunan ko po talaga ng pansin ngayon, ang training ko ng martial arts at ang pagsusuot ko ng harness. Totoo po palang napakahirap ng pagsusuot ng harness, hindi biro kaya dinidibdib ko ito. Noong una akong magsuot nito, ipinakita ko kina momsie (her manager, Popoy Caritativo) iyong mga pasa at parang dudugo na iyong part na nalagyan ng harness."
PETROLEUM JELLY. Ano ang payo sa kanya ni Dingdong Dantes dahil nakaranas na rin itong magsuot ng harness?
"Basta sabi po niya sa akin, ingatan ko raw ang sarili ko sa pagti-training ko. Ibinili nga po niya ako ng petroleum jelly para ipahid ko raw sa thighs ko bago ako magsuot ng harness para hindi magitgit ang skin ko. Huwag daw akong susuko dahil talagang mahirap sa simula pero kaya ko raw iyon. Siya po ang nagpu-push sa akin na huwag matakot sa training ko."
Hindi pa alam ni Marian kung sino-sino ang makakasama niya sa Darna, siya raw lamang kasi ang nag-shoot ng cinema plug. May balitang may switch daw sila ng katambal ni Dingdong. Si Mark Herras daw ang makakatambal niya at si Jennylyn Mercado naman ang makakatambal ni Dingdong sa Stairway To Heaven.
"Okey lamang sa akin kahit sino ang makatambal ko," nakangiting wika ni Marian. "Naniniwala ako na ang isang artista, walang karapatang mamili ng mga makakatambal o makakasama niya sa isang project. Hindi ko pawawalan ang opportunity na makagawa ng isang project dahil lamang ayaw ko sa makakasama ko.
"'Saka wala na po iyang issue sa amin ni Mark, patay na iyon, civil naman kami sa isa't isa kapag nagkikita kami, nagbabatian kami. Maliit po lamang ang mundo ng showbiz, iisa ang ating ginagalawan kaya dapat magkakasundo tayong lahat."
Pero may balita ring si Mark Anthony Fernandez ang makakatambal niya at hindi si Mark Herras.
"Tulad po ng sabi ko, wala pong problema kung sino ang makakatambal ko. Kung si Mark Herras o si Mark Anthony Fernandez, nagtatrabaho po lamang kami."
TAROT WITH TRILLO. Naikuwento rin ni Marian na may mga tumatawag na sa kanya ng "Darna" at natutuwa raw siya. Sa ngayon, bukod sa pagti-training, busy na rin si Marian sa shooting nila ng horror-suspense movie na Tarot with Dennis Trillo, directed by Jun Lana for Regal Entertainment.
"Happy po ako na ang staff din namin ng Marimar ang staff namin sa Darna, kaya excited na rin ako sa pagsisimula namin ng taping sa mid-June. Hindi ko lamang sure kung ito ang ipapalit sa Zorro by August 2009."
Sa tanong kung sino ang sisigaw ng "Darna!" mabilis ang sagot ni Marian ng "Ako po!"
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- FIRST READ ON PEP: Annabelle Rama says son Richard Gutierrez was almost speechless upon hearing DOJ dismissal of his case HOT
- FIRST READ ON PEP: DOJ dismisses Reckless Imprudence Resulting in Homicide case against Richard Gutierrez; Nomar Pardo's widow clueless HOT
- Court grants Ruffa Gutierrez sole custody of her daughters HOT
- PMPC announces nominees for the 26th Star Awards for Movies
- Phillip Salvador still waiting for sign before filing counter-suit against ex-lover
- Jolo Revilla on ex-girlfriend Lovi Poe: "Nakapag-move on na ako."
-
PEP Finder
No more showbiz for ex- Darna Nanette Medved
No intrigues, less problems, according to Nanette.
-
Looking Back
Jen Rosendahl fondly recalls memorable moments with Viva Hot Babes
Jen will always be grateful to Viva Hot Babes.
-
Fact or Fiction
Nova Villa demystifies urban legend that she has a kid by the late FPJ
Nova says she was not sure if she fell in love with the King of Philippine Movies.
-
Theater
My Talent classes will run from April 5 to May 30
All classes will be conducted in Eastwood City.
Most Popular
- Claudine Barretto on Teleserye Queen title: "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon."
- FIRST READ ON PEP: Ryan Agoncillo confirms wife Judy Ann Santos is two months pregnant
- Kris Aquino: "Kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige gamitin n'yo po ako."
- Who signed a contract with which TV network?
- Ruffa Gutierrez says she's not affected by recent John Lloyd-Shaina sighting
- Ruffa Gutierrez says goodbye to The Buzz through a taped interview
- Dingdong Dantes says a little jealousy is good for a relationship, "Pangit naman kung wala"
- Ruffa Gutierrez decides to skip farewell episode on The Buzz
- Angel Locsin pulled out from Kokey@Ako
- Derek Ramsay on Angelica Panganiban: "Each time we tend to go on separate ways, we end end up coming back."
Advertisement


