Guji Lorenzana knew Simon Cowell was just being kind by being brutal. "You have the voice, but you have no American Idol appeal!" said the fearsome judge to the persistent AI applicant. But instead of crushing him, the harsh verdict propelled the plucky talent to our shores. Now he's America's loss.

 

Photo: Noel B. Orsal

Nag-audition pala sa American Idol ang Pinoy na si Guji Lorenzana. In fact, tatlong beses nag-audition si Guji sa Season 3 ng naturang talent search sa Estados Unidos.

Una niyang sinubukan ang kanyang kapalaran sa New York, at nang hindi sinuwerte ay sa Los Angeles, California naman siya nag-audition. Kahit sa San Francisco ay sinubukan ni Guji ang kanyang kapalaran para maging isang American Idol.

Sa naturang batch, naging isa sa top 12 finalists ang Fil-Am na si Jasmine Trias at ang Oscar winner na si Jennifer Hudson. Ang winner ng Season 3 ay si Fantasia Barrino.

Hindi makakalimutan ni Guji ang pambihirang pagkakataon na makaharap ang tatlong AI judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson at Simon Cowell.

Sa tatlo, pinakanabaitan raw si Guji kay Simon. Deretsahan raw siyang sinabihan ni Simon, "You have the voice, but you have no American Idol appeal!"

During the time na nag-audition si Guji, mataba siya, weighing 200 lbs! Isa sa mga cherished possessions ni Guji ay ang litrato niya na magkasama sila ni Mr. Cowell.

Dahil desididong ma-invade ang music industry, nag-diet si Guji kaya gumanda ang porma ng kanyang katawan.

FRIENDLIER SHORES. After his AI auditions, sinabihan siya ng tiyahin niyang si Joanne Lorenzana (na isang dating singer sa Pilipinas) na subukan ni Guji ang kanyang kapalaran sa Pilipinas.

Pagdating niya rito, sumabak siya sa mga commercials at mga gigs sa iba't ibang bars at corporate events. Immediately after, kinontrata siya ng Star Magic ng ABS-CBN para maging bahagi ng Star Magic Batch 16.

Bukod sa pagiging singer, isa ring stage actor si Guji. Ang latest musical play na nasalihan niya ay ang West Side Story nina Karylle at Christian Bautista.

Loveless si Guji ngayon, at inamin niyang tatlong beses na siyang nakaranas na mabasted ng mga babaeng niligawan niya. Heartbroken nga raw siya nang bumalik dito sa Pilipinas last February 2006.

He goes out on dates sa ngayon, at ang mga showbiz crushes niya ay sina Karylle, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Kim Chiu. "Mahilig kasi ako sa chinita," says Guji.

GAY SUPPORTER. Sa tanong kung hindi ba siya homophobic since maraming bading sa showbiz, nagkuwento si Guji sa PEP tungkol sa isang kaibigan niya sa States.

"My best friend is gay! Una, hindi namin alam, high school kami nun, lalaking-lalaki ang itsura niya, he's a jock. Then there came a time na umamin siya sa aming buong group of friends namin na he's gay."

Hindi naman raw nila itinakwil ang kanilang kaibigan. In fact, hanggang ngayon, matalik na kaibigan ang turing dito ni Guji at patuloy ang kanilang communication kahit nasa Pilipinas na si Guji. "He told me nga na he has a boyfriend now."