news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186699 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 1508  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 03:04 PM
    hallucination lang nya n lolit...
    malabo lang mata n arnold kaya cguro c KC panigin nya..


    i wish talaga na hindi ito true..

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1507  kcsha

    06/04/2009 | 02:52 PM
    baluga

    wala pa bang update doon sa pag sugod ni Gabby kay lolit?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1506  celps

    06/04/2009 | 02:49 PM
    sana kamukha lang ni kc,sana d totoo ,kawawa naman,normal ang makigpag sex pero iba na pag na video at nakita sa lahat...c arnold naman ,sinabi nya na nakita nya,so almsot sure na cya dun na c kc...hhayyy,iba ang kutob ko dito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1505  idasotera

    06/04/2009 | 02:48 PM
    Wow, pati si KC napasama sa isyu. Excuse me no pero iyung mga taong sangkot dito sa quot;balasubas na controbersyquot; pwede ba huwag isama ang pangalan ni KC. Hindi nila ka-level si KC no. And besides that, Her mother is sharon cuneta quot;MEGASTARquot; does anyone in their right mind really think that KC would put herself in a situation that would ruin hers, and her families good name. Now , if that so called video does exist aba dapat ngang kasuhan iyang Hayden Kho na iyan. Whatever one does inside their bedroom must only remain in the video; of course, if Mr. Hayden's intentions were to be the talk of the town. Then, he's gotten it. As for KC if it were true Which I highly doubt!! it would be an unfortunate situation...But, as I have said I highly doubt it were true....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1504  balugababe

    06/04/2009 | 02:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1503  kcsha

    06/04/2009 | 02:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1502  faye_mgc

    06/04/2009 | 02:27 PM
    Di pa rin kayo tapos dito?...Move on people!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1501  packrat14

    06/04/2009 | 02:08 PM
    i smell defeat... mukhang si manay lolit naman ngayon ang pepetisyunin ng mga pepster ahihihi. impernes, favorite ko si manay. xempre noh umurong si manay dahil baka quote and quote napigilan ang paglabas ng sinasabing diumano SV ni KC. innocent until proven guilty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1500  packrat14

    06/04/2009 | 02:05 PM
    wala akong hinihintay na sex vid ni KC kase wala namang malakas ang loob na ilabas ang imaginary sex video... ahihihi. hmmm... bakit naman kaya si KC ang pinupuntirya? at bakit naman napasama d2 sa kwentong kutsero si Bea macho?! papansin ba? sus naman laos na lola nyo. malaong may SV si OA na Bea dahil tibo ang preference nyan. yun na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1499  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 02:03 PM
    pero etong si lolit di nakaporma kay annabelle rama , remember sa issue about ruffa , lani and boBong revilla? di siya inurungan ni bisaya kaya tumigil na rin siya at nakipagbati kay momster ... mega , patulan mo nga tong si lolit para manahimik!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1498  jemzky

    06/04/2009 | 01:47 PM
    Oh my gulay laki ng eyebugs ko kaka antay ng confirmation hindi ako nakatulog. puro satsat hindi naman kayang pangatawanan. pede ba not KC, never in my wildest dreams. i didnt mean to say na hindi cia nakikipag s-x it's a normal thing to do, pero anong konek nya kay Hayden?? Frends ba sila? May movie ba sila, or commercial man lang together? Windang na windang ang mundo ko kahapon pa so please tapusin na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1497  afghangirl

    06/04/2009 | 01:46 PM
    Its nice to see that for once nagkakaisa ang mga tao laban sa kabuktutan ni lolita!!!

    KC iha, see you are beyond the network war...dito lang kami for you and we do not believe any of these BS!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1496  BELOVED

    06/04/2009 | 01:43 PM
    1167

    sabagay tama ka...
    parang may ghost writer yata yan...
    very taklesa pa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1495  balugababe

    06/04/2009 | 01:42 PM
    ...cont

    kaso hindi pa kase uso ang leading ladies na mga lamang lupa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1494  BELOVED

    06/04/2009 | 01:41 PM
    for sure , ang masaya ngayon ay si Hayden Kho, dahil maraming galit kay Lolit Solis....

    may bahid man ng truth o wala about KC, dapat hinde malihis kung saan ang punot dulo ng iskandalong ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1493  balugababe

    06/04/2009 | 01:41 PM
    1160
    BELOVED

    mahilig kase maglihis si lolit ng isyu, mambitin at pa suspense at mang intriga. kaya nga yan nasa startalk eh

    tingnan mo na lang nong nabuntis ang anak ni bong, niligaw nya ang mga readers nya


    yung kay piolo at sam, sya daw mismo nakakita, yun pala may waiter lang sa Sofitel na tumawag sa kanya

    laging nyang sinasabi: ah basta ako ayoko magsalita tungkol dian sabay halakhak. Powertripping!

    Yung bagong paglabas ang seks bidyo sinabi nya andaming mga hindi mo akalain na andon, siempre ang tao tulo laway, galing naman ni lolit napanood nya! Powertripping

    Kunyari ayaw daw nya mag attend ng premiere etc dahil sa kanya daw napupunta ang usapan sya daw tinatanong ng mga reporters. eh tuwang tuwa naman sya. sinasadya nyang mambitin ng mga sagot at mang intriga papakontrobersyal. kung may hitsura lang yan si lolit, nag artista na rin yan matagal na. kaso hindi pa kase uso ang leading ladies na mga la
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1492  BELOVED

    06/04/2009 | 01:38 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1491  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 01:35 PM
    1161

    how sure are u?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1490  sexy_inlove

    06/04/2009 | 01:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1489  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 01:31 PM
    denial ba ang ginawa ni lolit or pinalaki lang ang issue? dirty tactic ang ginawa ni harbatera , nag deny pero nag name names ... binigyan ang publiko nang idea na ahhh , oo nga pwedeng si KC nga ang nababalita na nasa BI sa isa sa sx vid ni hayden ... kung di niya binanggit name ni KC di naman lalaki ang issue , ayan inaabanagan nang mga detractors ni KC at ni sharon ... as usual nagtagumpay ang scripted na palabas ni lolit , hit na hit ... KC ba naman ang idamay ;;;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About