news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186687 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 1448  anniemae

    06/04/2009 | 12:02 PM
    balugababe share naman nang vedio pls hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1447  balugababe

    06/04/2009 | 12:01 PM
    1112
    lalapearl

    normal lang talaga kay sharon ang mag react. eh yung nanay nga ni hayden eh suportado ang anak na sya pa ang nangbiktima, si sharon pa kaya na anak nyang babae eh niyuyurakan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1446  pepperlicious

    06/04/2009 | 11:59 AM
    yung mga nega dito, whistle pa lang yan ha! huwag niyong hintayin pati batuta ko at malilintikan kayo lols.. wala pa naman kasing napapanood kung makapanghusga akala mo inagawan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1445  kcsha

    06/04/2009 | 11:58 AM
    1116
    akoyisangpino
    y



    ako di pa din natutulog at inaabangan ko kung sino man ang mag forward ng video doon sa email ni sis balugababes

    inumaga nalang ako dito alang video na dumating doon sa email ni sis baluga



    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1444  rafgab

    06/04/2009 | 11:58 AM
    how could that be when KC just came home Sept. 2007 and during that time BF niya pa si Lino until they broke up Dec. 2007. Feb. 2008 she had a valentine date with Richard Gutierrez that they both admit and perhaps had something special in-between naman. There is no way that she would have a special relationship with Hayden coz she sees a different dermatologist and not with Belo that's what I read from their family friend.

    Please spare KC in this nasty issue, this is maligning her, she is a UN Ambassador and not insane to just jump with anyone in bed. You wait guys, if Sharon offered 10M for Sen. Francis'alleged lovechild, this time Sharon would offer her wealth to anyone who could produce this video.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1443  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 11:58 AM
    akoyisangpinoy

    bruha talaga xa...

    alam mo may eyebags is getting bigger..
    para mahanap ang vids nasinasabi ni monggol at bruha pero ala pa rin...

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1442  pepperlicious

    06/04/2009 | 11:56 AM
    Teka muna, teka muna Prrrrrt! Stooop!

    sino ba dito ang makakapagsabing napanood niyo ang video? uh,oh,hmm wala diba???
    e bakit kung makapanghusga kayo daig niyo pa ang inagawan ng asawa?

    inggit na naman ang problema niyo no?
    babae pa mandin kayo, sa inyo kaya mangyari yan? kahit kapitbahay lang ninyo ang may kilala sa inyo sigurado magagalit din kayo, si KC pa kaya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1441  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 11:51 AM
    baligtad na ngang utak ko sa puyat sa kakaabang na may mag upload nang vid ni KC , pati mga hustlers na kilala ko todo abang pagkakakitaan ba naman , malaking pera kung totoo , fiesta na naman sa quiapo ...pero bigo kami , wala talaga! lolit , bruha ka ... naeklat mo na naman ang sambayanang pilipino!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1440  kcsha

    06/04/2009 | 11:50 AM
    sila balugababes at queenkims lang ang lagi ko inaabangan sa update dito kasi sila ang may contact sa loob ABS-CBN at sa GMA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1439  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 11:50 AM
    1105
    balugababe

    i mean pakisabi sa friend mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1438  balugababe

    06/04/2009 | 11:50 AM
    1106
    kcsha

    alam mo sabi ko nga pag napanood ko ang video, ako mismo magsasabi dito na totoo ito pero di ko ipagkakalat ang vid pero di ko rin sya pagtatakpan.

    may isa dalawang tao na rin akong dinare na i-forward sa akin ang link o file sa aking personal email address pa pero walang nag email sa akin maliban don sa nagbebenta ng viagra!

    pinuntahan ko na lahat ng underground seks server wala rin...bit torrent, emule hinalughog ko na wala akong makita. pag naka upload na yan sa intnet gaya ng sabi ng iba, kahit ilang sharon cuneta ang didipa di na yan macontrol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1437  lalapearl

    06/04/2009 | 11:49 AM
    sis babe

    ganun ba! well, masakit talaga para sa karangalan ni KC...bilang isang halimbawa sa mga kabataan binigyan siya ng papugay dahil sa kanyang maganda himahin na pinapika....

    kahit hindi ito totoo masakit parin para sa idol natin at lalong lalo na sa magulang ni KC....

    we support and 100percent hindi tayo maniniwala. wala pa namang vid at never niya itong magagawa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1436  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 11:48 AM
    1105..
    balugabae

    ganun ba..
    pakisabi sa friend na pakisabi kay papa gabby na dapatan nia c lolit ug wala o too para bongga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1435  meriblossom

    06/04/2009 | 11:48 AM
    mas masahol si baron kesa kay hayden.. bat u pinagtatanggol si baron na yan ang pinakamanyak sa lahat dhil khit mrming tao umaandar ang pgkamanyak di makontrol ang self!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1434  ako_ito_eh_bakit_ba

    06/04/2009 | 11:48 AM
    naku lolit di ka na nadala panay deny mo na ngayon bakit ba itatanong sayo kung di mismo lumabas sa bibig mo....
    si kc pa sinubukan mo ewan ko sayo mahilig ka gumawa ng gulo na wala naman katotohanan walang ebidens baka mag sorry ka na naman yan katulad nung humingi ka ng tawad kay sam at piolo....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1433  balugababe

    06/04/2009 | 11:44 AM
    1102
    lalapearl

    wala pa sa SNN. tinanong lang ni mam charo kung payag si sha na iphone patch si kace

    nong unang binalita to ni Fanny sa kanila sa backstage ng kanilang concert, galit na galit si sha at si kace iyak lang ng iyak...pero blind item lang kase kaya ayaw nilang palakihin

    eh ito nga pinasok na ni lolit ang name ni kc kaya galit na ang mudra. timing ha na wala naman sila sa bansa para mas may time itong lumala. galing din ni solis. ayan si katrina na may video talaga nawala na sa eksena. enter KC na wala naman silang maipakita pero ang iba dito parang sila mismo napanood na...mga echosera

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1432  tekamuna

    06/04/2009 | 11:39 AM
    wawa naman si KC
    lagot ka Lolit
    magtago ka na at dadaganan
    ka ni sharon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1431  kcsha

    06/04/2009 | 11:39 AM
    maniwala lang ako nito kung ako mismo ang nakakakita sa video na ito at mapapatunayan ko na si KC nga ang nasa video

    kawawa naman si KC, kung hindi ito totoo at sinisiraan lang siya

    kung walang katutuhanan ang video tungkol kay KC, aasahan ninyo mag sanib ang , cuneta, pangilinan, concepcion at sotto, para kasuhan ang taong pasimuno sa paninirang ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1430  balugababe

    06/04/2009 | 11:39 AM
    1097
    team_kapamz_a
    ko

    friend namin sa ABS mismo. sya rin nagsabi na nag react na si gabby
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1429  akoydreamer

    06/04/2009 | 11:37 AM
    Just know I read Bea's article denying her involvement to Hayden Kho,she said na di pa daw sila nag me-meet everv so I think this will be exactly what KC has to say pagbalik nya.Kasi pag nagpapasalinsalin na ang chila parang totoo na sabi ni Bea and I agree.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About