Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.
"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.
"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."
Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?
"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.
"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.
Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."
YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?
"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.
"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."
May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?
"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?
"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."
HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?
"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1408 toyboy
pre, normal ang sexual urge. ang hindi normal, yung ginawa ni hayden. andaming babae na pinaniwala nyang mahal nya. yun pala, parausan lang nya at ginawa pa nyang porn stars na libre at palihim. pati si vicki belo, niloko nya at pinag-kuwartahan. ang pinakamasama, sinisisi nya ang maraming babae na nauto nya. pagbintangan pa si katrina na nag-supply ng drugs nya. pre, lalake ako pero hindi pervert. hindi ko kayang panoorin ang sarili kong nakikipag-sex sa iba't-ibang babae. hindi ako psycho.
1407 toyboy
pre, normal ang sexual urge. ang hindi normal, yung ginawa ni hayden. andaming babae na pinaniwala nyang mahal nya. yun pala, parausan lang nya at ginawa pa nyang porn stars na libre at palihim. pati si vicki belo, niloko nya at pinag-kuwartahan. ang pinakamasama, sinisisi nya ang maraming babae na nauto nya. pagbintangan pa si katrina na nag-supply ng drugs nya. pre, lalake ako pero hindi pervert. hindi ko kayang panoorin ang sarili kong nakikipag-sex sa iba't-ibang babae. hindi ako psycho.
1406 faye_mgc
Excuse me, we're not in the same field...and movies, I do watch it but to work there?...Patawa ka ba o adik...Ikaw siguro nasigawan, Pulubi ka eh! Patawa ka nga siguro!
1405 callcentergirl
1404 faye_mgc
1403 kcsha
1402 faye_mgc
1401 dakilangpulubi
kakatawa kc..
1400 befairy
meron n nkapanood?
1399 akoyisangpinoy
1398 lalapearl
Halatang bitter ka lang sa Mag ina....huwag mong husgaan agad si KC dahil wala kapang vid nakita.......wawa ka naman.
1397 pinay123
1396 kcsha
1395 faye_mgc
1394 rovokof
1393 akoydreamer
Si Maricar has a good profile she is a graduate from ADMU, a practising doctor din at maganda with class talaga.So its a pity na madungisan pagkatao nya dahil lang sa sex video.
Diba ang pinakasikat nating artista local or Hollywood napakulay ng lovelife nila? Sharon , Vilma,Maricel even Kris how many partners they had na ba? Im sorry to say this but how many deck did they sucked kaya?
SEXUAL URGES IS JUST NORMAL IN A PERSON.ITS JUST ONE PART OF US.Hindi ibig sabihin na maniac si Haydan eh masama na buong pagkatao nya.He might be a good son, friend etc.
I am trying to be reasonable and I hope everyone will do...
1392 damaskrose
i agree... walang credibility si badbreath lolit
1391 faye_mgc
malinis nga ako....at hindi ako gumagamit ng bad words....at hindi kita papatulan alam mo? Idol mo ksi yang mga nandiyan! DI ako pumapatol sa mga walang U-t_a_k at puro bunganga lang. May sarili akong opinion, karapatan ko yun. Say what you want to say...Hipo's will always be hipo's and what birds of the same feather flock together di ba? So diyan ka na sa mag-iina mong HIPOCRITES!
1390 team_kapamz_ako
balugababe,
kung nahulugan man cla,
huhulugan ko pa cla ng durian para wala cla mukhang ipakita..
1389 kulitzmhe
more comments