news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186968 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 1328  balugababe

    06/04/2009 | 08:46 AM

    1297
    dosperados

    yan si cristy fermin, hanggang ngayon ayaw tantanan si marian at blina blind item na may anak na daw ito

    obvious na si MR ang pinapatamaan dahil sa clues at may awwwww pa sa dulo

    si cristy, jobert, pete ampoloquio at si swarding yang mga yan pagawan ko ng krus sa Mount Hibok Hibok at don ko sila ipapako

    pinanganak kaseng ubod ng pangit kaya bitter sa buhay
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1327  sharonbruha

    06/04/2009 | 08:45 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1326  agusanonko

    06/04/2009 | 08:45 AM
    kwawa ka hayden pg napatunayan yong ky kc..alam mo naman ang mga magulang nyan,lalo na yong acting daddy nya kuning syempre mgpkitang gilas epgllban kunyari c kc..nako alam naman halos cla2 ang gumagawa ng batas sa pilipinas..bakittt ala kng pinalampas,patay kang hayden sa kangkongan ka nga ppulutin!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1325  ambitiousfroggy

    06/04/2009 | 08:45 AM
    oh, asan na ang sex video? talagang meron ba niyan?

    sana wala, kung yung kay katrina nga di ko masikmurang panoorin eh, ito pa kaya sa dalagang ito?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1324  steinbuck

    06/04/2009 | 08:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1323  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 08:36 AM
    sana KC ikaw na nga ang katapat ni lolit ;;; kung si cristy fermin natapos ang maliligayang araw dahil sa issue na gabby/rose f ... sana si KC na rin ang tumapos sa karumal dumal na gawain ni lolit sa showbiz ;;; sayang nga sana tinuluyan na nina piolo/sam para di na nakapaghasik nang lagim ang dakilang harbatera nang showbiz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1322  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 08:31 AM
    balugababe , feeling ni lolit lahat nang kaso malulusutan niya , scam nga na niloko niya ang sambayanang pilipino nalusutan niya dahil matindi ang kapit niya sa mga nakaupo sa gobyerno ... lahat laro sa kanya , keber siya kung may reputasyon na masira , basta pag proven guilty na si lolit retract lang and presto lusot sa kaso ... dis time sana maturuan na nang leksyon ang bruha para mawala na ang salot sa showbiz!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1321  lalapearl

    06/04/2009 | 08:31 AM
    Dapat tangalan ng work itong si Lolit sa GMA nakakasira sa reputation ng Company nila...

    liar liar liar itong matanda....subrang daming siniraan na artista..baka si Mega ang katapat mo Tanda
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1320  dosperados

    06/04/2009 | 08:29 AM
    si marian hmmm pwedeng totoong buntis until lumaki ang tyan but now ang seksi pa rin nya hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1319  dosperados

    06/04/2009 | 08:27 AM
    1293
    balugababe
    June 4, 2009
    08:23 Am

    ----

    wait na lang me for further development lets give everybody the benifit of the doubt hehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1318  kagandahangneneth

    06/04/2009 | 08:25 AM
    who cares kung may sex video sila ? whether inform or not si kc and the other girls..that doesnt matter...everybody's entitled to do what makes them happy...and happy si hayden na i-video ang lovemaking nya...

    ang dimonyo d2 is yung taon na nag upload ng supposedly private video ni hayden in public...

    at ang dimonyo d2 is ung mga taong ipokrito na madaling magturo kung sino ang may sala,,,

    hmmmkawawang mga pinoy..mind ur own buss pls...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1317  sexy_kapuso

    06/04/2009 | 08:24 AM
    na curious tuloy ako dito sa kamukha ni KC...yun condo ba ni hayden at richard gutierrez same bldg lang? hmmmm
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1316  balugababe

    06/04/2009 | 08:23 AM
    1281
    dosperados

    so yung usok sa seks bidyo ni angel totoo ba?

    yung usok sa pag bubuntis ni marian totoo ba?

    sa showbiz applicable yang usok usok na yan dahil tambayan yan ng mga manikuristang bakla na pinabili lang ng Caronia nag apply ng reporter!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1315  steinbuck

    06/04/2009 | 08:23 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1314  seungkids

    06/04/2009 | 08:22 AM
    kapusol,hanggang dito ba dala mo pa rin ang inggit kina marian at dingdong.tumahimik ka dyan kong wla ka rin lang masabing matino ok.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1313  say_cutie

    06/04/2009 | 08:22 AM
    hay naku, makulong na sana si hayden para masampolan.. abnormal at maniac na doctor.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1312  balugababe

    06/04/2009 | 08:21 AM
    1268
    akoyisangpino
    y

    ang galing nga ng strat nya kase mga alaga nya naiiskandalo ngayon kaya ibaling ba kay kc ang heat of the moment. wala naman kaseng ganong nakuhang simpatiya si kat at nabawasan ang galit kay hayden kaya isali natin si kc para talagang gumapang sa lusak yang kho na yan. talaga to si lolit walang kadala dala

    pero ito ka. tumawag na si charo kay mega, Galit with a capital GRRRR si sharon, expected yan nanay eh...at ang Gabby, sumugod daw sa GMA hinahunting si Lolita hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1311  darkhuntress

    06/04/2009 | 08:18 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1310  shashimingming

    06/04/2009 | 08:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1309  dosperados

    06/04/2009 | 08:14 AM
    baka naman binigyan din ni kc ng drugs ang hayden maniac na yan hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About