news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186976 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 1308  sexy_kapuso

    06/04/2009 | 08:12 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1307  dosperados

    06/04/2009 | 08:11 AM
    hindi masamang makipag sex kahit kanino basta may consent ang bawat isa at walang pinilit. ang masama lang ay yung ivideo ng palihim at ipalabas in public!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1306  mamafanatic

    06/04/2009 | 08:08 AM
    naku! talagang sa bilanguan na ang future ni Dr. Kho....ano kayang video ang gagawin niya doon???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1305  steinbuck

    06/04/2009 | 08:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1304  dosperados

    06/04/2009 | 08:08 AM
    ang sakin lang kung may usok may naninigarilyo hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1303  sexy_kapuso

    06/04/2009 | 08:07 AM
    naniniwala na ako na si hayden kho ay magaling na artista...dinadaan sa drama ang lahat

    sa lahat ng ginawa nya ang babae pa sinisisi nya..yun about kay maricar kesyo bumalik daw sa kanya nun nagka pera na sya..kawawang maricar reyes
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1302  shashimingming

    06/04/2009 | 08:07 AM
    If KC is indeed in the video, so what? It's not impossible for Hayden to lure KC. Ang guapo ni Hayden. And besides, KC is big enough to do what she wants. She doesn't owe us anything.

    Their private moments are supposed to be theirs, and we can't judge them by that.

    They don't intend to video themselves and distribute it to the public like the ones engaging in pornographic business.

    It's so sad they became victims of wickedness of some people.

    The real devil here is the one who uploaded the videos in the internet.

    People has no business if I do something weird during my lovemaking activities, so don't blame these people.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1301  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 08:06 AM
    lolit...

    what comes around goes around.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1300  steinbuck

    06/04/2009 | 08:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1299  terabithia

    06/04/2009 | 08:05 AM
    Oh No! baka si Ciara Sotto yon magkamukha sila diba. Mamimigay na naman si Mega nang 10M nito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1298  balugababe

    06/04/2009 | 08:05 AM
    ayan may update na kami from ABS camp
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1297  dosperados

    06/04/2009 | 08:04 AM
    1266
    steinbuck
    June 4, 2009
    07:57
    ----
    hindi ko sinabi na masamang makipagsex, all animals do it. kaya lang knowing kc na napaka sweet ay makakaladkad sa ganitong scandalo hmmmm parang ang samasama ni hayden

    ewan ko lang kung patulan ka rin ni hayden kase puro magaganda ang kapartner nya sa video
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1296  baby413

    06/04/2009 | 08:03 AM
    hindi ako naniniwalawala na may sex video si KC with hayden,pero kung meron mang video,anong kataka-taka dun eh kilala na natin kalikaw ng bituka ni hayden? at kung nag-karoon man ng relasyon sila ni hayden nun,ano nakakapagtaka dun?walang asawa at gwapo si haydin,maganda si KC..magtataka lang siguro ako kung after nitong sex scandal ni hayden kay maricar at katrina ay patulan sya ni KC..hahaha..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1295  pepers

    06/04/2009 | 08:03 AM
    ilabas ang vid. we'll see if totoo ba.

    history repeats itself kung totoo ngah. the good thing about sharon and richard sacandal before ay wala pang internet at binayaran ng tatay ni sharon para di ma spread.

    but i still hope its not true
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1294  darkhuntress

    06/04/2009 | 08:03 AM
    steinbuck....the triple mental midget, the trying hard facetious man...you are the one who need to plant some kamote....maybe might help you to digest that food that you been eating for month at di ka na natunawan....look up the way u write....lol.. it sounds so funny.....but at my point of view...it never been sounds funny....there is no hell in that sentence emphasizing that it sounds being funny...

    ohh boy....never mind i rather enjoy planting this kamote para naman me makain ka at baka di ka na matunawan...poor truple mental midget...i hope u going to fart to dat..peace
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1293  steinbuck

    06/04/2009 | 08:03 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1292  leenavi

    06/04/2009 | 08:00 AM
    Siguro pag sinabi nilang mabait , it does not mean na hindi nagkikipag sex , it means that she is not having sex with a man in a committed relationship with another woman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1291  akoyisangpinoy

    06/04/2009 | 07:57 AM
    balugababe , bistado ko na ang style ni lolit solis ... nililihis niya ang issue para di ma obvious ang kahihiyan na inabot nang mga alaga niya sa public hearing sa senado kay hayden kho ... imbes na makuha nila ang simpaya nang tao , nabaligtad , mas dumami ang kumampi at naawa kay hayden ... nakalimutan nila na 10 taon nagsunog nang kilay si hayden bago naging dr , nakalimutan nilang mas matalino pa rin si hayden kahit pagsamahin pa ang 2 senador ... na outsmart sila ni hayden ... hahahah! better luck next time boBong revilla! kelan ulit public hearing? hahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1290  team_kapamz_ako

    06/04/2009 | 07:57 AM
    c marian_kulangot...

    nakainom na maraming sipon at kulangot ang pulutan...
    kaya ganyan xa..hehehehe

    isang big time addict...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1289  steinbuck

    06/04/2009 | 07:57 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About