Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.
"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.
"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."
Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?
"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.
"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.
Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."
YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?
"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.
"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."
May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?
"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?
"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."
HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?
"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1248 lynea
Kung totoo man to syempre kaka disappoint pero syempre di rin kapani paniwala di ba?
1247 steinbuck
1246 cyber_explorer07
1245 cyber_explorer07
1244 cyber_explorer07
1243 cyber_explorer07
1242 lalapearl
1241 akoyisangpinoy
1240 steinbuck
1239 lalapearl
galing ng advice mo..........
my point ka! galing bravo bravo bravo
1238 nothing_personal
1237 cali4niababe
1236 penoy
1235 steinbuck
1234 shastarose
1233 steinbuck
1232 drjones
it could be a look alike or photo shopped. if indeed KC had a tryst with hayden that is the Parisian girl in her. well, their consenting adults. the problem is dr. kho videotaped the liaison. but for KC to have sex with a guy is not remote. if she makes love with a woman, would that makes her fanatics feel better?
for all there is to it, a part of me still hopes that it is not her in the video. what a waste, if indeed it was her.
steinbeck! where in the world are you? i was over at CVS/Pharmacy and Bed and Beyond shop in EC Plaza yesterday.btw, what is shocking if KC is having sex? para bang hindi puede mag sex is kc sa mga comments ng fanatics niya. eh si sharon nga, nakailan lalaki ba? they are not what they appear to be! c'mon!
1231 cyber_explorer07
1230 steinbuck
1229 khloe_k
penoy
June 4, 2009
05:49 AM
lolit solis at arnold clavio hindi kasalanan ni sharon at kc kung mababa ang ratings sa luzon visayaz at mindanao ng gma 7 kaya tigilan nyo ang mag-ina, huwag nyong ianggat ang istasyon ninyo at mega and kc's expense, kc is a very decent lady don't insintuate something that will tarnish her reputation, talagang pailalalim ang tira ng kapuso kung kailan nasa abroad sina sharon at kc for mega thirty concert tour at saka naman remepeke ang makinarya nila
-----------
excuse me po..wag pong gamitin dito ang GMA..at paano ka nakakasigurado na ang GMA ang me pakana nito??..wag na pong gamitin ang network war dito dahil si KC me kamag-anak sa GMA..
more comments