Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.
"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.
"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."
Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?
"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.
"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.
Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."
YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?
"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.
"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."
May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?
"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?
"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."
HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?
"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1668 mironmiron
1667 team_kapamz_ako
saan nag kalat na yan...
basta ako luv ko ang mega family ano man ang mangyari..
1666 blessings2009
1665 skychiong
1664 skychiong
1663 skychiong
1662 skychiong
1661 skychiong
1660 skychiong
1659 skychiong
1658 skychiong
1657 skychiong
greenfield_al
ps
June 3, 2009
18:01 PM totoo talaga na may kc-hayden video na-iforward na nang friend ko sa akin. kaloka si kc di ako makapaniwala sa una mas grabe pa ang eksena niya compare kay maricar. kay katrina di pa nga masyado. maloloka si mega pag napanood niya.
-----------------------------------
owws? iforward mo nga sakin...meron din ako totoo talaga to...marian and hayden...finorward din sakin ng friend ko...imagine si yanyan na at si dingdong nung ginawan ng video ni hayden...tiyak maloloka si wilma galvanet pag napanood nya
1656 skychiong
greenfield_al
ps
June 3, 2009
18:01 PM totoo talaga na may kc-hayden video na-iforward na nang friend ko sa akin. kaloka si kc di ako makapaniwala sa una mas grabe pa ang eksena niya compare kay maricar. kay katrina di pa nga masyado. maloloka si mega pag napanood niya.
-----------------------------------
owws? iforward mo nga sakin...meron din ako totoo talaga to...marian and hayden...finorward din sakin ng friend ko...imagine si yanyan na at si dingdong nung ginawan ng video ni hayden...tiyak maloloka si wilma galvanet pag napanood nya
1655 kcsha
WE LOVE THE MEGA FAMILY SO MUCH
1654 kcsha
KC, magpakatatag ka, dito lang kami para sayo at di ka namin iiwanan sa pagkakataon na ito ipapakita namin na lalo ka kaming suportahan sa lahat.
sa mga galit dyan sa mega family, kahit anong sabihin ninyo sa mag-ina, wala kaming paki alam basta kami masaya bilang fans nila KC at Mega.
we love you Shawie and KC
1653 team_kapamz_ako
eh bakit ka nandito sa article kung ayaw
mo kanila, kaloka...
KEEP MOVING FORWARD SHARON AND KC.....
1652 penoy
1651 blessings2009
1650 blessings2009
1649 lalapearl
KC CONCEPCION SUPER SIKAT BUONG MUNDO MAYAMAN, MATALINO, UN AMBASSADOR..HINDI GAGAWA YAN KUNG IKAKASIRA SA PANGALANG NIYA AT ANG KANYANG PAMILYA.......MAG ISIP ISIP NAMNA KAYO.
PENOY
HAWAK TAYO IPAGLABAN AT SUPORTAHAN SI KC, SHARON AND KIKO......decent, educated,talented and makatao at maka diyos...
peace and goodvibes...
more comments