Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.
"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.
"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."
Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?
"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.
"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.
Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."
YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?
"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.
"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."
May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?
"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?
"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."
HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?
"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1648 Nefertiti_Pharoah
to see is to believe.
1647 mysay
chinks
June 7, 2009
02:59 AM
Ay , oo nga. Salamat sa correction. Sa tindi kasi ng galit ko ke Hayden Kho eh...
1646 penoy
1645 penoy
1644 penoy
1643 chinks
ang dami mong comments nabasa ko parepareho...kulit e...PROFESSIONAL REGULATION COMMISSIOM po ang pwedeng magtanggal ng professional licensed ni hayden. hindi po Philippine Medical Mission! Baka ibig mong sabihin Philippine Medical Association? Hindi rin sila authorize na basta magtanggal ng license...PRC lang po At matagal na proseso po yon. May mas malala pang kaso kay hayden na nakasuhan pero up to now wala pa ring nangyari. Malpractice na nga di pa rin natatanggalan ng lisensya e...ito pa? e bakit yung mga taga cebu doctors hanggang ngayon nagpapractice pa rin?
1642 mysay
1641 mysay
1640 heart07
hu cares kung di ka maniwala..oo meron din kme inggit ka gawa ka rin now na...
1639 babae_showbiz2001
read between the lines, hindi nya ito mariin tinanggi bagkus may pasaring pa sya na quot;kung sakali man baka nabaliw na syaquot;
OMG i still can't believe that this issue comes out. I don't know what is this for para siraan ang reputation ni KC?
1638 blackberry2008
1637 blessings2009
1636 AKOKAZE
1635 dreamsatellitetaiwan
Belo Med clinic....
may secret camera palang nakatutok
sa walang kamalay-malay na pasyente....
ganon din siguro yung kay bea alonzo...
ito namang lolito na 'to di ko maintindihan kung lalaki o babae....
1634 BELOVED
1633 BELOVED
what you said are true..
pero UNTOUCHABLE sila...
kaya behave ka na lang.
1632 lostris
1631 blessings2009
1630 dreamsatellitetaiwan
sana napanood ni Irene Kho ang s e x vid ng anak nya para di na sya magdakdak ng dakdak....
daladala pa nya crucifex at bible.....
di nga takot anak nya.....
1629 mysay
more comments