news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186629 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 648  marian_kulangot

    06/03/2009 | 10:44 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 647  walang_iwanansa_panloloko_ni_one

    06/03/2009 | 10:42 PM
    mag-basa muna ng article.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 646  balugababe

    06/03/2009 | 10:42 PM
    hay naku comonek na ako sa emule.project tried all the international servers, hindi to mga inaapload sa internet..nasa mga drives to ng milyong users. andon nagkalat ang katrina maricar pero wala akong mahanap na kc or bea!

    kung may kahit isang meron lang nito, sigurado ako nasa emule. dian kaya hanapan ng mga rare albums and videos na collection ng mga private owners

    pero WALA! so email nyo na sa akin agad kung meron kase kung puro kayo ngasngas naoobyus kung sno talaga kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 645  marian_kulangot

    06/03/2009 | 10:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 644  greenfield_alps

    06/03/2009 | 10:41 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 643  kpamilya4ever

    06/03/2009 | 10:41 PM
    Wla ng credibility ang ba2eng 2..sna mkul0ng ka pra manahimik kna..nka2bwisit kna
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 642  walang_iwanansa_panloloko_ni_one

    06/03/2009 | 10:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 641  greenfield_alps

    06/03/2009 | 10:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 640  fokemonster

    06/03/2009 | 10:38 PM
    sa susunod hindi na bubuhusan ng tubig si hayden,baka sya na mamigay ng tubig!

    baka lagyan na sya ng gripo sa tagiliran ng taga Pasay!balwarte pa namn ng Cuneta yun!

    hahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 639  lifeisgood2008

    06/03/2009 | 10:38 PM
    Tama lng na hindi idignify ni KC ang cheap at walang basehang issue na ito. Do not stoop that low KC para lng maipagtanggol mo sarili mo. Whatever you say or do, people who want to destroy your image will not believe you so why bother.? Just think of your millions of fans who support you and all our advocacies. Leave this cheap issues behind and continue doing things that benefit other people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 638  kpamilya4ever

    06/03/2009 | 10:37 PM
    I dont believe ds!..matin0ng bata c kc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 637  homey08

    06/03/2009 | 10:36 PM
    dagirl
    ngayon lang naman nabanggit ang name nya, puro blind item lang dati. mamaya siguro sasagutin ni mega or ni kc ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 636  Metaxu

    06/03/2009 | 10:35 PM
    you can quickly edit photos but to edit someone's face on a video? wow if it is anime siguro madali maybe you can add portions to make it appear na part ka ng film but not technically edit the frame on the video. this can only be done in highly sophisticated workstations and high end software.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 635  khikkai

    06/03/2009 | 10:35 PM
    marian kulangot

    sino ka para husgahan si marian aber? u dont even know her personally...u are not with her since birth...u r not with her 24/7!!! gosh! laki ng inggit nyo kay marian...kung sabagay understandable, napakaganda, seksi with ooozing personality, mayaman etc...kaya naman daming naninira!!!! wawa ka naman sobrang laki ng galit mo sa mundo girl! username mo pa lng halatang nandito ka para idown si ganadang mrian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 634  homey08

    06/03/2009 | 10:34 PM
    grabe maraming mag te take advantage sa issue na ito pero let's see later on kung ano talaga ang totoo. Ang hirap talaga kasing maniwala sa sabi sabi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 633  snowdrop3

    06/03/2009 | 10:33 PM
    Sa lahat naman ng mga ka-cheapan na yan si KC pa wag nga kayong magpapaniwala.Wag na lang sana pansinin etong kay Kc dahil talagang paninira lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 632  im_tryland

    06/03/2009 | 10:31 PM
    president gloria macapagal arroyo bago kayo umalis at wala kayo nagagawa sa bansa...dapat itong lolit na ito bigyan ng leksyon..ipakain sa buwaya..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 631  dagirl

    06/03/2009 | 10:31 PM
    sana naman hindi totoo yon kay KC...i doubt na gagawin nya yon....she knows better than that....but why is she not coming out and clear things out? or did somebody mention that to her or to her mom? at least si Bea already came out...sana KC say something....hay! hayden ka talaga marami kang sinirang buhay....kung totoo ito baka ako'y mahimatay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 630  khikkai

    06/03/2009 | 10:31 PM
    marian kulangot

    hwg ka magkalata dito! use ur commonsense..this is not marian rivera's article ok? at pls if u dont have something nice to say just shut up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 629  lifeisgood2008

    06/03/2009 | 10:31 PM
    politically motivated na naman ang isyu na ito against KC, wala kasi silang magawa sa popularidad ni Kiko bilang Vice- President at wala silang masilip na butas kaya si KC ang puntirya nila dahil alam nilang malakas ang impluwensya nya sa mga kabataan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About