Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.
"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.
"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."
Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?
"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.
"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.
Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."
YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?
"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.
"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."
May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?
"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?
"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."
HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?
"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1608 katotohanan_lang
nakalimutan ng mga fans na may private life din ang mga artista at minsan kung anong nakikita sa kanila as their image sa pelikula or limelight ay kabaliktaran sa private life nila.
si kc modern yan at liberated. if u have seen mga pictures nya sa paris eh normal lang sa mga babae ngayon pero sa pinas eh pangit ang dating esp sa image nya na sweet.
sa video naman antayin ko na lang na makita ko. pero si sharon ay chain smoker talaga yan. saka may richard and robin sya before kiko. pero normal lang ang mga yan sa panahon ngayon.
1607 blessings2009
1606 seungkids
1605 longhair4ever
1604 kcsha
solidaridad
ikaw lang yata ang di nakakaalam na nasa US at CANADA concert tour ang mag-ina...hintayin ninyo ang pag balik nila at doon ninyo unang makikita kung paano magalit si mega sa issue na ito
1603 kitong123
1602 ako_ito_eh_bakit_ba
arnold clavio magsalita ka patay ka rin kay mega........
1601 kcsha
totallyfab
hindi totoo na may seks bidyo si KC... nagpa body scrub si KC sa belomed at walang kamalay malay si KC na nabidyuhan na pala siya doon sa clinic ni belo.
hintayin nila ang pag dating ng mag-ina galing sa concert nila sa ibang bansa at doon nila makikita kung paano magalit si mega kapag anak na niya ang sinisiraan ng ganito
1600 rhobby33
1599 xianmeg
1598 matetdionusa
1597 lovelypinay
1596 mschikka
1595 katotohanan_lang
inaway nyo pa ako rito eh sa yan ang topic last week before ng senate hearing ni katrina-hayden.
1594 jedyru02
1593 team_kapamz_ako
makikta ng c sharon cuneta.
kung paano maging
mega galit....
mega iyak.....
at mega megang sampahan ng kaso c lolit at arnold..
1592 jedyru02
1591 LARA
1590 totallyfab
1589 bumble_bee
more comments