news

Lolit Solis clarifies report that she has seen alleged video of Hayden Kho and KC Concepcion

by Eric Borromeo posted on June 3, 2009  STATS: 186639 Views | 1708 Comments

 

Controversial talent manager Lolit Solis talks about the alleged video of KC Concepcion and Hayden Kho, and the sexual harassment complaint filed by Yasmien Kurdi against Baron Geisler.

Photo By: Noel Orsal

Nakapanayam sa radio program na Wow! Ang Showbiz! sa DWIZ kaninang tanghali, June 3, ang talent manager na si Lolit Solis. May mga naisulat kasi sa ilang tabloid na napanood na raw ng ex-manager ni Dr. Hayden Kho ang diumano'y sex video ng cosmetic surgeon at ng young actress na si KC Concepcion. Pero mariin itong pinabulaanan agad ni Lolit.

"Hindi. Hindi ko napanood, Ogie [Diaz, program host]. Sabi ko nga, 'yon ang ayokong mapanood kung sakali dahil madi-disappoint ako. 'Saka ayokong maniwala dahil hindi kapani-paniwala. Dahil, di ba, si KC, napaka-anong bata... Yung parang may disiplina, nakatapos, naka-graduate ng college. Wala ka talaga na narinig na nagwala siya," umpisa ng kontrobersiyal na talent manager.

"'Saka ang sabi ko nga, si KC, hindi mahilig sa guwapo," patuloy ni Lolit. "Di ba, hindi naman guwapo si Rico Blanco [dating vocalist of the band Rivermaya]? Saka si Lino [Cayetano, film director]. Hindi naman mga kaguwapo, di ba? Si Dr. Hayden naman, kahit na manyakis ang bakla, may itsura. 'Saka hindi ako maniniwalang nandodo'n si KC. Wala. Wala akong napanood."

Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?

"Hindi," tanggi ni Lolit. "Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

"Kung sakali man, siguro, nabaliw na lang si KC!" biro pa ng talent manager.

Patuloy niya, "Kung sakaling totoo, ayokong panoorin. Parang nakita mong lumaki [si KC]. Parang anak mo na rin 'yan, e. Saka ang dami-dami pa niyang advocacy. Nagpapakain ng mga gutom na bata, nagpupunta sa Mindanao, di ba? Parang hindi totoo."

YASMIEN-BARON ISSUE. Napag-usapan din ang tungkol sa reklamong sexual harassment ng talent ni Lolit na si Yasmien Kurdi laban kay Baron Geisler. May advice ba siyang ibinigay sa Kapuso star?

"Sabi ko kay Yasmien, 'Ikaw naka-experience niyan, hindi ko nakita 'yan. Hindi ko naman alam kung ano ang totoo. Ngayon, kung ano ang nasa puso mo, kung ano ang inaakala mong tama, go!' Siya ang nakaranas nun. Kung talagang nabastos siya, siya lang ang may karapatan, di ba? Kumbaga, kung ano ang makapagpapaligaya sa 'yo. Kung ano ang inaakala mong mabuti...tama, gawin mo.

"Alam mo ngayon, 'pag babae ka, dapat alam mo kung saan ka nakalugar, e. Bilib na bilib ako sa ginagawa ni Katrina [Halili]. Kesehodang hindi na nagtatrabaho, 'ayun siya. Siguro, wala nang kadatungan ang bakla, di ba? Pero tinutuloy-tuloy niya ang laban."

May nagpa-padrino ba sa kanya para maayos ang kaso ni Baron?

"Meron," pag-amin ni Lolit. "Alam naman natin na alaga ni Kuya Maryo de los Reyes si Baron. Naawa ako kay Baron, kumbaga, nagkamali siya nung una. Baka hindi naman gano'n kaano ang image ni Baron. Kung hindi naman ito gano'n kagrabe, ayusin na lang, di ba?

"Pero alam mo si Yasmien, sa lahat ng alaga ko, siya yung pinaka-'kukok.' Yun bang kapag sinasabihan mo, 'pag feeling niya pinipilit mo siya, lumalayo. Yung hindi ka papakinggan. Si Yasmien kasi parang bata, e. Iha-handle mo siya na parang bata rin. Parang, 'Yung nanay ko nga, hindi ko pinapakinggan, siya pa?' Kaya ayokong pilitin, kasi baka kung ano pa ang gawin."

HAYDEN KHO ISSUE. May nakikiusap din ba sa kanya na tigilan na si Hayden?

"Sabi ko nga, kamuntik na talaga akong mapunta sa 'team Hayden,' kasi nga dahil kay Vicki Belo [ex-girlfriend of Hayden]. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Vicki. Ang talaga lang nakapag-turn off sa akin nung araw na nag-meeting kami... Walang pagsisisi.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1708 Comments

  • 248  papsy

    06/03/2009 | 07:18 PM
    182 akoyisangpinoy

    Sa posisyon ni Lolit, mahirap yan. Diyan sya nabubuhay. Si Vicki Belo ang nagtiwala kay Lolit at naging reason kung bakit ang daming alam ni Lolit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  cyber_explorer07

    06/03/2009 | 07:17 PM
    greenfield......ang dami mong paligoy ligoy ang sbi mo meron si kc hwag ka ng magbigay ng site nina kat at maricar kalat na yan sa mga site un site ng kay KC ang ibigay mo madali lang idownload yan.....meron ba o wala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  tsitaruttzzz

    06/03/2009 | 07:17 PM
    agree gusto lang magalit n lolit cna mega kay hayden!!anu b nmn lolit dpt sau magalit lht!!
    at ung comment n bkt dw c katrina ang sinisisi s vidoes n hayden, teka bakla kelan sinisi c katrina? ang pgkk alam k kc lht ng videos e sinisisi c hayden..halatang-halata nmn n no. 1 fan k n katrina!!alam m n kung cno k, bato2 s langit ang tamaan ay kasing pangit n lolit!!bwhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  balugababe

    06/03/2009 | 07:17 PM
    178
    cyber_explore
    r07

    kahit link lang

    or i cut nya yung file tapos izip nya
    binura ko ang old messages ko sa madaming space sa mail ko

    nakakapag send ako ng personal kong videos sa mga kamag-anak ko sa pinas so i don't see any problem with that

    kahit picture na lang, JPEG, pwede mong icapture ang scene sa vid to a jpeg format, yan wala kang memory problem dian

    kahit still pictures okay na sa akin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  secret266

    06/03/2009 | 07:17 PM
    kung talagang meron sec vids si kc at kho dapat noon pa lumabas na... at mismong unang una pa na lumabas kaysa kay KAT! lolz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  hmmmackhoy

    06/03/2009 | 07:16 PM
    Ano ang katotohanan na napag-usapan na raw nila ito sa radio program ni Arnold Clavio?



    quot;Hindi,quot; tanggi ni Lolit. quot;Sabi ni Arnold, nakita daw niya. Sabi ko, baka kamukha lang niya [KC]. Sa totoo, wala akong nakitang ganyan. At ayokong paniwalaan 'yan dahil kilala ko nga ang batang artistang 'yan. Hindi ako maniniwala.

    =======================================


    wala naman sinabi si lolit na may sex video si KC..Kay Arnold daw nanggaling ung tungkol sa SEx Video kaYA si Arnold Clavio ang mapuputukan kapag nagkataon.napapansin ko rin lately si Arnold nagiging showbiz..lol!!Walang katotohanan ang Sex Video ni KC..Paninira LANG ITO..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  hazelhal

    06/03/2009 | 07:16 PM
    Naku Lolit Solis, dapat talaga tumahimik ka na lang ! Ang daming buhay ang ginugulo mo. Ano naman iyong sagot na --- KUNG SAKALING TOTOO, AYAW KONG PANOORIN----. That is not a DEFINITE NA NO on the issue about a video on KC-HAYDEN. Lolit is insinuating that THERE IS THE POSSIBILITY that they do have a video. Ang labo pa ng alibi na ginamit--- hindi raw mahilig sa guwapo si KC. What a shallow alibi !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  greenfield_alps

    06/03/2009 | 07:16 PM
    di ko naman kayo pinipilit na maniwala sa akin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  sweetyspy

    06/03/2009 | 07:15 PM
    balugababe

    Walang email ng link sau dhil di totoo ang bintang nila kay kc....

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  2nyak17

    06/03/2009 | 07:14 PM
    pati si manay lolit nasisisi tuloy e ano magagawa nya e s nagkataon n malapit sya s mga taong involve db kaya marami syang alam. pero d sya ang dapat sisihin db. d nmn nya inutusan si hayden n i-video ang pakikipagtalik s mga babae db. tama nmn ang advise nya n manghingi ng tawad db since nagkasala nmn talaga si hayden s mga mata ng tao at ng diyos. bali-baligtarin man sya ang puno at dulo ng mga problema na kinasasangkutan nya now. tama si bong revilla kung d sya nagvideo wala sana sila s senate nun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  akoyisangpinoy

    06/03/2009 | 07:14 PM
    papsy , pwede namang wag na siyang magpa interview about KC , wala naman pala siyang napanood ... bakit may side comments pa siya about lino , rico ... kaya lumalaki dahil may denial nga siya na nakita niyang vid , dami namang bitin at sarcastic na comments ... alam mo naman mga tao , hilig mag speculate ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  greenfield_alps

    06/03/2009 | 07:14 PM
    sabihin mo lang kung ano pa ang gusto mo makita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  homey08

    06/03/2009 | 07:14 PM
    alam mo ms. lolit dahil nag name ka na ng name, kahit walang video, hindi na mai aalis sa isip ng tao na nasangkot si KC sa ganitong scandal. Iniinis yata ni Lolit si Kiko kasi gusto nya siguro ma ki join din sa issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  balugababe

    06/03/2009 | 07:13 PM
    165
    greenfield_al
    ps

    wag kang mag alala nasa ibang bansa ako at wala akong intentiong habulin ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  cyber_explorer07

    06/03/2009 | 07:13 PM
    balugababe.....hwag kana maghintay dahil wala nman talaga maiforward sayo si greenfield kc ako un mga nadownload ko kina kat at maricar dko maiforward sa email.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  greenfield_alps

    06/03/2009 | 07:12 PM
    pasampol ko yan sa yo pag-di totoo, sabihin mo sinungalin ako.

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 232  queenkimz

    06/03/2009 | 07:12 PM
    165
    greenfield_al
    ps
    bat ka natatakot?pwede mo yan blackmail sa mga cuneta at pangilinan.o ngayon aatras ka na hinihingi sayo.dapat kung may salita ka panindigan mo at kaya mong patunayan at hindi puro daw at puro kung ano-anong palusot...
    sige na baka naman maniwala kaming lahat.to see is to believe nga di ba...kung meron ka aba bonga friends pala kayo ng uploader...o kaya ni belo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  ambushgurl

    06/03/2009 | 07:12 PM
    know wat all pepsters???!!! wag na natin patulan si Lolit ..she don't have any credbility at all...if there's really video..let's just wait, watch and judge..hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  papsy

    06/03/2009 | 07:12 PM
    hi hmmmackhoy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 229  slms324

    06/03/2009 | 07:12 PM
    mag-aalburuto yang una si gabby.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About